Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Enough of this. This is too much, already!

Yan Lang ang mga katagang nasabi ko sa asawa ko (Pinagbakasyon ko muna – sobra-sobra na ata ang pagka-traumatize nya sa bunganga at dakdak ko lol.) ng talagang di ko na ma-take na may ibang tao sa loob ng bahay na nakasapatos! (Dalawang linggo mahigit and will still be counting? Kasi di pa ata tapos ang trabahu… Akong nagdusa at magdudusa pa?) Nagpapagawa kasi ako dito sa balaystina 2 linggo ang nakaraan tapos biglang no-call / no-show ngayon ang mama? Baka nakulitan sa akin? Kasi panay ang tingin ko sa kanila tapos panay ang tanong ko na – so kelan ang balik mo? Andito ka ba bukas? Hahaha para itaaon ko na andito din ako at mabantayan sila kung saan sila tatapak (Bago pa man mangyare ang kahindik-hindik na krimen na ito [sapatos sa loob ng bahay! *Voice over ni Gus Abelgus*] krimen yan sa akin! Hahaha… Kinausap ko ng masinsinan ang sarili ko. Na talagang kung gusto ko na maayos yong konting sira eh talagang kailangan ko magpapasok ng tao dito sa bahay ng nakasapatos at gagamit sila sa banyo ko.) Okay naman ako – pikit mata na lang hahahaha. Talagang nilunok ko na lang. Kaya bago kami mag-agree kung papagawa ko sa kanya. Inin-terview ko muna. (O ilang araw ang gawaan? 1 week daw. Estimate ekk ekk. Pucha till now di pa tapos arg! Tapos sabay sabi ng basta iwan mo susi para makagamit din kami ng banyo! ARGGGGG, nagpanting ang tengga ko as in. Wala akong worries na nanakawan ako o kung ano man talaga, sapatos lang ang worry ko talaga hahaha.) Eto pa, noong nagawa sya sa basement noong isang araw, narinig ko dumahak as in. *Napaka-kagat-labi na lang ako eh* Saan kaya dumura si Kuya? Sana naman sa cup (LOL.) o sa basurahan, wala naman kasing sink sa ibaba eh.

I feel bad for myself – feeling ko ang pangit kong employer kasi nga banyo lang pinagdadamot ko pati sahig! Hahah. But, I think I did a good job – I was fair to them by letting them use my restroom and step on the floor with their big and heavy boots hahahahaha!!! But 2 weeks and moreeeee is just too much!!! TOO much already for this small job! It should have been finished before the holidays!

Kung hindi nyo alam – eto ha. May pagka OC kasi ako. (May nasabat sa likod ko hindi naman daw may-pagka-OC, talagang OC daw ako! At nuknukan.) Ayaw ko na nagpapasok ng sapatos sa loob ng bahay. Ang dumi kasi sa kalsada noh as in. May dura, ta*, ihi at kung anik-anik na bakterya na napagmumulan ng mga sakit! Ang hindi ko maintindihan paano kaya ako nag-thrive sa tarbahu ko? Yan ang talagang palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon. (Sabi nga ni ate Nena, bawat sugat piso yan iha! Hahaha.) Malamang pikit mata at lunok na lang. Bwahahaha.

Something happened to me that I am not aware. Maybe something traumatizing. Yan ang sabi ko kay Maila noong isang araw. Paano ba naman talagang grumabe ata ang ka-OC-han ko, yan din ang sabi nya. Kasi hindi naman daw ako ganito ka-grabe noon. Baka nga daw may mga ekk ekk rituals na ako? Ha ano daw? Gurl wala pa naman ako sa ganyang level – di naman. (Knock on wood! Katok!!!) Eh baka nga mamaya sa ka-grabehan maging ganun ka na. Wag naman please! LOL. Eto nga ang hirap na noh! Biruin mo ako napaka-hilig ko manood ng tv. Pero hindi ako nagpa-cable. Paano ba naman, yong mag-i-install hindi maghuhubad ng sapatos ay patay tayo jan! Forget the cable bwahahaha! Few years ago nakapagpakabit ako – nadiskubre ko na ah pwede pala yong shoe covers, kasi nga diba for safety kailagan nakasapatos sila? So yon isa-isa silang pinagsuot ko ng shoe covers. Tapos may mga card-board ako sa sahig for more diva? Pero hindi din ako na-satisfy sa outcome nito. Kasi nga paano ba naman naka shoe cover ka nga tapos baba ka sa kalsada tapos basement tapos panik ulit sa unit? Di ganun din pucha! Kinaladkad mo lang sa covers ang dumi. (Kaya ang tanong ko lagi sa cable company kapag nagpapakabit ako ng internet – pwede bang self install? Walang self install na cable tv eh. Hahaha. Kapag hindi, dedmakels! Tawag naman ako ng isang company. Ang mahal mahal na nga ng binabayaran ko sa comcast sa internet pa lang – paano kasi sila lang ata ang may self-install leche!) Malaki din natipid at naipon ko sa mga taong wala akong cable tv.

Believe me, when people visit me – I really hate to ask, pwede bang paki hubad ang sapatos mo! None of the people who visit me does this to me when I am the one visitting them. (Sabi ko nga sa kanila – kanya-kanyang trip lang yan! Walang basagan ng trip. Hahaha.) And I am sure they do understand. Many of my friends volunteered to help paint the house – sa loob-loob ko (Mag-huhubad ba kayo ng sapatos nyo? Ang sama eh noh. LOL.) Well, I insist the house doesn’t need any painting it is fine as it is – kahit it needs one. Hahaha. At yong isa nagpupumilit mag punta para tignan ang basement ko kasi moist nga sa ibaba eh. (Aren’t most ibaba moist? HAHAHA!) I know they all mean well. Most of my friends know this. Kahit yong iba hindi pa sila nakakapunta sa bahay, kwinukwento ng mga nakapunta na. Ang tawag mga nila sa bahay ko contaigon eh bwahahaha.

I don’t think my relathieves are aware of my condition! Kinakanchawan na ako – kelan ang house-warming? Syempre palusot ko – ayyy *Kamut-ulo* napakilit ng bahay hindi kayo kasya – bigay nyo na lang sa akin ang regalo nyo! Hahaha!!! (Maliit talaga ang bahay! Di yan chika-chika patani.) Saan kaya maganda magpa house-warming? Sa buffet kaya o sa hall? Potluck? Hahaha. Leche! Dapat nagpa house-warming na kami noong pa lang sa lumang apartment ng matangal ang mga gamit papunta dito. (Doon pwede at free magdala ng sapatos sa loob – hindi ko na tirahan yon noh!) We should have done that!!! Bwhehehehe. Bheee.

Kaya nga mga nakukuha kong tagabuhat sa lipat-bahay eh mga pinsan kong teenagers paano ba naman sila lang ang nauuto ko sa paghubad ng sapatos. Bwhehehe *HIK* Hindi naman gagawin ng pro-movers yan noh, safety nga daw eh – daming kalokohan dito sa Amerika! Kaya naman ang furniture ko pagkalipat sira-sira din shet! Lunok na lang talaga – at least walang pumasok na sapatos sa bahay ko at sahig ko malinis hahaha. Kaya-kanyang trip nga diba? My head is working differently! Hindi ko din maintindihan!!!

Kaya eto ngayon ang theme ng bahay Japanese kahit pa ayaw ko! Pinalagyan ko ng tatami mats ang buong bahay – para hindi na ako magsasabi na. Pwede bang paki-hubad ang sapatos. Hindi naman kailangan I-memorize ng mga bisita diba. Tatami mats=no shoes! Kanya-kanyang diskarte at gimick lang talaga!

Related Posts
  • No related posts


This post first appeared on Diwatang Byaning » Rants And Raves Of An Ethnic, please read the originial post: here

Share the post

Enough of this. This is too much, already!

×

Subscribe to Diwatang Byaning » rants And Raves Of An Ethnic

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×