Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Buo Buong Dugo sa Menstruation

Naranasan mo na ba na may nakita ka na Buo Buong Dugo sa menstruation mo? Minsan nakakagulat ito lalo na kung unang beses mo pang nakita ito sa iyong buhay. Basahin ang artikulo na ito upang malaman kung ano ang dapat maunawaan sa hindi pangkaraniwang bagay na ito:

Normal ba ang buo buong dugo sa menstruation?

Ang mga buo buong dugo sa menstruation ay normal lang. Tinatawag itong Menstrual Blood Clots. Talagang nangyayari ito dahil sa iba’t ibang mga salik sa iyong katawan at kalusugan.

May mga pagkakataon din na ang mga clot na ito ay sanhi ng mga underlying health issues. Upang malaman kung normal lang ang mga clots na nakikita mo sa iyong menstruation, tingnan kung ang mga sumusunod ay mga katangian ng mga buo buo na nakikita mo:

  • Kasing liit ng limang sentimo na barya
  • Hindi ganoon karami at hindi palaging nakikita sa mga araw ng buwanang daloy
  • Hindi nangyayari sa bawat pagdating ng buwanang daloy

Ano ang menstrual blood clots?

Ang mga menstrual blood clots na ito ay mga solid na mga materyales na nakikita sa menstruation. Kalimitan, mukha itong jelly na sobrang pula o di kaya ay maliliit na butil na kalumanggi. Karamihan sa mga blood clot na ito ay nagtataglay ng body tissue na nanggaling sa bahay bata.

Kung matatandaan mo sa iyong mga klase sa Agham noong elementarya, ang buwanang daloy ay nangyayari dahil nalalaglag ang lining ng bahay bata kapag hindi nabuntis ang isang babae.

Bagamat sanay tayo na makita ang dugo na likido, malaking parte talaga nito ay solid. Ang sangkap na nakakatulong na manatili itong likido ay ang anti-coagulants. Kapag hindi na nalagyan ng anti-coagulants ang dugo, lalabas ito na solid. Minsan, marami itong taglay na fibrin, ang materyal na nagiging sanhi ng pagkulta ng dugo.

Mga posibleng sanhi ng buo buong dugo sa menstruation

Kung hindi na normal ang menstrual blood clots na nararanasan mo, maaaring may isyu na pangkalusugan na iniinda. Ang mga ito ay posibleng mga sanhi:

Nakunan. Minsan, kung hindi namalayan ng isang babae na nabuntis siya, ang menstrual blood clots ay maaaring fertilized egg na na-miscarriage. Kung ito ang sitwasyon mo, tumawag agad sa doktor.

Menorrhagia. Kapag grabe na ang pagdudugo, puwedeng may menorrhagia na ito. Ito ay isang sakit na nailalarawan ng severe bleeding na maaaring magpanganib sa buhay ng babae.

Iba pang bleeding condition. Ang ilan pang posibleng bleeding condition na dahilan ng buo buo na dugo ay ang immune thrombocytopenia, platelet function defect at von Willebrand disease.

Mga solusyon buo buong dugo sa menstruation

Ang mga ito ay mga bagay na makakatulong na iwasan ang menstrual blood clots at upang hindi makaramdam ng sakit:

Uminom ng pain reliever. Malaki ang tulong na madadala ng pain relievers sa pag-inda ng sakit. Ikonsulta sa doktor mo ang pain reliever na iyong iinumin.

Gumamit ng menstrual cup. Magiging madaling mapuno ang napkin. Ang menstrual cup ay magandang alternatibo.

Ang mga buo buong dugo sa menstruation ay hindi palaging nangyayari sa mga kababaihan. Magandang malaman nila kung ano ang ibig sabihin nito para hindi sila matakot at magulat masyado.



This post first appeared on Pagbubuntis.com, please read the originial post: here

Share the post

Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Buo Buong Dugo sa Menstruation

×

Subscribe to Pagbubuntis.com

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×