Matulog na, o giliw ko Hindi lilisanin ang tabi mo Sa lamig ng buong magdamag ako’y parating naririto. Hayaan Mong awitan kita ng mga kundiman ng pag-ibig, mga bersong ubod rikit, at linyang sa iyo inukit. Hayaan mong ipaghele kita sa duyan ng aking mga bisig, unan ang aking dibdib halika’t managinip.