Aklat ni propeta Isaias 49, 8-15 Sabi ng Panginoon sa kanyang bayan: “Sa araw ng pagliligtas sa iyo ay lilingapin kita, at tutugunin ang paghingi mo ng saklolo. Babantayan kita at iingatan; sa pamamagitan mo’y gagawa ako ng tipan sa mga tao, ibabalik kita sa sariling lupain na ngayon ay walang kaayusan. Palalayain ko Ang Nasa bilangguan at bibigyan ng liwanag ang nasa kadiliman. Sila’y