Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

PULIS sangkot sa pagkamatay ng binatilyo sa Caloocan

Photo credits to owner

17 anyos na estudyanteng si Kian Loyd Delos Santos napatay ng Mga Pulis matapos umanong gumanti ang isa sa mga pinaputukan ng mga pulis habang nagsasagawa ng Oplan Galugad sa isang barangay sa caloocan.

Agad namang sinibak ang 3 pulis na sangkot sa operasyon na ikinamatay nito.
“Immediately, pina-relieve natin ‘yung tatlong involve na pulis, plus the PCP (Police Community Precinct) commander at temporarily in-assign natin sa Regional Police Holding and Accounting Unit natin to pave the way for an impartial investigation,” ayon kay National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde.
Watch video:

Hindi naman tinanggap ng pamilya ng binatilyo ang report ng pulisya hinggil sa insidente. May kuha umano ang CCTV ng barangay na nagpapakitang bitbit ang binatilyo ng dalawang nakasibilyang pulis papunta sa lugar kung saan siya natagpuang patay.
May dalawang saksi rin na nagsasabing piniringan, pinagsusuntok at sinikmuraan pa ang binatilyo nang arestuhin. Nasundan din ng mga saksi ang mga pulis at kita umano nilang inabot sa binatilyo ang isang baril.
Sinabihan umano ito na iputok ang baril saka tumakbo. Nang tumakbo ang binatilyo, doon na siya pinaputukan ng pulis.
Watch live interview of Albayalde:

Sa isang interview sinabi ni Albayalde na nagbigay na rin siya ng direktiba sa Regional Investigation Division na makipag-ugnayan sa Internal Affairs Services para sa isasagawang imbestigasyon.
“Binigyan na rin natin ng direktiba ‘yung district director to ensure the security nung mga relatives ng bata at kahit ‘yung chief of police d’yan gumawa na rin ng sariling imbestigasyon,” ani Albayalde.
Inaasahan naman ni Albayalde na lalabas sa lalong madaling panahon ang resulta ng imbestigasyon ng IAS.
“ASAP po. Kahapon pa po natin binigyan ng direktiba ang ating Internal Affairs Services. Sa tingin ko one or two weeks po matatapos ‘yung kanilang imbestigasyon dyan,” sabi niya.
Sa ngayon humihiling ng hustisya ang pamilya ni Kian at iginiit na magkaiba ang bersyon ng mga pulis sa ipinapakitang CCTV ng barangay ukol sa insidente.

Watch video:

Sa unang report sinabi umano ng mga pulis na sinita nila si Kian habang isinasagawa ang operasyon pero bigla raw itong tumakbo.
At ng habulin ng mga pulis, naglabas raw ito ng baril at nagpaputok kaya dahil dito gumanti raw ng putok ang mga pulis.
Ngunit tila iba ang ipinakita na CCTV footage ng barangay.
“Nakita namin sa video ng barangay bibit siya. Paano siya nakipagbarilan? Binitbit nila. Piniringan daw,” ayon kay Zaldy delos Santos, ama ng biktima.
Photo credits to owner
“Pinipilit nilang magturo ng mga drug pusher, eh, wala namang alam ang anak ko,” pahayag ng ama.
Sa bersyon ng mga pulis, narekober umano mula sa binatilyo ang isang kalibre .45 na baril at dalawang pakete ng hinihinalang shabu.
Pero iginigiit ng mga kaanak ni Delos Santos na wala itong bisyo.
Ang pamilya ni Kian ay desididong makamtan ang hustisya.
Photo credits to ownet

“Sa tumira sa anak ko, ipasa-Diyos na lang … pero ipaglalaban ko ‘yung anak ko. ‘Di ko papayagan siyang ganyan lang kasi masakit eh,” pahayag ng ama.

Photo credits to owner

Ngayon kayo na ang bahalang humusga dito.

Comment your thoughts hit Like and Share the article. Thank you!
Credits to: GMA, ABS-CBN

The post PULIS sangkot sa pagkamatay ng binatilyo sa Caloocan appeared first on Jerminix.



This post first appeared on Jerminix - Cebu Events , Food And Hapennings, please read the originial post: here

Share the post

PULIS sangkot sa pagkamatay ng binatilyo sa Caloocan

×

Subscribe to Jerminix - Cebu Events , Food And Hapennings

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×