Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

LOOK: VP Leni Umaming Nanalo Si BBM

Kumpiyansa si Bise Presidente Leni Robredo sa pagkapanalo niya bilang ikalawang pangulo ng bansa laban sa talunang si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Sinabi ni Robredo sa kaniyang panayam sa dzMM ngayong Martes na wala siyang kakayahang mandaya sa eleksyon tulad ng ibinabato sa kaniya ni Marcos.

“Ako sigurado ako sa aking panalo. Wala naman akong capacity dumaya,” wika ng bise presidente.

Sa kabila nito inamin naman ng bise president na talo siya sa isang aspeto – ang propaganda war sa social media.

“Pero talagang talo tayo sa propaganda, iyong bawat galaw o kahit wala pang galaw mayroon na talaga silang kuwento,” sabi ni Robredo.

Aniya mahirap makalaban ang mga Marcos dahil sa kanilang makinarya na una na ring nagamit noong panahon ni dating Pangulo Ferdinand Marcos.

“Kaya iyong sabi ko parati na mahirap talagang kalabang ang Marcos. Alam naman natin ang strategy na ginamit nila sa kanilang hidden wealth. Thirty-one years after, wala pa ding nangyayari,” patuloy ni Robredo.

“Iyon din ang ine-employ ngayon. Ang nakakalungkot lang, sila ang may capacity. Ang infrastructure nila sa social media in place.”

Nakabinbin sa Korte Suprema ang electoral protest ni Marcos kay Robredo kung saan iginigiit ng dating senador na siya ang tunay na nanalo. [Read more: PhilStar] [source]

The post LOOK: VP Leni Umaming Nanalo Si BBM appeared first on Jerminix.



This post first appeared on Jerminix - Cebu Events , Food And Hapennings, please read the originial post: here

Share the post

LOOK: VP Leni Umaming Nanalo Si BBM

×

Subscribe to Jerminix - Cebu Events , Food And Hapennings

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×