Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Choose Your Own Adventure

Filipino is such a prolific language. Kaya mahirap magsulat gamit ang wikang ito. This is probably why Raft3r's posts are written in English.

Si Bulakbolero magaling magsulat, lalo na sa wikang Filipino. Iba Talaga Ang dating kapag sariling wika ang gamit. Mas malalim. Mas may dating. Mas astig. 

Yan din si Bulakbolero.

----------

Sa tingin ko ang pinakamahirap sa Buhay ay ‘yung Pagpili. Pagpili ng mga gusto natin... Pagpili ng tao na gusto nating makasama panghabang buhay, pagpili ng mga bagay na gusto nating makuha at pagpili ng kung san tayo magiging maligaya. Kung laro lang siguro ang buhay, madami nang game over. Madami ng sumuko.

Para lang din kasi yang regalong matatanggap mo sa exchange gift. May wish list ka na, alam mo na yung gusto mo. Pagdating ng takdang panahon na bigayan na ng regalo saka darating yung pagsubok.

1) Posibleng hindi ang gusto mo yung ibibigay sa’yo.

2) Natanggap mo yung pinagdarasal mo, pero nung nasa’yo na di mo pala sya trip. Di ka kunteto. Iba ang pakiramdam pag hawak mo na.

3) Sobrang saya mo na nakuha mo yung regalo na hiling mo, pero biglang may umagaw (bad santa/white elephant pala ang labanan)

Ganyan Talaga ang buhay. Uncertain. Walang kasiguraduhan. Wala kang clue kung anong makukuha mo. Kung Ano mangyayari next. Ang mahalaga lang naman talaga sa bandang huli. Kung ano yung magiging hakbang mo sa susunod na kabanata.

Kung tatagal ka ba?

Bulakbolero


This post first appeared on The Deadbeat Club, please read the originial post: here

Share the post

Choose Your Own Adventure

×

Subscribe to The Deadbeat Club

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×