Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Tumblr Anon

Tags: yung kasi hindi

Hi, friends, stalkers, and strangers. Remember Lovebug? I wrote about him here, and in many articles on my previous blog. I even have a notebook dedicated to him. Yea. I just found out that he’s a girl.

Yep. Not a man, not an old man, not a boy, not gay, lesbo, bi. I know some of my friends had their own bets. But D is a girl.

So. Nakikiusap ako na sana kahit ilan sa readers ko dito e basahin to hanggang dulo. Because this is my secret na sana maging lesson din para sainyo. Lalo na sa mga anonymous dyan, at sa mga naniniwala sa anons.

Some of you knew D because I talked a lot about him especially in person. Well, you are probably laughing right now. “I told you that guy’s a fake.” Yea. I can’t remember anyone who supported me on trusting D. Bakit ka nga ba magtitiwala sa Hindi mo kilala.

Ayoko na sanang ishare to Kasi ako din naman Yung magmumukhang tanga at kawawa at mababaw. Saka paki nyo ba, diba. Actually, wala naman talaga akong mapapala sa pagpost ko nito e. Hindi ko nga alam kung may magbabasa pa nito. But I’m reallt angry right now. Mad. Sad. I’m full of hate. So I need to write and maglabas ng kung ano yung gusto kong sabihin. So, sorry for naming you, Manel Arenas.

Visit my Tumblr Ask page, and you’ll notice my anon is disabled. Siguro yung iba sainyo makakarelate kapag sinabi kong kagusto-gusto naman yung ibang anon. Na oo, wala silang mukha o pangalan, but they are true and bold. But no. I just realized na kaya sila hindi nagpapakilala kasi hindi sila totoo. Kasi takot sila na malaman mo yung totoo.

D was one of my anons. Four years ago, siguro almost five na, nagmessage sya sakin ng nakaAnon tungkol sa pagdadrama ko sa ex kong malandi. Nagtalo kami dahil sa meron daw forever. May iba pang anons so pinangalanan ko sya. Darna. Yung una kong naisip na pangalan.

Hanggang sa kinuha nya number ko, nagkatext kami, naging close kami. I fell in love. Ang tanga ko no. Sino bang maiinlove sa hindi mo pa nga nakikita o nakakasama. Well, we all make mistakes.

D was my best friend. So lahat ng gusto kongg sabihin sinasabi ko sakanya. Too bad I opened myself to someone I don’t really know. Simula sa pangarap, sa career, sa buhay ko dito sa bahay, love life, sex life, he knew. For four years I thought we were best friends. Na tinanggap ko kase I trusted him, na everything will make sense daw pagdating ng panahon.

Onga naman. It made sense. Kya ayaw mong magpakilala kasi yung biggest secret mo e malala. Babae ka. I’m not against LGBT or whatever. But you said you’re not a lesbian. Babae ka.

Tama naman sya na somehow, I knew or at least thought na babae sya. Naisip ko yon. Either nahihiya sya sa pangit nyang mukha or babae sya. So I asked him. “Babae ka no.” D said no.

Gaano ba kahirap magsabi ng totoo?

Sorry, Manel. I know I told you kagabi na hindi na ko galit. Pero kanina paggising ko, umiyak nanaman ako. Actually hanggang ngayon naiiyak ako. You knew I can’t trust anyone but D. Pano kung mangyari din sayo na yung kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan mo e gawa gawa lang pala ng iba? Ang masakit pa, you keep trying to feed my mind na this is my fault. Na kasalanan ko kase I trusted you. You made me trust you.

Oo nga. Kasalanan ngang magtiwala. Mas malaking kasalanan magtiwala kesa sa panloloko.

You told me you’re now okay, Manel. Na you’re happy na. Ang laking tinik ng nahugot sayo ano? It’s good na you’re already happy. Sana maging happy ka habang buhay. And yes, sarcastic ako minsan.

Ang saya nya, akala mo sya yung umamin or tumuwid sa ginawa nya. No. Conmected kasi yung number na ginamit nya ngayon sa Facebook nya.

Ngayon I feel like hindi lang tanga o bobo. I feel like I can’t trust anyone na talaga. More than before. Kahit na kakilala ko. O nakakasama ko araw araw. Kasi pwede pala yon, may mga tao palang kaya magsinungaling sayo araw araw oras oras minuminuto sa loob ng taon taon nyong pagsasama. Tapos sa huli, kasalanan mo pa, kasi nagtiwala ka.



This post first appeared on Miss Understood, please read the originial post: here

Subscribe to Miss Understood

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×