Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Mga Epekto ng Labis na Katabaan at ang Sagot Dito

Maaring nakikita mo araw-araw sa balita at mga impormasyon ang unti-unting pagtaas ng problema sa timbang ng mga Pilipino. Malapit na ito maging isang pambansang problema, hindi lamang ng mga nakakatanda ngunit pati na rin ng mga nasa 30 hanggang 40 taong gulang na mamamayang sobra sa trabaho. Marami na rin sa mga kabataan ang mayroon ganitong problema.

Marahil ay nagtatanong ka Kung paano tayo nakarating dito. Paano tayo nagkakaroon ng problema sa ating timbang? Malaki ang epekto ng ating kinakain sa ating pisikal na anyo. Kung mahilig tayo sa matatabang pagkain, gaya ng mga nabibili natin sa fastfood, sigurado na ang ating pagtaba. At pagdating sa bahay, kanin naman ang kakainin natin.  

Nakakakita ka ba ng “fat-free” food sa merkado? Napakarami ng mga ito ngayon. Ngunit dapat din nating malaman na ang pag-alis ng taba sa ating kinakain ay makakapagpapayat sa atin. Ito ay sa dahilan na ang pagtanggal ng taba sa pagkain ay nangangahulugan ng pagkawala ng lasa nito. Kailangan itong palitan ng ibang sangkap upang mapanatili ang lasa ng pagkaing tinanggalan ng taba. Ang ang mga karagdagang sangkap na ito ang nakakapagdagdag ng carbohydrates sa pagkain.

At alam mo ba ng kailangan ng ating katawan ang good fats para mapanatili ang tamang metabolismo ng katawan? Ang isa sa masustansyang taba na tinutukoy dito ay yaong nakukuha sa sariwang itlog. Kailangan rin ng malusog na taba upang magamit ng ating katawan ang ilang bitamina at iba’t ibang klase ng sustansyang nakukuha sa pagkain.                   

Kaya kailangan mong matukoy Kung Ano Ang kinakain moa raw-araw upang malaman kung ang mga pagkain ba na ito ay nakakapagpataba sa iyo. Maaari kang gumawa ng listahan para sa iyong araw-araw kinakain sa loob ng isang buwan. Gumawa rin ng tala ng iyong timbang bawat araw. Sa pamamagitan ng mga ito, mas madali mong tignan kung ano ang mga pagkaing nakakapagpataba sa iyo.  

Upang mas mapadali ang prosesong ito, gamitin mo an gang 15 Days Diet Plan. Kung susundan mo ang lahat ng pagkaing nakapaloob dito, hindi mo na kailangan pang maglista ng kaloriya dahil naroon na lahat ng kailangan mo. Ihain mo lamang kung ano ang nakapaloob sa planong ito at makikita mo ang malaking pagbabago sa iyong katawan. Mayroon din kaming 7 Days Diet Plan para sa mga taong gusto munang subukan ang pag-didiyeta sa loob ng isang linggo.  

Pataasin ang Iyong Antas ng Enerhiya  

Ang taong mataasang antas ng enerhiya ay malakas, alerto, hindi basta basta napapagod. May sapat na lakas sila upang makisali sa iba’t ibang gawain upang matugunan ang pisikal na stress. Ang pagiging malusog ay hindi lamang para sa ating katawan ngunit pati na rin sa ating pag-iisip. Kung tunay na malusog ang ating katawan, makakaya nating gampanan ang ating trabaho ng matiwasay ng hindi nawawalang ng oras para sa ating pamilya.

Upang tumaas ang iyong enerhiya at panatalihin ang tamang timbang, kailangan mong mag-ehersisyo. Ang paglalakad ay isa sa mga pinaka-produktibong paraan ng ehersisyo at maaring maging sanhi ito ng pagtaas ng antas ng ating enerhiya. Kailangan mo lamang ng 20 minutong paglalakad sa araw-araw upang maging malusog.  Hindi lamang ang iyong katawan ang mabibiyayaan ng araw-araw na paglalakad.

Kung pipiliin mong maglakad ng maaga, makakalma rin ang iyong pag-iisip. Kahit sinong doktor ang tanungin mo, iisang sagot lamang ang makukuha mo. Makakabuti sa iyo ang simpleng ehersisyong ito. Kung gagawin mo lang ng regular sa loob ng mahabang panahon, hindi mo maiisip ang kalusugan maihahatid nito sa iyo.  Kung malusog ang iyong katawan at pag-iisip, mas marami kang magagawa sa araw-araw. Ito ay dahil na rin sa ating metabolismo. Ang ating metabolismo ang nagsasabi kung ano ang anyo ng ating katawan. Kumg mabagal ang ating metabolismo, tataba tayo. Kung mabilis naman, mas payat ang ating katawan. 

Ang susi sa pagkakaroon ng malusog na katawan na may tamang timbang ay ang pagkain ng tama at pag-eehersisyo araw-araw. Walang anuman ang makakapagpalit sa kombinasyong ito. Maari kang uminom ng mga suplemento upang pumayat, ngunit mas maganda pa rin na kumain ka na lang ng tama. Maaring mas gusto mong mamili ng “fat-free” at “less calories” na pagkain, ngunit wala pa ring tatalo sa sariwang gulay at prutas.

Pagdating naman sa ehersisyo, mas mainam kung lagi kang nagdyi-gym. Pero hindi lahat ng tao ay may kakayahang magbayad o may oras para dito. Ito ang dahilan kung bakit ang paglalakad at pagdya-jogging ay mainam na paraan na ng pag-eehersisyo.

Ngunit kung wala ka pa ring panahon na maglakad o mag-jogging sa umaga, pwede mong gamitin ang aming Revoflex Xtreme. Ito ay isang espesyal na gamit pang-ehersisyo na pwede mong gamitin sa bahay. Sa pamamagitan nito, hindi mo na kailangang mag-gym o lumabas pa ng bahay upang mag-ehersisyo. Ilabas lamang ang Revoflex Xtreme at siguradong makukuha mo na ang 20 minutong ehersisyong kailangan mo sa bawat araw.

Ang lahat ng mga produktong nababangit dito ay makikita mo sa aming website na Healthy-Ph.com. Marami pa kaming ibang produktong maaring mong magustuhan, at lahat sila ay makakatulong sa iyong layuning magpapayat. Isa na rito ang Slim Abs. Napakadali nitong gamitin. Isuot mo lamang ito sa bandang tiyan at gamitin sa maghapon, lalo na kung ikaw ay mag-eehersisyo. Malaki ang maitutulong ito sa pagsunog sa taba sa palibot ng iyong tiyan. Kung gagamitin mo ito araw-araw, siguradong gaganda ang hubog ng iyong katawan.

Kung mayroon kang katanungan tungkol sa kahit na anong produkto namin, bisitahin lamang ang aming Facebook Page na TheHealthyPH. Doon mo rin makikita ang maraming impormasyon na makakatulong sa iyo na mabuhay ng malusog, malakas, at mahaba.

Mapakahalaga na maging bukas ang ating isipan tungkol sa kalusugan. Marami sa atin ang nagsisimula ng tumaba ngunit hindi pa rin nila ito binibigyang pansin. Kung magiging pabaya ka, mas mabilis ang tataba at mahihirapan ka ng kontrolin ito, lalong lalo na kung ikaw ay nagkakaedad na. Ang pagtaas ng timbang, maliit man ito o malaki, ay dapat na bigyan ng tamang pansin. Kailangang baguhin mo ang iyong pagkain at mag-ehersisyo ng mas madalas upang iwasan ang sobrang paglaki ng katawan. Hindi biro ang problemang hatid ng sobrang taba sa katawan, lalong lalo na sa taong may edad na.                



This post first appeared on How To Lose Weight In The Philippines, please read the originial post: here

Share the post

Mga Epekto ng Labis na Katabaan at ang Sagot Dito

×

Subscribe to How To Lose Weight In The Philippines

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×