Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Ang Kahalagahan ng Pagbibilang ng Carbohydrates

Ang Carbohydrates ay may isang malaking epekto sa pagtaas ng antas ng glucose sa ating dugo. Binabago rin nito ang lebel ng asukal ng katawan, pati na ring ang proseso ng pagsunog sa pagkain upang gawing enerhiya. Ang pagkain ng masyadong maraming carbohydrates ay maaaring makapagtaas ng mga antas ng asukal sa dugo.  

Mahalaga para sa isang taong may diabetes na kontrolin ang bilang ng mga carbohydrates na kinakain sa bawat pagkain at balansehin ang ito sa pamamagitan ng pagkaiing ng iba pa na mga protina. Dapat ding limitahan ang matatatabang pagkain. 

May mga uri ng pagkain na napakataas sa kaloriya at maigugrupo ito sa tatlong magkakaibang kategorya: carbohydrates, protina, at taba. Ang karamihan sa mga pagkain na kinain natin ay naglalaman ng carbohydrates at ito ang pinakamalaking grupo ng pagkain ating kinokonsumo araw-araw. Ang mga pagkain sa grupong ito ay kinabibilangan ng: 

  • Butil tulad ng tinapay, crackers, kanin, cereal, pasta
  • Gatas at krema kasama na ang yogurt at keso
  • Mga gulay gaya ng mais, gisantes, at patatas
  • Ang natitirang pamilya ng gulay
  • Mga prutas, kabilang ang katas ng mga ito
  • Mga matatamis na panghimagas at mga katulad nito

Kung kakain ka ng pagkaing may carbohydrates, kinakailangang sukatin mo ito. Importanteng kainin mo lamang ang tamang dami ng carbohydrate sa maghapon upang hindi ito makaapekto sa kalusugan at timbang mo. Limitahan ang sarili sa 15 gramo ng carbohydrates lamang sa bawat pagkain. Halimbawa, kung kakain ka ng crackers sa meryenda, tignan mo kung ano ang nakasulat sa pakete nito. Madalas ay nakasulat kung ilang crakers ang pwede mong kainin upang huwag lumampas sa 15 gramo ng carbohydrates. Kung ang 10 crackers ay katumbas ng 15 gramo ng carbohydrates, ito lang dapat na kainin mo.

Gawin mo ito sa lahat ng pagkain mo at masasanay ka rin sa pagbibilang ng carbohydrates. Ang mas maganda, malalaman mo kung anong mga pagkain ang pwede mong kainin upang maging maayos ang antas ng glucose sa Iyong dugo.

Benepisyo ng Pagbibilang ng Carbohydrates Sa Iyong Pagkain 

Dahil ang carbohydrates ay nabibilang sa isang malaking mga grupo ng pagkaing ating kinakain araw-araw, kailangan natin itong kainin sa tamang dami lamang. Ang maaring makapagbigay ng tamang sukat para sa iyo ay Ang Iyong doktor. Ang carbohydrates na madalas nating kinakain sa araw-araw ay ang kanin at tinapay. Kinakain natin ito sa almusal, tanghalian, meryeda, and hapunan.  

May paraan ng pagbibilang ng carbohydrate at ito ay dapat mong malaman upang hindi bumigat ang iyong timbang. Upang matulungan ka, maraming pagkain ngayon ang may nakasulat na carbohydrate content sa pakete. Sadyang makakatulong din ang mga ito sa iyo upang masukat ang dami ng carbohydrate na kinakain mo araw-araw.  

Hindi mo kailangang tanggalin ang ano mang nakagawian mong pagkain. Ang sinasabi natin dito ay dapat mong bawasan ang dami nito upang hindi ka lumampas sa tamang bilang. Ang mas tamang gawin ay ang kumain ng pagkaing mabuti sa katawan. Iba’t iba ang bilang ng carbohydrates sa ating pagkain at may ilan na mas mabuti para sa atin.  

Halimbawa, mas maigi na kumain ka ng kanin kaysa potato chips. May kasing rami sila ng carbohydrates ngunit mas mabubusog ka kanin kaysa sa chips. Isa pa, may mantika at taba ang potato chips kaya hindi ito ang klase ng carbohydrates na dapat na kinakain mo. Kung gusto mong pumayat at lumusog ang iyong katawan, iwasan ang chips. Mas madaling huwag kumain nito kaysa kanin ang tanggalin mo sa iyong diyeta. 

Ang isa pang benepisyo ng pagbibilang ng carbohydrates ay ang pagkakaroon ng katawan ng tamang dami nito sa araw-araw. Kung parepareho ang dami ng carbohydrates na natatanggap ng katawan, mas madali nitong mapo-proseso ito. Ibig sabihin, kontrolado ang insulin na kailangan ng katawan. Mas madaling pababain ang glucose at panatilihin ang kalusugan ng katawan.

Kapag pinili mo ang pagbibilang ng carbohydrate sa iyong diyeta, mahalagang tiyakin mo na ginagawa mo ito ng tama. Hindi makakabuti ang kulang sa carbohydrate. Masama rin naman ang sobrang dami nito. Kausapin mo ang iyong doktor upang turuan ka kung ano ang dapat na dami ng carbohydrate na tama sa iyo. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang dami ng carbohydrate na kailangan. Mas makakabuti kung isang eksperto ang makakapagsabi ng nararapat sa iyo upang mapanatiling malusog ang iyong katawan at sapat ang iyong timbang.

Kung kailangan mo ng tulong sa pagdidiyeta, mayroon kaming plano na pwede mong sundan. Subukan mo an gaming 15 Days Diet Plan at makikita mo rito ang mga uri ng pagkain na dapat mong kainin araw-araw. Sa loob ng labinlimang araw, gagabayan ka ng plano nito upang kumain ng balanseng pagkain sa buong maghapon. Nakapaloob dito ang dapat mong ihanda para sa agahan, tanghalian, meryeda, at hapunan. Kung nagbibilang ka ng carbohydrates, lubos na makakatulong ito sa iyo.

Mayroon din kaming 7 Days Diet Plan kung sa tingin mo ay gusto mo munang subukan ang planong ito. Magagamit mo ito sa loob ng isang linggo upang maging mas maayos ang iyong pagkain. Importanteng balanse sa sustansya ang iyong kinakain sa araw-araw. Kapag sinundan mo ang nakapaloob sa diyetang ito, siguradong mas bubuti ang iyong pakiramdam.

Mahalaga para sa amin ang iyong kalusugan. Dito sa HealthyPH, wala kaming hinangad kung hindi makamit ng bawat isa ang tamang timbang upang mamuhay ng malusog, masaya, at malayo sa sakit. May iba pa kaming mga produktong makakatulong sa iyo, tulad na lang ng Green Coffee na minumungkahi naming inumin mo tuwing umaga upang mas gumanda ang hubog ng iyong katawan.

Mayroon din kaming gamit pang-ehersisyong makakatulong sa pag-alis ng taba sa iyong baywang tulad ng Slim Abs, Ultimate Abs Stimulator, at Revoflex Xtreme. Kayang gawing mas madali ang pag-eehersisyo ng mga kagamitang ito. Gamitin ito kasabay ng mga plano sa pagdidiyeta nabanggit sa itaas at siguradong mas mabilis ang pagpapapayat mo.

Kung mayroon kang tanong tungkol sa aming mga produkto, bisitahin lamang ang aming Facebook Page na HealthyPH. Sasagutin naming ang iyong katanungan ng mabilis upang mas madali kang makapagdesisyon kung anu-ano sa mga ito ang pinakamakakatulong sa iyo. Bisitahin mo rin an gaming website na Healthy-PH.com upang makita mo ang lahat ng produktong handog namin.



This post first appeared on How To Lose Weight In The Philippines, please read the originial post: here

Share the post

Ang Kahalagahan ng Pagbibilang ng Carbohydrates

×

Subscribe to How To Lose Weight In The Philippines

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×