Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Bitter.

Naalala ko nung sinabi sa akin ng Head of Co-curricular Activities sa school ko na Bitter daw ako. Ilang beses niya din akong pinagalitan kesyo, panggulo ako, pasaway, at kung anu-ano pang salitang sa kanya ko lang ata natanggap. Naiintindihan ko naman siya. Pero ayokong isiping tama siya. Dahil hindi ako bitter!!!

Kahapon, pumunta kami sa Sta. Mesa para interbyuhin ang isang kumpanya para sa aming case study. Nung pauwi na kami at nakasakay na kami ng fx, may nakasabay kaming isang bitter na dalagitang hindi ko sigurado kung dalagita nga. Medyo boyish ang porma niya na conio yata dahil sa mamahaling sapatos (sabi ng kaibigan ko). Hindi ako sigurado kung ano ang ginawa ko sa kanya dahil minura niya ako bago siya bumaba ng fx.

BT Girl: Para! ... EXCUSE ME! (pabadtrip effect)
Ako: Excuse you... (patweetums effect)
BT Girl: (baba ng fx) F*** you bitch!
Kaming lahat: (tulala)

Masyado ba kaming maingay? Ni hindi ko nga siya nahawakan o nasagi man lang. Ano ba namang masama sa sinabi ko?! Bitter ata sa mundo si Ate, Hai nako walang social grace! HAHAHA! Ba't hindi na lang siya nag-taxi o bumili ng sarili niyang sasakyan kung gusto niyang mapag-isa. Di ba?! Anu beh? Buti na lang hindi ako mapagpatol.

Hanggang ngayon, hindi pa rin kami maka-get over ng mga kaibigan ko. Nagtataka pa din kami hanggang ngayon, pero hindi naman namin masyadong prinoproblema. Bitter din ba akong maituturing dahil nagblog pa ako para ikwento si Ateng Bitter? 'Yun lang!

Hindi nga sabi ako bitter, bakit natikman mo na ba 'ko?
(ay, facebook? lol)

/photo is the cover of The Vines' album fuck the world. spell bitter. :P



This post first appeared on Pencari Lendir, please read the originial post: here

Share the post

Bitter.

×

Subscribe to Pencari Lendir

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×