Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Paano kung coñotic sina Eba at Adan?

Kaninang umaga sa klase ko pinag-uusapan namin Yung history ng course na Psychology of Women. Sabi ng prof ko throughout history daw laging sinister ang portrayal sa mga babae, lalo na noong ancient times. Tapos nga nabanggit niya Sina Eba at Adan. Hindi ba’t si Eba yung sinisisi kung bakit kinagat ni Adan ang mansanas? (Teka parang title sa pelikula yun ah…)
Naisip ko, paano kaya ang palitan ng salita nila noong “kinukumbinsi” Eba si Adan? At paano kaya ang pag-uusap nila? (Sige isama na natin si Serpent).

The Konyotic
Serpent: Hey, Eba, you eat na kasi this apple. Bahala ka it will make you really cool! Like, sobra.
Eba: You’re bad serpent, ha! God said it’s not puede to kain that. Tse.
S: Pa-good girl effect ka pa ha! Sige na you eat this na. It’s really masarap. Like, you know.
E: Ang bad mo talaga! Sige na nga, but if God made me huli, you better tago na coz you’re lagot to me. Teka I’m gonna bigay some to Adan na lang. So if I get huli, he gets huli too. Adan, you come here sandali!
A: What are you guys making kwento about?
E : Serpent here kasi is making me tukso, wants me to kain the apple. Pero di ba God said it’s not puede? But I’m gonna make tikim it. You tikim some too ha!
A: Ha? E…isn’t that bawal?
E: It is bawal, but come on you’re so KJ naman e.
A: Sige na nga. But I’m gonna make you sisi if God made huli us ha!

Dekada 70
Serpent: Eba, heavy ang dating ng mansanas!
Eba: Brad naman e, baka mahuli pa ako ni God, dehins niya aprub to.
S: KJ ka talaga. Bomalabs naman niyang malalaman.
E: Badtrip ka naman, e. Kapag ako natiklo, pababatsihin kami ni God!
A: O, mga pare! Apir! May bagong gimik ba tayo, goli na kayo.
E : Eto kasing si Serpent parang sabog. Trip ba namang ipachibog sa `kin yung mansanas ni God.A: Dehins puede yan.
E: Ikaw pala KJ e!A: Neknek mo. Sige pero pag nahuli tayo, dedbol kayong dalawa.

Pero kahit ano pang klase ng pananalita yan, iisa pa rin ang nais ko itanong. Bakit ba si Eba lang ang sinisisi e pumayag Naman si Adan na kainin din yung prutas. Bottom line, kumain din siya. Bumigay din siya sa tukso. Impsoible naman tinutukan siya ng matalim na sanga ng puno ni Eba para lang kainin niya yun. Hindi ba?


This post first appeared on *Buhay Kontrabida, please read the originial post: here

Share the post

Paano kung coñotic sina Eba at Adan?

×

Subscribe to *buhay Kontrabida

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×