Sa kabilang linya ng telepono
Tila ba napakalapit ng iyong tinig
Ngunit bakit ngayong gabi labis ang aking pangungulila?
Kadalasan naman ay nagagawa ko pang tumawa
At sabihin sa aking sarili na ako'y ayos lang
Pero bakit ngayon, nais ng puso ika'y makasama.
Nais Kong Ikaw ay makapiling at hagkan ka ng mahigpit
Ngunit kaya ko pa Namang Tiisin at pigilin ang luha
Magtiyaga, hanggang sa araw na muli Kitang Makita.Sa pagbaba ko ng telepono
Katahimikan at bigat ng damdamin ang tanging pinapasan
Paano ko ba ito malalampasan?
Gusto kong lumipad patungo sa iyo
Ngunit ito ay parang napaka imposible
Nasa magkabila tayong panig ng mundo.
Nais kitang makapiling, ako'y labis na nananabik sa'yo
Lagi kong pinagmamasdan ang iyong larawan
Upang aliwin ang sarili kahit panandalian lang.
Nais kong ikaw ay makapiling at hagkan ka ng mahigpit
Ngunit kaya ko pa namang tiisin at pigilin ang luha
Magtiyaga, hanggang sa araw na muli kitang makita.