Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Soap Opera

Lumaki akong mahilig manood ng TV. Kung Hindi lang siguro imposibleng lumabas sa Nanay ko yung TV, sasabihin ko kakambal ko ang TV. Alam ko magrereact ang mga naki-claim na kakambal ng mga anak nila yung mga hito o ahas na pini-feature ni Ate Luds (sumalangit nawa) sa Eye to Eye noon. Pero hindi ako naniniwalang puedeng magka-anak ng hindi tao (at hindi hayop) ang mga tao.

Bukod sa panonood ng Batibot (hindi kasi ako nanonood ng Sesame Street noon) at Eat Bulaga, Mga Soap Opera ang nakakahiligan kong panoorin noon. Siguro dahil bata pa ako mahilig na ako sa drama kaya kahit na Parental Guidance yung nakalagay sige lang ang panonood ko. Yung Ula ang batang gubat ni Judy Ann Santos, sinusubaybayan ko yun. Pati na rin ang Annaluna, Agila, at Mara Clara pinapanood ko ang mga iyan.
Sa Mara Clara nga inis na inis ako kasi antagal tagal ng nakahandusay nung diary sa ibabaw ng TV noong mag-asawa, hindi pa rin nila makita. At saka, imagine si Kardo, kalalaking tao may diary? Naku. And don't get me started with Gary and his kerida...tsk.
Anyway, noong malapit ng matapos ang Mara Clara hindi na ako masyadong nakakapanood ng TV nood. Kasi barkada na ang inaatupag ko at saka pala pag-aaral. Hehe. (Pero pinanood ko yung final episode ha!).
Noong unang buwan ng kabanata ng buhay ko dito sa Canada muling nanumbalik ang magandang pagtitinginan namin ng telebisyon. Wala kasi akong choice, wala pa akong trabaho at walang masyadong kakilala bukod sa pamilya at mga kamag-anak ko. So kapag hindi kami ipinapasyal, TV lang ang kaharap ko.
Pero noong nakapagtrabaho ako nagbreak ulit kami ni TV. Noon na lang tumigil ako sa trabaho at nag-umpisang mag-aral ako nakakapanood ng mga Soap Opera. Umaga kasi ang pinili kong schedule sa iskwela para maraming oras ang maigugol ko sa panonood ng tv, er, pag-aaral ng mga lessons pala.
Eto namang pinapanood ko dito Passions ang title. Kung akala ninyo ay napakamasalimuot ng buhay nina Mara at Clara (Mas lalo na ang buhay ni Mara dahil Siya lagi ang minamata ni Clara at ginagawang punching bag ni Gary), ang mga characters sa Passions parang mga weirdo na minsan.
Merong matandang mangkukulam na may anak na toddler, may mayroong magsyotang pakakasal na lang noong nalaman nilang magkapatid pala sila sa nanay at buntis siya sa sarili niyang kapatid! Nariyan din yung isa ding matanda na may nurse na orangutan ata yun. And siempre andiyan din yung mga usual na sikreto na hindi pala anak ni ganito si ganyan or anak pala ni ganito si ganyan. Pero yung pinakapaborito kong kinaiinisan yung isang babaeng kuminap sa surrogate mother ng kanyang dating kasintahan at ang kanyang asawa. Pagkatapos niloko niya ang doktor at sinabing siya ang surrogate mother. Bandang huli siya ang nabuntis. Kung ikaw ba naman ang asawa noong ex niya hindi ko siya sasaksakin? Actually, ginawa nga niya yun dahil medyo naloka siya ng konti. Pero ngayon pareho na silang okay pero magkalabang mortal pa rin sila.
O di ba? Nakakalokang panoorin, nakakainis minsan dahil obvious na nga hindi pa nila mahulaan, pero kita niyo naman, sinusubaybayan ko pa rin.
Kaya nga ang ginawa kong schedule sa pasukan sa September akmang-akma sa airing ng soap opera ko e. =P


This post first appeared on *Buhay Kontrabida, please read the originial post: here

Share the post

Soap Opera

×

Subscribe to *buhay Kontrabida

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×