Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Bob Arum, "Kinausap ako ni Dyan Castillejos na ilipat sa Dos ang Laban ni Manny Pacquiao"

Naging malaking isyu ang muntikan na paglipat ni Manny Pacquiao ng coverage ng kanyang laban sa Channel  2 mula sa Solar Sports at GMA. Nahati ang opinyon ng buong Pilipinas kung sino ba ang unang lumapit o gumawa ng hakbang para maisakatuparan ang plano. Inamin ni Pacquiao na ang Dos nga ang lumapit sa kanya na pinabulaanan naman ng huli. Nanindigan ang Dos na si Pacquiao ang lumapit sa kanila.

Pero sa naging pahayag ni Bob Arum noong na dumating siya sa bansa upang panoorin at pangasiwaan ang The Flush and the Furious, ang laban na nagtampok sa dalawang Pinoy na sina Brian Viloria at Nonito Donaire laban sa dalawang Mexican-Americans na sina Ulises Solis at Raul Martinez noong  nakaraang Linggo - 19 April 2009, nabanggit nga niya na and Dos ang siyang lumapit sa kanilang kampo.
Si Bob ay ang may-ari ng Top Rank Promotion na kung saan may kontrata si Manny. Bale nagsisilbing manager din siya ng ating boksingero.

Ayon kay Bob, noong una siyang pumunta dito sa Pilipinas nang siya ay dumalo sa birthday ng anak ni Manny sa Gensan, lumapit daw sa kanya si Dyan Castillejos at ipinaabot nga ang interes ng Dos na makuha ang rights ng coverage. Sabi daw ni Dyan na tulungan naman daw sila ni Bob para maipalabas sa Channel 2 ang laban ni Pacquiao kay Ricky Hatton.

Sa paglabas ng bagong development na ito, ngayon alam na rin natin kung bakit noong kasagsagan ng ingay na ito, tahimik lang ang Dos. Hindi na sila sumagot pa masyado at hinayaan na lang nilang mamatay ng kusa ang kontrobersiya. Nakaka-konsensiya nga naman kung lalo nilang idiin si Pacquiao sa kontrobersiya kung alam naman nila sa sarili nila na meron silang effort para masulot ang coverage.

Pero ang malaking katanungan, sa mga na-offend ni Pacquiao, babalik kaya ang loob nila para sa boksingero?



This post first appeared on SIETE CONTRA DOS, please read the originial post: here

Share the post

Bob Arum, "Kinausap ako ni Dyan Castillejos na ilipat sa Dos ang Laban ni Manny Pacquiao"

×

Subscribe to Siete Contra Dos

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×