Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Kapamilya Stars Dominate Third Round of GPTV

Mas nagpapakita ng puwersa ang mga taga-hanga ng Kapamilya Channel kaysa sa mga fans ng Kapuso sa pangatlong stage ng botohan para sa Goddess of Philippine TV. Sa 25 na female young stars mula sa dalawang network, 8 Kapamilya ang nasa Top 10 as of this writing kasama na ang nasa unang puwestong si Rachelle Ann Go.

Sa data na aming nakalap sa ngayon, lalong lumayo ang agwat ng boto ni Go sa sumunod sa kanya na si Marian Rivera, ang pambato ng kalaban na Kapuso Channel. Kung more than 100 ang lamang ni Go kay Rivera noong nakaraang update last April 30, ngayon ay more than 200 na.

Hindi na bumaba pa si Go sa number one spot simula ng makuha nito sa unang araw ng botohan kaya naman very visible sa ating blog ang mga negative comments tungkol sa mang-aawit mula sa mga fans ng ibang artistang kasali sa race to Final Top 10.

Sa kabilang banda, maliban kay Rivera, ang isa pang Kapuso na tanging nasa Top 10 as of now ay si Jewel Mische.

Sa walong Kapamilya na nasa Top 10, maliban kay Go, kasama dito sina Sarah Geronimo, Angel Locsin, Bea Alonzo, Laarni Lozada, Shaina Magdayao, Toni Gonzaga at Gee Ann Abraham.

Sa kabuuan, may 3,216 votes na ang nakalap ng Siete Contra Dos simula nang umpisahan ang round na ito limang araw na ang nakakaraan.

Narito ang complete list (as of 4 pm of 5 May 2009 -Philippine time):

1. Rachelle ann Go - 842
2. Marian Rivera - 596
3. Jewel Mische - 411
4. Sarah Geronimo - 382
5. Angel Locsin - 299

6. Bea Alonzo - 210
7. Laarni Lozada - 119
8. Shaina Magdayao - 102
9. Toni Gonzaga - 77
10. Gee Ann Abraham - 63

11. Jonalyn Viray - 34
12. Maja Salvador - 29
13.5 Jackie Rice - 8
13.5 Roxanne Guinoo - 8
15.5 Kristine Hermosa - 6
15.5 Angelica Panganiban - 6

17. Nadine Samonte - 5
18. Carla Abellana - 4
19.33 Sheena Halili - 3
19.33 Maxene Magalona - 3
19.33 Jennica Garcia - 3

22.5 Erich Gonzales - 2
22.5 Angelu de Leon - 2
24.5 Lovi Poe - 2
24.5 Heart Evangelista - 2


This post first appeared on SIETE CONTRA DOS, please read the originial post: here

Share the post

Kapamilya Stars Dominate Third Round of GPTV

×

Subscribe to Siete Contra Dos

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×