Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Marian Rivera Slides Down in GPTV

Nananatili pa rin si Rachelle Ann Go sa unang puwesto ng third elimination o face-off ng ating search for the Goddess of Philippine TV samantala bumaba naman ang puwesto ni Marian Rivera. Mukhang hindi natitinag ang mga supporter at fans ng magaling na mang-aawit at contract star ng Viva at Dos dahil buo ang kanilang suporta.

Ilan sa pagbabago ng ating poll ay ang pagkalaglag ni Marian, itinuturing na isa sa pinaka-mainit nating artista sa ngayon, mula sa pangalawang pwesto hanggang pang-apat na lamang. Sa kasalukuyan ay tinalo na siya ni Jewel Mische sa panig ng mga Kapuso stars. Si Jewel na ngayon ang nagbibigay ng mahigpit na kompetensiya para sa nangungunang si Rachelle Ann.

Sa panig naman ng Mga Kapamilya, ang sumunod na pinaka-mainit na artista ng istasyon ay isa pa ring mang-aawit at contract din ng Viva, ang newest Box Office Queen na si Sarah Geronimo. Kasalukuyan nasa pangatlong pwesto ang dalaga.

Para sa listahan ng mga boto ng nasa Top Ten as of today, 4pm - 19 May 2009, narito siya:

1. Rachelle Ann Go - 2,207
2. Jewel Mische - 1,597
3. Sarah Geronimo - 1,256
4. Marian Rivera - 940
5. Angel Locsin - 415
6. Bea Alonzo - 283
7. Laarni Lozada - 208
8. Shaina Magdayao - 160
9. Gee Ann Abraham - 152
10. Toni Gonzaga - 144

Pagkatapos ng halos 19 na araw ng botohan, nakatanggap na ang Siete Contra Dos ng 7,568 na kabuuang boto. Kapansin-pansin din na sa mga artista na kasali sa Top 10, 8 dito ay mga Kapamilya stars at 2 lamang ang mga Kapuso. Malapit na magtapos ang elimination na ito at sisimulan na natin ang final round.



This post first appeared on SIETE CONTRA DOS, please read the originial post: here

Share the post

Marian Rivera Slides Down in GPTV

×

Subscribe to Siete Contra Dos

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×