Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Book Review: Moymoy Lulumboy bk. 2, Ang Nawawalang Birtud | Segundo Matias, Jr.

Moymoy Lulumboy book 2 Front Cover

Title: Moymoy Lulumboy - Ang Nawawalang Birtud
Series no. 2
Author:
Illustrator: Jomike Tejido
Publisher: Lampara Publishing House, Inc.
Published date:
ISBN: 9789715188210
Language: Filipino
Genre: Fantasy, Fiction






Dalawang taon na pala ang nakalipas mula noong basahin ko ang unang serye ng librong ito. Mababasa ang aking rebyu sa unang serye sa sumusunod na pooksasapot - https://www.literateknolohitura.com/2016/11/moymoy-lulumboy-book-1-ang-batang-aswang-book-review.html

Nang dahil sa librong ito, una kong na-meet na personal ang mismong may-akda na si Kuya Jun, noong nakaraang Metro Manila Book Fair 2017. Naipapirma ko pa nga ito, pero nang basahin ko na kamakailan lang, natuklasan ko na may printing error ang nabili ko. Nawawala ang Chapter 00 hanggang 01 pero buti na lang at may libre kopya sa Wattpad na opisyal na nakalathala dun, siguro draft yung andoon.. makikita dito ang online copy sa sumusunod na pooksasapot - https://www.wattpad.com/132386610-moymoy-lulumboy-book-2-ang-nawawalang-birtud




Advertisement:







Mas naging nakakatuwa ang karakter ni Tracy, adopted mother ni Moymoy. Upgraded na ang lola niyo, isa na siya sa mga main characters, malaki-laki na eksena niya sa libro. Nagustuhan ko rin ang twist ng istorya. Matatandaan na na-highblood ang Bathala sa unang libro at winasak niya si Buhawan bago pa humaba pa lalo yung istorya nung book 1. Kaya sa librong ito, magpapatuloy ang pakikipagsapalaran ni Moymoy dahil may magbabalik. Hindi madaling hulaan kung sino yung magbabalik kaya I encourage you to read this book yourself.

Ang marka ko sa librong ito ay: 4.0 / 5.0

Hindi mo pa ba nababasa ang librong ito o kahit na ang unang serye? Lubos-lubusin mo na! Bilhin mo na ang tatlo, ang Moymoy Lulumboy bk. 1 - 3 sa ibaba (may kasamang freebies):
https://www.preciousshop.com.ph/products/shop-by-bundle/muymoy-lulumboy-book-1-3-bundle-sbb00003/

Salamat!

-





This post first appeared on Literateknolohitura, please read the originial post: here

Share the post

Book Review: Moymoy Lulumboy bk. 2, Ang Nawawalang Birtud | Segundo Matias, Jr.

×

Subscribe to Literateknolohitura

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×