Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Ang Ginintuang Tuntunin (Kuwentong May Aral)



May mag-asawang nakatira sa isang bayan na may isang anak. Sa loob ng mahabang panahon, magkasamang namuhay nang masaya ang tatay kasama ang anak niyang lalaki at ang kaniyang asawa. Subalit nang Siya ay tumanda na, humina na rin ang kaniyang katawan. Palagi siyang nakababasag ng plato sa tuwing kumakain siya sa mesa. Nanginginig na kasi ang mga kamay niya. Hindi nagtagal, nagalit ang anak sa pagiging lampa ng tatay niya. Kaya isang araw, iginawa niya ito ng mapagkakainang pinggan na kahoy. Ang pinggang kahoy na ito na ang nagsilbing kainan ng kaawa-awang matanda.

Nang mapansin ng lalaking apo ang ginawa ng kaniyang tatay, kumuha siya ng ilang gamit pangkarpintero at nagpunta sa ilalim ng bahay. Nang makita siya ng tatay niya, tinanong siya nito, 

“Anak, ano ang ginagawa mo?"

“Tay, iginagawa ko kayo ni Ina ng pinggang kahoy para sa inyong pagtanda", sagot ng anak. 

Pagkarinig sa mga salita ng anak, tumulo ang mga luha ng ama. Simula noon, pinayagan na ang matandang lalaki na kumain sa mesa kasama ng buong pamilya. Hindi na siya pinakakain sa pinggang kahoy. 


This post first appeared on Buklat, please read the originial post: here

Share the post

Ang Ginintuang Tuntunin (Kuwentong May Aral)

×

Subscribe to Buklat

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×