[Photo from http://www.redbubble.com] |
Marami Ang Mga nasa mataas na posisyon ang nangmamaliit ng Kanyang kapwa tao lalo na kapag ito ay kanyang tauhan. Madali niyang nakikita ang kamalian ng mga ito, subalit ang sariling pagkakamali ay di niya nakikita. At minsan pa, bukod sa hindi niya ito inaamin, nagtuturo pa ng iba, mailigtas lang ang kanyang sarili.
Minsan Naman, akala mo kung sino ang isang taong magaling manuri, gayong numero uno siyang dapat na suriin. Para bagang, napakabuti niyang tao, subalit nasa kanya ang lahat ng kasamaan. Kawawa naman ang mga taong nagsisikhay upang mabuhay. Kung ang kanyang kasamang may mataas na katungkulan ay isang taong mapagmahal sa kanyang sarili lamang o masasabi nating masyadong sipsip sa mas nakatataas sa kanyang posisyon o kanilang amo.
Huwag naman sanang ganoon kaibigan, maging makatwiran naman sana tayo. Lumagay na lamang tayo sa tamang pag-uugali. Itama Natin Ang Ating mga maling gawain. Huwag nating panatiliin ang maling katwiran sa buhay. Ipaglaban natin ang mga dapat ipaglaban. Huwag tayong maging maka-sarili. Sabi nga, mahirap ang magpaka-bayani, dahil marami na ang namatay na bayani.
Sana naman ay iwasan natin mapagsabihan ng “nakatungtong lang sa kalabaw, akala mo mas mataas pa dito. Iwasan din ang inggit, dahil ito ang papatay sa iyo. Kung wala kang alam, huwag kang maki-alam. Marahil, alam ng nagsimula ang kanyang ginagawa at ginawa, kaya huwag mo siyang gawing bobo o tanga. Ang buhay sa mundo ay isang pakikipagsapalaran o sa maikling salita, SUGAL.
Ang kailangan lamang ay harapin natin Ang Ating buhay ng tama lamang sa ating pagkatao. Kung ano ang ibinigay sa atin ng Diyos, tanggapin natin ng maluwag sa ating isipan.