Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

10 Dahilan Kung Bakit Pinipili kong Pangulo ng Pilipinas si Leni Robredo

College ako nang una kong narining ang apelyidong ROBREDO.

Noong 2003 at ako’y estudyante pa lang sa UST, ang pangalang Jesse Robredo ang isa sa mga Hindi ko malilimutang pangalan na kinailangan kong aralin para sa subject na Philippine Governance and Constitution.

Hindi tulad ng ibang pulitiko na kilala sa pagiging corrupt, si Jesse Robredo ay kasama sa mga readings ng mga estudyante dahil siya ay isang mabuting halimbawa ng public servant. Sa katunayan, siya ay pinarangalan ng Ramon Magsaysay Award for Government Service dahil sa kanyang magaling at tapat na pamumuno bilang Mayor ng Naga City noon.

Sa isip ko, “pwede palang may ganoong klase ng pulitiko—yung hindi corrupt at hindi nagpapanggap lang na tutulong sa mahirap.”

Fast forward to 2016, ako’y nagtrabaho at nagkapamilya na. Muli ko na namang nadinig ang apelyidong Robredo. Sa pagkakataong ito, ito na si Leni Robredo na noon ay tumatakbo para sa pagka Bise Presidente ng Pilipinas.

Hindi ko binoto si Leni noong 2016

Nakakahiya mang aminin pero isa ako sa mga humusga na hindi kaya ni Leni Robredo maging pinuno dahil babae siya. Noong 2016 elections, hindi siya ang binoto ko para sa pagka Bise Presidente dahil inakala kong sumikat lamang siya dahil sa pagkamatay ng asawa nyang si Jesse Robredo noong 2012.

Isa rin ako sa mga napaniwala sa mga fake news o maling impormasyon tungkol sa mga qualifications at accomplishments ng ibang pulitiko. Kaya’t inakala kong may ibang mas qualified kay Leni para sa posisyon. Hindi ko binoto si Leni noong 2016 dahil sa maling akala at sa mga maling impormasyon tungkol sa mga kandidato. Kayo huwag na huwag niyo akong tatawaging Dilawan o Pinklawan!

Sa kabila nang lahat, nagpapasalamat ako na si Leni ang nanalo bilang Bise Presidente. Mula nang maupo siya sa Office of the Vice President (OVP), unti-unti akong humanga sa dami ng mga konkretong tulong na nagawa niya at ng kanyang mga tao sa OVP para sa maraming Pilipino.

Hindi ko binoto si Leni noong 2016 dahil sa maling akala at sa mga maling impormasyon tungkol sa mga kandidato. Kayo huwag na huwag niyo akong tatawaging Dilawan o Pinklawan!

At sa tulong ng pagsasaliksik at pagbabasa mula sa mga lehitimong sources, nalaman ko na marami palang katangian si VP Leni na gusto kong tuluran. Tulad ng paghanga ko sa kanyang yumaong asawa na si Jesse Robredo, humanga rin ako sa tatag, talino at mga values at prinsipyo sa buhay ni VP Leni.

Ngayong 2022, ako ay nangangampanya at boboto para kay Leni Robredo

Kaya gusto ko ring ibahagi ang ilan sa mga dahilan kung bakit, ngayong 2022, ako ay buong pusong nangangampanya at boboto para kay Leni Robredo. Ito rin ang mga dahilan kung bakit hindi ako nahihiyang ipagsigawan sa lahat na sya ang aking piniling magiging susunod na Pangulo.

1 – Tumutulong sa nangangailangan kahit hindi pa siya pulitiko

Likas kay Leni ang pagtulong sa mga Pilipino dahil bago pa man siya maging pulitiko, isa na syang public servant na tumutulong sa mga nangangailangan.

Isa siyang abogado na tumutulong at hindi nagpapabayad para sa mga babaeng naaabuso, mga katutubo, mga magsasaka at mangingisda sa mga liblib na lugar.

Source: lenirobredo.com

2 – Maraming konkretong naitulong para sa Pilipino

Kaya naman nang mabigyan sya ng pagkakataong maging Vice President, ginamit nya ang pagkakataong ito para makatulong sa mas maraming Pilipino.

Sa kabila ng maliit na pondong naibigay sa OVP, napatupad ni VP Leni ang mga proyekto sa kanyang Angat Buhay Program. Sa pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor, ang programang ito ay nakatuon sa anim na aspeto ng buhay ng Pilipino:

  • Education (Edukasyon)
  • Food Security and Nutrition (Pagkain at Nutrisyon)
  • Healthcare (Kalusugan)
  • Housing and Resettlement (Pabahay)
  • Rural Development (Pagpapaunlad sa mga lalawigan)
  • Women Empowerment (Pagbigay oportuninda sa kababaihan)

3 – Tapat na pulitiko, hindi corrupt

Si Leni Robredo ay isang tapat na lingkod bayan. Binigyan ng Commision on Audit ang opisina niya ng highest ratings para sa tatlong sunud-sunod na taon. Dahil sa tapat na pamumuno, maraming pribadong kumpanya at indibidwal ang nagtitiwala kay VP Leni at sila ay kusang tumutulong para sa mga programang tutulong sa mga Pilipino.

Hindi sya magnanakaw. Hindi siya corrupt. Hindi siya tumatakas sa tax.

4 – Masaya at kontento sa simpleng pamumuhay

At sa kabila nang pagiging bise presidente, importante para kay Leni Robredo ang pagpapanatili ng simpleng pamumuhay ng kanyang pamilya.

Ayon sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), ang net worth ni Leni ay P11.9 million, maliit lamang kumpara sa ibang mga kandidato/pulitiko.

Bukod dito, masaya at proud si Leni kahit hindi kalakihan ang bahay ng kanyang pamilya.

Panoorin ang video para makita ang bahay ni Vice President Leni Robredo

Hindi rin sya maselan sa transportasyon. Kahit na sya ay isa ng pulitiko, hindi siya nag dalawang isip na sumakay ng pampasaherong bus kung kailangan. Ito ay hindi para lang magpakitang tao. Ito ay talagang bahagi ng kanyang buhay: ang pumili ng mga praktikal na choices sa buhay.

Para sa akin, ang simpleng pamumuhay ay mahalaga para sa isang pulitiko. Kapag hindi masyadong magarbo ang kanilang buhay, madali para sa kanila ang talikuran ang anumang uri ng korapsyon, pandaraya, pagsisinungaling sa gobyerno kapalit sa pera.

Sa katunayan, ang unang bill na ginawa ni Leni noong siya ay Congresswoman ay ang Full Disclosure bill na nag sasabing kailangang ipakita ng mga ahensya sa gobyerno sa publiko ang kanilang mga transaksyong pinansyal, budget at iba pang dokumentong mahalagang malaman ng publiko. Pabor ako dito sapagkat pera ng Pilipino ang ginagamit nila. Karapatan nating malaman kung paano nila ito ginagamit.

At kapag siya ang naging pangulo, ang unang executive order na ilalabas nya ay ang Full Disclosure Policy para siguruhin na ang pera ng taumbayan ay gagamitin lamang ng mga pulitiko para sa kabutihan ng Pilipino at hindi sa mga personal na interes.

5 – May malinaw at makatotohanang plano para sa bansa

Ang hinanap ko sa isang kandidato ay yung may malinaw, specific at makatotohanang plano para sa Pilipinas. Lahat naman ng kandidato, sinasabi na tutulungan nila ang Pilipino. Pero paano? Makatotohanan ba ang pangako o parang suntok sa buwan naman? Ang nagustuhan ko kay Leni, nakikita nya ang tunay na problema ng ordinaryong Pilipino at sa tulong ng mga eksperto, nakakaisip siya ng mga solusyong pang matagalan.

6 – Nagbibigay halaga sa edukasyon

Sa kabila nang pagtawag nilang “lugaw” o “lutang” kay Leni Robredo, hindi nila maalis na siya ay isang edukadong tao. Ang galing nya ay may kalakip na talino. At ang talino at galing nya ay hinubog hindi lamang ng eksperiyensya, kung di pati ng edukasyon.

Ang diploma ay hindi lamang isang piraso ng papel. Ito ay sumisimbolo ng ilang taong paghubog sa isang tao sa iba’t ibang aspeto ng buhay—intelektwal, moral, etikal. Ito ay kumakatawan sa mga pagkakataong natuto kang magtiis, mag sumikap, magpakumbaba, makinig, makipag usap. Ito ang mga taong natuto kang mag isip ng kritikal para sa iyong sarili at magmungkahi ng sarili mong solusyon para sa mga issues sa paligid mo.

Kaya para sa akin, importanteng matutunan ng anak ko mula sa mga lider ng bansa ang pagpapahalaga sa edukasyon.

Educational background ni Leni Robredo

7 – Naroon siya kahit sa mahirap na mga sitwasyon

Bukod sa pagpunta sa mga debate at formal interviews para sa kampanya, si VP Leni ay hindi rin umaatras sa mga pagkakataon na inaasahan siya ng mga Pilipino, kahit pa mahirap ang sitwasyon.

Siya ay laging andyan para tumulong kapag may mga sakuna sa Pilipinas. Noong simula ng pandemya, isa lang sya sa iilang mga pulitiko na nakita kong talagang kumilos para sa mga Pilipino.



This post first appeared on Blissful Blooming, please read the originial post: here

Share the post

10 Dahilan Kung Bakit Pinipili kong Pangulo ng Pilipinas si Leni Robredo

×

Subscribe to Blissful Blooming

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×