Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Opinyon Ko Sa Pelikulang 'Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo'

Grabe natuwa ako matapos Kong Mapanood Itong pelikula na to. Akala ko dati baduy, siguro dahil na rin sa title at trailer na napanood ko. Nag-assume agad ako na parang mala Betty La Fea, babaeng panget na biglang gumanda. May ganitong pelikula ang Kathniel na ang konsepto ay parang ganito. Totoo nga palang maraming namamatay sa maling akala.

Bago ang lahat eh pakita ko muna ang trailer ng movie na ito:


Anyway, noon pa man eh parang walang dating ang love team nina Kim Chiu at Xian Lim sa akin pero after kong mapanood itong movie na ito ay meron pala. Kaya pala kumita ng halos mahigit 100 million nung isang taon (2013) eh maganda naman pala. Marunong din palang mag-comedy si Kim at magaling din magpakilig si Xian. Balita ko nga itong bagong movie nila na Bride For Rent eh blockbuster na. For sure, maganda ang istorya. Ang maganda sa panahon natin ngayon eh binibigyang pansin na ang talento ng ating magagaling na writer at isa pa eh nabibigyang halaga ang batas na ipinatupad ni dating Pangulong Carlos Garcia na 'Pilipino Muna' (tangkilikin ang gawang pinoy).

Ramon Bautista, hindi ko alam na sya pala ang writer ng book ng 'Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo' (makabili nga minsan). Dito pala sya nadiskubre at ngayon tila isang celebrity na. May commercial pa nga sila ni John Lloyd na PDA (Paglambing na Di Awkward) sa Head & Shoulders. Hehe!

Bago ko tapusin ang tagalog post na ito, ay mukang nabubuhay ang gawang atin at patuloy na isinasapelikula ang mga librong gawa ng Pinoy. Isa na rito ang ABNKKBSNPLAKo the Movie na ipapalabas sa Pebrero ng taong ito.


Free WEB Hosting!


This post first appeared on My Inner Thoughts About Life... Of Life... In Life., please read the originial post: here

Share the post

Opinyon Ko Sa Pelikulang 'Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo'

×

Subscribe to My Inner Thoughts About Life... Of Life... In Life.

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×