Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Hinihintay Kita Kaso Nainip Ka

Dalawang taon pa at makikita muli kita. Ililibre kita sa Jollibee Kasi sabi mo miss na miss mo ng kumain dun at nangako ako.

Dun din tayo unang nagdate pero wala lang naman sayo yun.

Walang kasiguraduhan pero maghihintay pa din ako. Kasi una palang kitang nakita sa may Shaw, nagustuhan na talaga kita.

Gusto kitang alagaan at protektahan. Dinadalangin sa itaas na sana ay maging maayos ka dyan sa Japan.

Papaalalahan kita palagi na inumin mo ang vitamins at mga gamot mo kasi madami kaming nagmamahal at nag aalala sayo.

Sasabihin ko din ang mga nagustuhan ko sayo. Amputi-puti mo at palagi kang nakangiti. Kung pagtatabihin nga tayo para tayong gatas at kape.

Ang kyut-kyut din ng height mo at advantage sakin yun kasi madali kitang mayayakap kung sakali.

Sana wag kang magbago. Ang pagiging strikta at may pagkamaldita mo ay isa pang pumukaw sa aking atensyon.

Challenging pero that makes you unique and interesting.

Dyan nagtatapos ang liham ko sayo.

--------------------------------------

Ipost ko na lang to at isapubliko. Tutal di na naman to sikreto at mangyayari pa.

Sulat lang ng sulat para pagtatawanan na lang natin pagdating ng araw sakaling maisipan nating magbalik tanaw. Iisipin natin para pala tayong tanga noon kasi madali tayong paikut-ukutin ng ating emosyon.

Happy blogging guys!

Wala na kong maisulat na bago kasi busy sa work. Buti may mga previous notes ako dito sa pc namin kaya nakuha kong makapagpost ng ganito.

"... Parang bula na masayang pagmasdan sa simula pero pag pumutok na, hahanap-hanapin ang presensya at malulungkot kang bigla..."   - manlalakbay88


Free WEB Hosting!


This post first appeared on My Inner Thoughts About Life... Of Life... In Life., please read the originial post: here

Share the post

Hinihintay Kita Kaso Nainip Ka

×

Subscribe to My Inner Thoughts About Life... Of Life... In Life.

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×