UNANG PAGBASAGalacia 1, 13-24Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-GalaciaMga kapatid, hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay bilang Masugid na kaanib sa Judaismo. Buong lupit kong inusig ang simbahan ng Diyos at sinikap na ito’y wasakin. Naging mas masugid ako sa relihiyong ito kaysa maraming Judiong kasinggulang ko, at malaki ang aking malasakit sa mga kaugalian ng