Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG LAGUNDI

ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG LAGUNDI

1. Sugat. Ipinanghuhugas sa sugat na hindi gumagaling Ang Pinaglagaan ng dahon ng lagundi. Makatutulong ito upang mas mapadali ang paghilom. Maaari ding ipanghugas ang pinaglagaan ng buto ng lagundi upang maiwasan ang paglala ng impeksyon. Makatutulong din ang pagtatapal sa sugat ng dahon na pinadaanan sa apoy.

2. Kabag. Iniinom naman ang pinaglagaan ng dahon ng lagundi upang maibsan ang pananakit ng sikmura dahil sa pagkakaroon ng hangin dito.

3. Bagong panganak. Ipinangliligo naman sa mga ina na bagong panganak pa lamang ang pinaglagaan ng dahon ng lagundi.

4. Lason mula sa kagad ng hayop. Matutulungan pag-inom sa pinaglagaan ng buto ng lagundi na mabawasan ang epekto ng laso sa katawan mula sa kagat ng mga hayop o insekto.

5. Pananakit ng ulo. Tinatapalan naman ng dinikdik na dahon ng lagundi ang sentido at noo ng taong dumaranas ng pananakit ng ulo.

6. Lagnat. Mabisa din para sa lagnat ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng lagundi.

7. Ubo na may makapit na plema. Ang paggamit sa lagundi bilang gamot sa ubo ay aprubado ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) at iminumungkahi ng Department of Health bilang mabisa at ligtas na gamot.  Maaaring gamitin ang ugat ng lagundi, ilaga at inumin ang pinaglagaan. May kaparehong epekto din ang pag-inom sa pinaglagaan naman ng dahon ng lagundi.

8. Rayuma. Maaaring gamiting panghugas sa bahaging dumadanas ng pananakit dahil sa rayuma ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng lagundi. Maaari ding tapalan ng mga dinikdik na dahon ang bahaging nananakit.

9. Pigsa. Ang mga pigsa ay hinuhugasan naman ng pinaglagaan ng ugat ng lagundi.

10 Pagtatae. Ang ugat ay maaaring pulbosin at ihalo sa inumin para maibsan ang pagdudumi.

11. Pananakit ng ngipin. Ang pagpapakulo sa dinikdik na dahon ng lagundi at regular na pag-inom nito ay makatutulong na maibsan ang pananakit ng ngipin.

12. Hika. Mabisang maiibsan din ang mga sintomas ng hika sa tulong ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng lagundi.

The post ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG LAGUNDI appeared first on Jerminix.



This post first appeared on Jerminix - Cebu Events , Food And Hapennings, please read the originial post: here

Share the post

ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG LAGUNDI

×

Subscribe to Jerminix - Cebu Events , Food And Hapennings

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×