Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Isang Sanggol ang Ipinanganak 4 na Taon Matapos Masawi ang Kanyang Mga Magulang Dahil sa Car Accident

Isang Chinese na batang lalaki ang ipinanganak matapos masangkot ang kanyang Mga Magulang sa isang car crash, apat na taon na ang nakalilipas. Ayon sa The Beijing News via South China Morning Post, ang sanggol ay ipinagbuntis at iniluwal ng isang surrogate mother, na taga-Laos, gamit ang fertilized embryos ng namatay na mag-asawa.
Ang mag-asawa na sina, Shen Jie at Liu Xi ay pinag-kakaalamang sumailalim sa isang fertility treatment bago sila mamatay sa isang car accident na nangyari sa Yixing, Jiangsu province, China noong March 2013.
Ang mga magulang ng mag-asawa ay nag-file ng dalawang lawsuits para ligal na makuha ang apat na fertilized embryos sa isang ospital sa Nanjing. Umabot ng apat na taon ang proseso bago pa man nila makuha ang mga ito. Naging controvesial ang kanilang kaso dahil wala pang umiiral na batas sa China na ang mga magulang ng isang mag-asawang namatay ay ang magmamana ng embryos.
Ang mga magulang rin ng yumaong mag-asawa ang naghanap ng isang surrogate mother sa ibang bansa dahil ang surrogacy sa China ay iligal pa rin. Nahanap nila ang isang 27 years old na ina, galing sa bansang Laos, kung saan siya ang nagluwal sa bata.
Ang baby boy, palayaw ay “Tiantian” (“sweet” sa Mandarin), ay ipinanganak noong December 2017, na higit apat na taon pagkatapos maaksidente ang mga magulang nito.

“He’s always smiling. His eyes are like my daughter, but looks more like his dad overall,” sabi ng ina ni Liu Xi na si Hi Xingxian. Dagdag pa niya na sila ay masaya sa pagdating ng bata.
Sabi naman ni Shen Xinnan, ama ng yumaong si Shen Jie, plano nilang sabihin sa bata na nagtatrabaho ang mga namatay na magulang nito sa ibang bansa at sasabihin ang katotohanan kapag ang bata ay malaki na. Sabi rin niya, “For sure we will tell him what happened – what choice do we have?”
Source: indaytrending

THIS BLOG CLAIMS NO CREDIT FOR ANY IMAGES POSTED ON THIS SITE UNLESS OTHERWISE NOTED. IMAGES ON THIS BLOG ARE COPYRIGHT TO ITS RESPECTFUL OWNERS. PHOTOS USED ARE FOR ILLUSTRATION PURPOSES ONLY. WE DO NOT OWN THE PHOTOS AND NO COPYRIGHT INFRINGEMENT IS INTENDED IF THERE IS AN IMAGE APPEARING ON THIS BLOG THAT BELONGS TO YOU AND DOES NOT WISH FOR IT APPEARS ON THIS SITE, PLEASE E-MAIL WITH A LINK TO SAID IMAGE AND IT WILL BE PROMPTLY REMOVED.

The post Isang Sanggol ang Ipinanganak 4 na Taon Matapos Masawi ang Kanyang Mga Magulang Dahil sa Car Accident appeared first on Jerminix.



This post first appeared on Jerminix - Cebu Events , Food And Hapennings, please read the originial post: here

Share the post

Isang Sanggol ang Ipinanganak 4 na Taon Matapos Masawi ang Kanyang Mga Magulang Dahil sa Car Accident

×

Subscribe to Jerminix - Cebu Events , Food And Hapennings

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×