Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Alamat Ni Pedronggwapo

Pedronggwapo, saan ko nga ba nakuha ang pangalang ito? Yung parte ng Pedro madali Lang ipaliwanag sapagkat ‘yun ang pangalan ko. Sa parteng gwapo, ‘yan ang medyo mahihirapan ako. Mali! Hindi pala medyo kundi sobra pala, kaya uulitin ko na lang. ‘Yan ang sobrang mahihirapan ako.

Kung may tao mang magsasabi sa’tin ng gwapo o maganda tayo, ‘yan ay walang iba kundi Ang Mga magulang natin. Pero ibahin n’yo ang nanay ko. IMPAKTO, ‘yan ang bansag sa’kin ng pinakamamahal kong ina. Naalala ko tuloy, Isang araw na nag-uusap kami, sabi niya “Ang panget mo talaga! Dun ka nga sa malayo, dun sa hindi ka maabot ng paningin ko.” Haha, ang sweet ng nanay ko no? :)

Mangilang beses na rin akong nagkaroon ng gelps. Oo, kahit ganito ang pagmumuka ko ay may natisod at nabingwit din naman ako kahit papano. Sa kakaunting bilang ng kababaihan na nahumaling sa akin, nobenta’y nuebe porsyento nito ang tsamba. Sa natitirang isang porsyento ay hindi ko pa rin masigurado hanggang sa mga sandaling ito kung ano ang dahilan at sila’y nabulagan sa’kin ng husto.

Walang babaeng dumaan sa buhay ko na hindi ko tinanong kung gwapo ba ako. Sa maniwala kayo’t sa hindi, wala ni isa sa kanila ang sumagot ng oo. Mabait ka. Totpul. May natatago kang apil. Matalino ka. Napapasaya mo ako. ‘Yan ang mga sagot na kadalasang natatanggap ko. Simpleng tanong hindi masagot. A o B lang pero C ang sagot. True or False tapos ni-leave it blank. Yes or No lang, sinagot nga pero binura pa rin kahit pa may nakasaad na erasure means wrong. Parang kumuha ng pagsusulit na 500 items, ‘yan ang nabakas ko sa muka ng mga ex-gelps na napagtanungan ko. Hindi ko tuloy alam kung mahirap ba ‘yung tanong o bobo lang talaga ‘yung mga babaeng napaibig ko. Kaya kahit masama ang loob ko, pinish or not pinish, past your paper na lang ang ginawa ko. Hindi ako gwapo. Samakatuwid, panget ako.

“Pare hindi ka panget!” Ito ang sabi sa’kin ng isang kaibigan nung minsang nag-iinuman kami. Nalito’t nakompyus nanaman tuloy ang kakapiranggot na utak ko. Ano ba talaga? Hindi daw ako gwapo. Ngayon naman, hindi daw ako panget. Nagugulo na talaga me! Katahimikan. Katahimikan. Katahimikan. ----Nakailang bote pa kami ng inuming nakalalasing at habang unti-unting nauubos ang bawat bote ay nagsimula siyang magsalita muli. Pinaliwanag n’ya ang mga bagay bagay at matapos ang ilang oras ay naintindihan ko na ang lahat. Hindi ako gwapo pero hindi din naman ako panget. Plain lang ang muka ko, walang something something, walang X paktor, hindi pansinin, walang angas, nothing special at sa madaling salita, ordinaryong pagmumuka lang na may sariling hulmahan.

Ilang araw kong tinimbang ang mga sinabi ng mga tao sa paligid ko. Ang nakakakilig na tawag sakin ng nanay ko at ang mga katagang kaakibat nito. Ang mga tila sagot sa periodical test ng mga ex-gelps ko, ang mga payo at paliwanag ng mga butihing kaibigan at ang sariling pananaw at opinyon ko. Matagal akong nag-isip. Isang oras. Dalawang oras. Tatlong oras. Apat na oras. Limang oras. Anim na oras. Natapos din sa wakas ang pag-iisip at nanaig pa rin ang sarili kong opinyon. Putang ina! Gwapo ako, at kailanman ay hindi n’yo maaagaw sa akin ang katotohanang ‘yon.
GWAPO AKO! BWAHAHAHAHA! Masayang araw. Isa Pang Masayang araw. Isa pang masayang araw uli. At isa pang masayang araw. Masayang linggo. Masayang linggo uli. Isa pang masayang linggo. Isa nanamang masayang linggo. At isa pang masayang linggo muli. Hanggang dumating ang………

(epeks: thunderbolt and lightning ---- BAGAAAAAM!)


Isang malungkot na gabi kasama ang isang bote ng alak at isang kahang sigarilyo. Umiinom ako mag-isa sa sulok ng madilim kong kwarto. Nakikinig ako ng radyo, tumutugtog ang kantang Feeling Gwapo na kinanta ni Tado and the G Girls. Biglang sumagi sa hinagap ko, sino sino pa ba ang magtutulungan kundi sila Me, Myself, and I lang. Isama mo pa si ako at si AKO. Walang magmamahal sakin ng lubos maliban sa sarili ko. “Paminsan minsan ay hindi masamang magbuhat ng sariling bangko.” Isang linyang hinding hindi ko makakalimutan galing sa yumao kong lolo. Gamit ang mga katagang ito, nahabi sa aking isipan at nagsimula ang kapanganakan ng isang malupit na pangalan. Isang sawi, isang talunan, isang walang patutunguhan at isang walang kwentang nilalang. PEDRONGGWAPO! Nyahahaha! Parang gago lang!

P.S. (Pahabol Salahat)
Tanggap ko na panget ako. Kaya hayaan n’yong sa pangalan man lang ay maramdaman kong gwapo ako. Sabi nga sa simbahan “Sa mata ng dyos, walang panget at walang maganda, lahat tayo ay pantay pantay.” Oh ha! =)

More P.S. (More Pahabol Salahat)
Ang magbabasa na hindi mag-iiwan ng comment, mas panget pa sakin. Hahahaha!





...


This post first appeared on Ako Si PEDRO!, please read the originial post: here

Share the post

Alamat Ni Pedronggwapo

×

Subscribe to Ako Si Pedro!

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×