Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

072708

Halos lahat ng mga nakakakilala sa akin ay alam na ang aking ina na Lang ang nag-iisang magulang ko. Siya ang nagsilbing ama at ina sa aming tatlong magkakapatid na lalake simula pa nuong limang taong gulang pa lamang ako. Ng dahil dito ay naging sobrang close kami ni mama. Hindi lang siya ina kundi ama na rin, ate at isang mabuting tropa.

Mahirap ang walang kinagisnan na ama ngunit ano mang hirap ay ginawa lang itong simple ng nanay ko. Siya ang kasama ko nuong nagpatuli ako. Siya ang nagturo sa akin kung pano manligaw. Siya ang nangaral sa akin tungkol sa safe sex, magmula sa pag gamit ng condom hanggang sa withdrawal ay tinalakay n’ya sa aming magkakapatid. Lalake daw kasi kami kaya kailangang maging responsible at mas mabuting handa daw kami at maalam pag dating sa mga bagay na may kinalaman sa pagtatalik. Bilang isang lalake ay naiilang ako nuon na pag-usapan ang ganung paksa lalo na at nanay ko pa ang kaharap ko. Pero pagbali-baliktarin man ang pagkakataon ay wala din namang ibang mag gagabay sa amin sa mga ganung bagay maliban sa kanya.

Naalala ko nung grade 6 ako, dinatnan ako ng nanay ko na nagtitikol sa aking kwarto. Hiyang hiya ako sa kanya at nung maghahapunan na ay inakala ko na papagalitan n’ya ko. Kinakabahan ako sa pag aakalang papaluin n’ya ko sa pwet ngunit kabaliktaran ang ngyari, sa halip na pagalitan ay kinausap n’ya lang ako. “Mas ok na ‘yun anak kesa mag drugs”, ‘yan ang hinding hindi ko makakalimutang sabi sa akin ng nanay ko. Naalala ko din na binilan n’ya pa ako ng baby oil kinabukasan matapos ang insidenteng ‘yon, “gamitin mo sa libangan mo” nakangiting sambit n’ya pa sa’kin na parang nakakaloko.

Magkasunod lang ang edad namin ng kuya ko at dahil dito ay marami kaming hindi pagkakaunawaan nung mga bata pa kami. Lagi naming pinag aawayan ang mga laruang binibili para sa’min ng nanay ko at ang pag aaway namin ay laging nauuwi sa pag suntok n’ya sa muka ko. Olats ako lagi sa kanya ‘pag dating sa suntukan kaya umiiyak na lang ako sa tuwing dumarating ang pagkakataon na mina-manny pacquiao n’ya ako. Syempre ako ang kakampihan ng nanay ko, bibigyan ako ng magandang babae laruan at ice cream para lang tumigil ako sa pag-iyak ko.

Nuong linggo ay nagdiwang ng kaarawan ang nanay ko. Binilan ko siya ng cake at bulaklak bilang regalo. Manunuod sana kami ng sine pero epal ‘yung ulan at malakas na hangin kaya minabuti na lang namin na manatili sa bahay. Nag-inuman na lang kami nila mama. Masaya ngunit hindi ko matanggap na napatumba n’ya ako. Iba talaga nanay ko, nilasing kaming tatlo. ‘Yon ang dahilan kaya ginawa ko ngayon ang blog post na ito bilang pagpupugay sa kanya.--- Sa aking ina, salamat sa walang sawa mong pagmamahal sa’min. Maligayang kaarawan at sana ay maraming taon pa ang pagsamahan natin. OXOX mama, mahal ka namin, ngayon bukas at magpakailanman. Pomise!



This post first appeared on Ako Si PEDRO!, please read the originial post: here

Share the post

072708

×

Subscribe to Ako Si Pedro!

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×