Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Point of View on Katrina Halili and Hayden Kho Scandal

Makikitsismis na rin ako tungkol sa isyu na to. Aba halos buong balita eh puro ito ang topic. Pati ang senado nagimbal sa Scandal na to. Eh teka nga ano ba kasi ang nangyari? Ang sabi daw kasi eh itong si Hayden Co eh dapat tanggalan ng lisensiya dahil sa ginawa niyang pambababoy kay Katrina Halili at sa dalawang iba pang nakasama sa kumakalat na video sa internet. At dahil nga ako eh tsismosa ring numero uno, eh hayan nagsearch tuloy ako. YUng Careless Whisper na nagsasayaw sila nakita ko pero ung iba pa eh Hindi na. Actually dun sa nagsasayaw ok pa eh. Eh bakit nga ganun sin nman sila pumose sa mga Men’s magazine di ba? naka Two Piece? Or pag nagpa-fashion show sila ng mga Bench or kung ano ano pa. Pero yung ibang malalaswa eh hindi ko nakita. Bagkus mga extended version ang nakita ko. Gaya ng funny videos na ginawang comedy ang panggagaya sa pagsasayaw ng dalawa. Eto pa pati si Mr. bean nakisayaw din. Ang hindi ko kinaya eh yung Aso. Tama sex scandal ng aso ang pinost ng mga hinayupak. hehe Sabi sa comment dun sa video eh sinumpa daw ni Doktora Vicky Belo si Hayden at si Katrina kaya naging aso. Pambihira oo! Sumakit tuloy ang panga ko sa kakatawa hehe..

Anyways, honestly, mali talaga ang pagpapakalat ng video na to lalo na sa mga pirata pa. Tsk Tsk Tsk.. tuloy parehas silang nasira ang pangalan. I mean hindi natin pwedeng isisi ang  lahat sa iisang tao lang. Parehas silang merong pagkakamali sa isyu na ito. Pero sa sitwasyon na patagong kinunan ng video ang anumang maselang bagay na ginagawa ng magkasintahan o ng mag-asawa o ng mag-anupaman eh sadyang nakakadegrade ng pagkatao partikular sa mga babae. Bakit nga ba hano? kahit na dalawa silang gumawa ng bagay na yun ang mas kahiya-hiya ay ang babae? Sana nga ay maipasa na ang batas patungkol sa mga ganitong kaso para maprotektahan natin ang mga kababaihan. Kung bakit kasi hindi mapigil ang mga invention hano? tuloy kahit ganggakulangot na camera pwede ka maglagay sa katawan ng hindi man lamang napapansin. Tsk Tsk Tsk.. Hay naku sana ang mga kalalakihan naman ay matutong rumespeto sa ating mga kababaihan. Hindi ko sinasabing lahat pero sana lang ang bawat lalaki eh meron katangiang ganun. Goodluck na lang sa kaso ni Katrina. Sana ay hindi na maulit pa ang gma ganitong pangyayari. Alam kong marami ng iba rin ang nasira ang buhay mula ng lumabas ang mga cellphone na meron de-camera pero ano ang magagawa mo kung biglang sinaniban ng demonyo ang partner mo? Kaya paalala sa aking mga kabaro, konting ingat at huwag masyadong magtiwala.



This post first appeared on ...Life Away From HOME..., please read the originial post: here

Share the post

Point of View on Katrina Halili and Hayden Kho Scandal

×

Subscribe to ...life Away From Home...

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×