Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Umagang Kayganda

Kahit natulog ako na Zigzag ang hugis ng nguso ko sa nakakaimbyernang lunes eh nagkaroon Naman ng Umagang Kayganda sa araw na ito. Halata ba? hehehe Eh kasi nga last weekend ng makausap ko ang aking new found friend na si Mary Joy, inintroduce nia ako sa online pinoy shop kung saan makakabili ng mga fresh filipino foods at ibang pang products na miss na miss ko na talagang gamitin. Ang totoo niyan, meron nman akong online store na binibilhan pero kadalasan puro ingredients lang. Eh hindi naman pupuwedeng the same recipe ang filipino foods na ilalaman ko sa aking sikmura araw araw hano. Kaya nman tuwang-tuwa ako ng dumating ang parcel kaninang umaga. Hay, sa sobrang excitement di ko napicturan ng buksan ko.

 

Iditetalye ko na alng ang nabili ko ha. Voice, Red Horse ( request ni Habibi yan), Papaet, Longganisa, Tocino, Bopis, Bangus Belly, Adobo Marinate ( silver Swan), Chicken Sausage at kung ano ano pa na hindi ko na maalala. Balak ko nang bumili ng ng mga gulay kaso hindi ko sure kung maipapadala nila thru parcel force no. Kaya pupuntahan ko na lang sa katapusan ng Mayo para mapili ko lahat ng gusto kong bilhin. hehe teka bago ko makalimutan, heto’t maglaway ka muna dito sa aking masarap na agahan. Engrande yan … tamang-tama hindi ako kumain ng kahit ano kahapon lol!

 

O diba ang bongga ng umaga ko.. ? Ang sarap sarap nga eh .. Yun longganisa kasabay ng sariwang kamatis at ang bangus belly sinawsaw ko sa sukang maanghang.. huwaw!!!



This post first appeared on ...Life Away From HOME..., please read the originial post: here

Share the post

Umagang Kayganda

×

Subscribe to ...life Away From Home...

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×