Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

MGA KALOKOHAN NG PRO-RH POLITICIANS AT NGOS

MGA Kalokohan NG PRO-RH POLITICIANS AT NGOS…

1. RH Bill sagot sa kahirapan? Ano raw? “Mas masusugpo ang kahirapan?”

Sige nga, magcondom taung lahat ngaun, tingnan natin kung kinabukasan yayaman na tau! Magtrabaho ka, wag ka Lang mag sex! kalokohan!

***

2. Di raw population control ang RH Bill…pero sila na rin ang nagsabing overpopulated na raw tau at kelangan nang magdahan dahan sa pa
gbubuntis. Ano raw? Eh, kung di yan population control anong tawag mo dun? family planning? population management? reproductive rights? kalokohan!

***
3. Wala raw side effects ang contraceptives? Ano raw?

Eh, kung ang pangkaraniwang paracetamol ay may side effects, yun pa kaya? Basahin nyo ang findings ng International Agency for Research on Cancer. Anong walang kinalaman sa cancer? Kalokohan!

***
4. Tutol daw sila sa abortion, pero pilit naman nilang iginigiit na dapat mabigyang kaukulang “management of post-abortion complications” ang mga kababaihang nagkaroon ng abortion. Kala ko ba’y tutol kayo sa abortion, kinu-konsente nyo pala eh! Kalokohan!

***
5. Ang mga mahihirap raw ay anak lang ng anak, kaya kelangang mag condom na at contraceptive pills na sila. Aba, baka nakalimutan na ng mga pro-RH na ang may pinakamaraming anak dito sa pilipinas ay mayayaman….marami pa ngang asawa!…mga artista at pulitiko pa nga! Kalokohan!

***
6. Dati-rati ang sinabi ng RH advocates: “Mahirap ka lang, wala kang karapatang magka-anak.”
Ngaun, pinaganda lang nila: “Mahirap ka lang, may karapatan kang di magkaanak.”
Anong karapatan ka mo? Pareho lang yun! Kunyari mey karapatan ka, pero ang totoo nyan, wala kang karapatang magkaanak dahil mahirap ka lang… Kalokohan!

***

7. Di raw totoo ang “population winter.” Eh, anong tawag nyo sa malaking populasyon ng mga matatanda sa Europa, at pakonti ng pakonting populasyon ng mga kabataan? “Population spring” ba ang tawag dun? ha? Kalokohan!

***

8. Ang RH Bill raw ay nakakalutas ng problema ng abortion. Eh, bakit mataas pa rin ang abortion sa United States, Europe, Thailand at iba pang bansa? Kalokohan!

***

9. At ito pa, panlaban daw sa AIDS ang condom, eh, bakit pinakamataas ang AIDS incidence sa Thailand sa Asia, more than 20 yrs. na kaya silang nagko-condom? Kalokohan!

Ano? Human failure daw ang dahilan? Eh, ang bobo naman pala nila kung after 20 yrs. di pa nila alam kung paano dapat gamitin ang condom na yan! Sobrang kalokohan na to!

by: Ferdinand Hernando




This post first appeared on Another Angle | In The Perspective Of Unity, please read the originial post: here

Share the post

MGA KALOKOHAN NG PRO-RH POLITICIANS AT NGOS

×

Subscribe to Another Angle | In The Perspective Of Unity

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×