Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

GINATAANG BILU-BILO 【9】

Ingredients⤵️⇣
1 tasang hinimay na langka
2 niyog or 2 big can of coconut milk
Asukal
1/2 kutsaritang anis (maaring hindi lagyan)
1 Dahon ng pandan (optional) or drops of pandan extract

Paraan ng pagluluto:⤵️⇣
1. Ibabag nang kalahating araw ang malagkit. gilingin. 
3. Ilagay sa katsang tela, tungkusin at patuluin. 
4. O kaya'y ipatong sa isang bistay na bagay upang kumatas ang labis na tubig. 
5. Hayaan sa gayong ayos nang magdamag.
6. O di kaya ay ng 1 kilong malagkit na bigas powder na available sa supermarket na glutinous rice powder at lagyan ng tubig para maging dough.
7. Bilug-bilugin ang galapong sa nais laki. 
8. Alalahanin na ito ay umaalsa kapag naluto, kaya hindi dapat napakalaki ang gagawing bilu-bilo. 
9. Katasin ang kinudkod na niyog. 
10. Itabi ang unang puswelong kakanggata.
11. Muling pigain ang niyog at sa pagkakataong ito ay dagdagan ng 3-4 puswelong tubig.
12. Timplahan ng asukal nang naayon sa inyong panlasa ang pangalawang gata or 1 can of coconut milk with 1-2 cup of water. Isalang. 
13. Habang hinihintay ang pagkulo ay halu-haluin upang hindi magbuo-buo ang gata. 
14. Kapag kumulo ay isa-isang ihulog ang bilu-bilo, habang hinahalo pa rin. 
15. Hindi dapat pagsabay-sabayin ang paghulog ng bilu-bilo sapagka’t magdidikit-dikit ang mga ito.
16. Kapag malapit nang maluto ang bilu-bilo ay ihulog ang langka at dahon ng Pandan. Optional ang pandan. 17. Kung meron pandan extract ay lagyan rin ng konting patak. But sometimes walang mabiling pandan leaves and pandan extract sa supermarket dito at ang ginagamit kong pampabango ay vanilla extract. 
18. Sa huli ay ihalo ang kakanggata. 
19. Pakuluin lamang ng ilang sandali bago hanguin.



This post first appeared on Just Recipe Cooking, please read the originial post: here

Share the post

GINATAANG BILU-BILO 【9】

×

Subscribe to Just Recipe Cooking

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×