Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Tips Para Pumayat

Maraming kadahilanan kung bakit tumataba ang tao. Ang isa sa pinakamadalas na rason ay yung napapasobra ng kain, lalo na tuwing holiday season o ‘di kaya maraming party o event na napupuntahan. Sa Pilipinas pa man din, kada event ‘ata ay hindi nawawala ang masarap na handaan.

Isa ring common na sanhi ay ang pagbubuntis ng Isang babae. Madalas, malaki ang naidadagdag sa timbang ng isang magiging ina, at pagkapanganak, ang hirap nang bumalik pa sa dating figure niya. Ang pagtanda at pagbagal ng metabolismo ay common na sanhi din ng pagtaba. Ganoon talaga, kasama sa pagtanda ang pagbigat ng timbang, lalo na kung maganang-magana ka kumain mula nung pagkabata mo.

Ano man ang naging sanhi ng pagiging overweight mo, maraming maaring gawin upang ikaw ay pumayat. Sumusunod ang ilang tips para magbawas ng timbang:

1. Mag-take ng Garcinia Cambogia

Nakikilala na rin ang supplement na ito bilang weight loss product. Isa siyang appetite suppressant. Pinatatagal niya ang desire mo sa pagkain in-between meals. Karaniwan, 2 tableta bago kumain ang kailangan mong i-take. Hindi siya nirerekomenda sa mga buntis at nagpapa-breastfeed na mga nanay.

2. Mag-take ng Orlistat

Pinasikat ni President Joseph Estrada ang Xenical brand ng Orlistat. Kitang-kita ang positibong epekto nito sa kanyang Katawan. Malaki ang niliit ng pangangatawan niya mula ng sinimulan niyang mag-take ng weight loss product na ito. Bukod sa Xenical, kilala din ang Lesofat. Ang Orlistat ay fat blocker medicine, pinipigilan niya ang pag-absorb ng katawan ng mga unhealthy fats mula sa kinakain. Kumonsulta sa iyong doctor kung nababagay sa iyo ang gamot na ito.

3. Mag-breastfeed sa Sanggol

Nakakatulong sa pag-slim down ang breastfeeding. Upang maka-produce ang katawan ng breast milk, nag-eexpend ito ng energy, at dito pumapasok ang calorie and fat burn. Hindi man kayang tunawin ng breastfeeding lahat ng extra pounds na nakuha mo sa pagbubuntis, nakakatulong pa rin ito na magbawas ka ng timbang.

4. Ayusin ang Eating Lifestyle

Sabi ng Lancet Global burden of disease reports, ang poor diet daw ay matinding sanhi ng iba’t ibang disease na dumadapo sa katawan. Planuhin ang tamang klase at dami ng kain sa bawat araw-araw.

5. Umiwas sa Fattening na Desserts

Karaniwang malakas magpataba Ang Mga dessert foods kaya umiwas sa sobrang kain nito. Ang pie, cake, at ice cream na siguro ang ilan sa mabilis magpabigat ng timbang. Siguraduhing mag-stick ka sa isang slice lamang at hindi arawan gagawin.

6. Bawasan ang Konsumo ng Asukal at Ma-asukal na Mga Inumin at Pagkain

Sa isang pag-aaral ng BMJ, nakita ang malinaw na koneksyon ng asukal sa timbang ng tao. Sa pag-reduce ng konsumo ng asukal, nakitaan ng weight loss ang mga taong sumali sa isang research study.

7. Bawasan ang Mabibigat na Kakanin

Ang mga masasarap na kakanin gaya ng kutsinta, puto, palitaw, bibingka, at kalamay ay tunay ngang nakakabusog, ngunit ang palagiang kain nito ay siguradong magpapataba sa iyo. Pumili ng mas magaan na merienda kaysa sa mga ito.

8. Umiwas sa Mga Artificial Fruit Juices at Flavored Drinks

Ang mga sago, gulaman, at ib pang mga samalamig na inumin ay nakakapawi ng uhaw ngunit mas mabilis ka ding maghahanap ng pagkain. Sa tamis nito, makakaranas ka ng food cravings.

9. Umiwas na sa Midnight Snacks

Kung hindi ka rin naman aktibo sa gabi, iwasan ang madalas at maramihang kain paglagpas ng 8:00 ng gabi. Wala ng masyadong pagkakataon ang katawan mo para i-burn ang mga calories na makukuha sa pagkain ng chips, sandwiches, at iba pang midnight food items. Kung may trabaho o extended study night ka, subukan ang nuts o sopas.

10. Bawasan ang Pagpunta sa Mga Parties

Kung lunch o dinner meeting invitations ay hindi school o work related, ipagpaliban na ang pagsali. Tiyak na mahihirapan kang magpigil sa pagkain. Piliin ang mga events na pupuntahan kada linggo. Iwasan ang palagiang gimmick. TIyak na makakatipid ka na sa gastos, makakabawas timbang pa ang ganitong ugali.

11. Umiwas sa Mga Fastfood Chains

Sa pag-aaral ng Princeton University, napansin na mas may tendency na maging overweight ang mga taong malapit sa mga fastfood chains. Mabilis at medyo mura, puntahan ng karamihan ng busy na tao ang malapit na Jollibee, Mcdo, Shakey’s at iba pa. Ang mga lunch break ay isang oras o mas kaunti pa kaya unang solusyon sa gutom ay mag-fastofood na lang. Ngunit, mas maganda sa kalusugan mo ang paghanda na lang ng baon na sandwiches o packed meals, makakatipid ka pa sa budget.

12. Magbawas ng Kain ng Mga Cheesy Food Products

Mataas sa calories ang cheese, lalo na kung madami ang nakahalo sa putahe. Ang isang ounce o slice ng keso ay may 96 calories. Alam mo ba na ang isang 14” cheese pizza slice ay may 272 calories? Nakadami ka na kagad ng kain ngunit hindi siya nutritionally filling. Minsanan lang mag-enjoy ng cheesy mac, cheesy fries, cheesy tacos at nachos, at cheesy burgers.

13. Huwag Magpuyat

Bawasan ang food cravings sa pang araw-araw, at iwasan ang pagpupuyat tuwing gabi.

14. Alisin ang Unhealthy Fats sa Karne

Mag-stick sa lean meat. Huwag kainin ang taba sa mga pork barbecue at liempo.

15. Umiwas sa Prito

Ang isda ay enjoyin ng steamed and grilled, gayun din ang karne.

16. Mag-stock ng Dimsum at Dumplings

Nakakatulong sa magandang dietary plan ang mga dimsum at dumplings. Ito ay siksik sa karne at gulay, kaya mabubusog ka. Maganda siyang main meal o pagkain in-between meal.

17. Sumubok ng Nutritional Shakes

Karamihan ng nutritionists ay nagrerekomenda nito bilang meal replacement, at least isa kada araw. Kung overweight ka, subukan ito at tiyak na mababawasan ang timbang mo sa loob ng isang linggo.

18. Siguraduhing Hindi Kulang ang Tubig sa Katawan

Minsan inaakala ng tao na gutom siya, ngunit naghahanap pala ng tubig ang sistema ng katawan. Siguraduhing nakakainom ka ng isang baso ng tubig kada 2 oras tuwing daytime.

19. Mag-stock ng Itlog sa Bahay

Mabigat sa katawan at masustansya, ugaliin ang pagkain ng isa bawat araw.

20. Itigil na ang Pagkain ng Chips at Crackers

Malakas mag-stimulate ng food cravings ang biscuits at chips. Bukod dito, nagpapatindi ng uhaw at nire-retain ng katawan ang liquids na iniinom mo sanhi ng sobrang alat na nakakain.



This post first appeared on How To Lose Weight In The Philippines, please read the originial post: here

Share the post

Tips Para Pumayat

×

Subscribe to How To Lose Weight In The Philippines

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×