Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Alamin ang Tamang Paraan ng Pagdi-Diyeta

Nagsisimula ang tipikal na araw ng mga Pilipino  sa kape at pandesal. Papasok tayo sa trabaho at sa kalagitnaan ng umaga, magmemeryenda na tayo. Ang problema, ilan sa atin ang mas gusto kumain ng junk food. Sa tanghalian naman, karaniwang sa fastfood tayo kumakain. Ang hilig natin ay hamburger, French fries, at pizza. Pagdating ng hapon, magmemeryenda tayo uli. Madalas tayong kumain ng tinapay at pansit sa mga oras na ito. Pag-uwi sa bahay para sa hapunan, kakain tayo ng higit ng isang takal na kanin kasama ang alin man sa tipikal na ulam inihahanda sa bahay. Ginagawa natin ito dahil sa maghapong pagod sa trabaho. At Kung akala mo tapos na ang Pagkain, hindi pa pala. Bago matulog, kakain pa tayo ng anumang matamis gaya ng cake o tsokolate.

Kung ganito ka kumain, siguradong nakikita mo na ang problema sa pagdidiyeta na kinakaharap mo. Bukod sa kaduda-dudang sustansyang nakukuha mo sa ilang pagkain nabanggit, mayroon ka ding problema sa tamang dami at tiyempo ng pagkain. Ang pagdidiyeta, ay hindi lamang tungkol sa kung ano ang kinakain mo. Ang oras ng Iyong pagkain ay mahalaga din. Ngunit kung nasanay na tayo na kumain ng almusal, tanghalian, hapunan, at makailang meryenda sa buong araw, kaya mo bang baguhin ito?

Sa totoo lang, dapat tayong kumain kung tayo’y nagugutom lamang. Nangangahulugan ito na hindi ka dapat kumain dahil sa naiiinip ka, nalulungkot, natatakot, o anumang pa mang emosyonal na dahilan. Kumakain tayo upang magkaroon ng enerhiya para sa maghapon. Hindi dapat tingnan ang pagkain bilang isang paraan upang makaranas ng kaginhawahan o makakuha masarap na pakiramdam.

Nagmemeryenda ka ba bilang pahinga mula sa isang gawain? Siguro napagod ka sa iyong trabaho o sinusubukan ng iyong mga anak ang iyong pasensya kaya ka kumain. Dapat mong malaman na halimbawa ito ng mga emosyonal na dahilan kung bakit tayo kumain ng labis. At ito ay nagigiing kagawian na natin. Kailangang itigil natin ang kinagawiang ito. Maaaring hindi mo agad mabago ang sarili pero kailangan mong gawin ito ng unti-unti hanggang mawala na ito sa sistema mo.

Ngunit dapat mo ring malaman na ang madalas na pagkain ay makakatulong din. Pero hindi nangangahulugan na kumain ka ng napakarami. Ang rekomendadong bilang ng pagkain sa maghapon ay lima hanggang anim na maliliit na takal ng pagkain. Mabuti ito para sa iyong metabolismo at sobrang pagkagutom. Gayunpaman, ang mga pagkain ng ganito karami maghapon ay dapat maingat na pinlano. Kung hindi, maaari kang kumain ng sobra at tumaba dahil sa madalas na pagmemeryenda.

Halimbawa, maaari kang uminom ng Green Coffee at isang pirasong tinapay sa umaga. Bago magpananghalian, kumain ng oat meal. Sa tanghali, kumain lamang ng isang takal na kanin at ulam. Sa hapon, pwede na ang crackers at tubig. Sa gabi, kalahating takal lamang ng kanin ang kainin at gulay. Bago matulog, pwede ng meryenda sa gabi ang isang basong gatas.

Kailan mo dapat kainin ang iyong maliliit na pagkain? Ikalat sila sa buong araw ng hindi hihigit sa apat na oras ang pagitan sa isa’t isa. Sa ganitong paraan, maaari mong panatilihin ang mabilis na metabolismo ng iyong katawan. Ibig sabhin nito, patuloy na susunugin ng iyong katawan ang mga kaloriya mula sa pagkain sa buong umaga at hapon. Gayunpaman, sa pangkalahatan, dapat ka lamang kumain kapag talagang nakakaranas ka ng gutom.

Isang survey na isinagawa kamakailan, ang natagpuan na marami sa mga Pilipino ang lumakataw sa pagkain ng almusal. Kung akala mong nakakatulong ang gawaing ito na bumaba ang iyong timbang, nagkakamali ka. Dapat mong malaman na ang pagkain ng almusal ay maaaring maging isang susi sa pagkawala ng timbang. Kung hindi ka lalaktaw ng almusal, mas mabilis magsunog ng kaloriya ang katwan mo. Dahil dito, mas mabils ang pagbaba ng iyong timbang.

Subukan ding iwasan ang kumain ng meryenda sa gabi. Ito ay dahil maaari lamang na iimbak ng iyong katwan ang kaloriya mula sa huli mong kinain sa halip na sunugin sila. Muli, isipin mo ang dahilan kung bakit ka kumakain pa sa gabi bago matulog. Gutom ka ba talaga o dahil hindi ka pa makatulog? Ang pagpapalit ng iyong mga kinagawain gabi-gabi ay maaaring makatulong sa iyo upang maiwasan ang pagkain sa hatinggabi. Subukang gumawa ng mga bagay na makakapagpatulog sa iyo sa halip na makakapagpagising ng iyong katawan.

Mahirap baguhin ang mga kinagawian tungkol sa pagkain. Maaaring hindi ka nag-aalmusal at sobra kang kumain tuwing tanghalian at hapunan. Ngunit nahihirapan ka mang huminto, ituloy lang ang pagsunod sa tamang sistema ng pagkain. Ang unti-unting pagbabago ay makakatulong sa iyo. Kung nakikita mo ang iyong sarili sa pagbabalik sa iyong lumang gawain, patawarin mo ang iyong sarili at magsimula muli. Kung ikaw ay makikipagkompromiso sa iyong sarili, mas malamang na makakahanap ka ng isang plano sa pagkain na makatutulong sa iyo na mawalan ng timbang at nasiyahan ka din sa pagsunod nito.

Kung kailangan mo ng tulong, mayroon kaming 15 Days Diet Plan na pwede mong sundan. Ang mga pagkaing nakapaloob dito ay masarap at masustanya. Akma ang mga ito para sa iyong almusal, tanghalian, hapunan, at mga meryenda. Sundan ang plano na ito sa loob ng dalawang linggo upang mas maging madali sa iyo ang paglipat mula sa kinagawian mong maling paraan ng pagkain patungo sa tamang sistema.

Kung gusto mo munang subukan ang planong ito kung makakatulong sa iyo, pwede mong bilhin ang 7 Days Diet Plan. Mas maiksi ito kung tutuusin ngunit sa loob ng isang linggo, makikita mo na ang malaking pagbabago sa paraan ng pagkain mo. Hindi ka na katulad ng dati na kumakain ng mga pagkaing hindi masustansya ng labis labis.

Marami pa kaming produktong makakatulong sa iyong planong pagpapapayat. Kung gusto mong malaman kung anu-ano ito, pumunta lamang sa aming website na Healthy-PH.com. Mayroon din kaming Facebook Page na pwede mong sundan, ang Healthy-Ph. Makikita mo sa aming Facebook Page ang lahat ng bago naming mga produkto, mula sa plano sa pagdidiyeta hanggang sa gamit pang-ehersisyo. Pwede mo ring gamitin ang aming Facebook Page upang kausapin kami tungkol sa iyong mga tanong sa kahit anong produkto namin. 



This post first appeared on How To Lose Weight In The Philippines, please read the originial post: here

Share the post

Alamin ang Tamang Paraan ng Pagdi-Diyeta

×

Subscribe to How To Lose Weight In The Philippines

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×