Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Stress, Ehersisyo, at Pagkain: Ano ang Kaugnayan ng Mga Ito?

Ang pagkakaroon ng kakayahang harapain ang mga stress sa pang-araw araw nating pamumuhay ay isang benepisyong natatamas ng taong may magandang kalusugan. Upang labanan ang stress, pwede tayong magpahinga, mag-therapy, magpamasahe, o maligo sa maligamgam na tubig. Kung ang ating balikat at likod ay madalas manakit, ito ay dahil sa stress. Maliban sa mga nabanggit na sa itaas, isa pa sa mga bagay na kailangan mong gawin ay ang mag-ehersisyo.

Ang pisikal na ehersisyo ay kailangan ng ating katawan upang mapalakas ito, bumaba ang ating timbang, at manatiling malusog ang ating pag-iisip. Ang pag-eehersisyo ay makakatulong sa ating pag-iisip dahil nagiging abala ang isip natin pag nag-ehersisyo tayo. Ito ay mas mainam kaysa mahiga at manonood lamang ng telebisyon buong maghapon. Maliban sa mas may nagagawa kang kapakipakinabang sa iyong oras, binabawasan din nito an gating pagkagutom, pag-inom ng tubig na kailangan ng ating katawan, at mas mabilis na pagdaloy ng ating dugo.

Kung hindi tayo nakakaramdam ng stress, kaya nating harapin ang lahat. Gugulin mo ng husto ang iyong maghapon at tiyak hindi mo poproblemahin ito. Malaki na ang magagawa ng 20 minutong pag-eehersisyo. Gawin mo ito araw-araw at tataas na ang iyong enerhiya. Ang simpleng paglalakad ay malaki na ang maitutulong. Subukang maglakad sa loob ng 20 minuto araw-araw sa isang nakatakdang oras. At sundin ang isang malusog na diyetang makakapagpababa sa iyong timbang.

Kung mag-didiyeta ka lang at hindi mag-eehersisyo, kaunti lang ang matatanggal sa iyong timbang sa loob ng dalawang buwan. Ngunit kung sasabayan mo ito ng simpleng paglalakad sa umaga, pwede kang mawalan ng hanggang apat na kilo sa loob lamang ng isang linggo. Ang pag-eehersisyo ay makakapag pataas ng iyong enerhiya at ito ay napakahalaga.

Kapag nakuha mo na ang timbang at hubog ng katawan na gusto mo, tataas ang kompiyansa mo sa iyong sarili. At napaka-importante nito upang labanan ang stress. Ang taong may tiwala sa sarili ay malayo sa stress. Ipinapakita lang nito na ang taong may malusog na katawan ay may malusog din ang pag-iisip.

Nakakapagpabata rin ang malusog na pag-iisip. Kung malusog ang ating katawan at isip, tila matagal tumanda ang ating katawan. Sa katunayan, kahit malakas ang ating katawan ngunit pag hindi malusog ang ating pag-iisip, maari pa ring tayong magkaproblema o magkasakit. Maraming mga taong matanda na pero malakas pa at walang sakit. Sa katunayan, nakakapagtrabaho pa sila. Produktibo pa sila at kailangang magretiro ng maaga. Maari mo ring maging katulad nila kung pipiliin mong magpalusog ng katawan at isip.

Tamang Pagkain at Pag-eehersisyo

Nag-eehersisyo tayo upang mapanatili ang mabuting kalusugan. Kumakain tayo upang lumakas ang ating katawan at magampanan ang mga prosesong kailangan natin para mabuhay. Para makuha ang pinakamagandang kombinasyon ng dalawang ito, kailangang tama ang mga kinakain mo bago at pagkatapos mong mag-ehersisyo.

Tuwing mag-eehersisyo ka, kailangan mong kumain ng mga pagkaing may balanseng halo ng protina at carbohydrates. Ngunit may tamang dami ng protina o carbohydrates na kailangan mo kung kailangan mo ng maigting na ehersisyo.

Maaring kumain isang oras bago mag-ehersisyo pero iayon ito sa kailangan ng katawan mo. Kung hindi naman mabigat na ehersisyo ang gagawin mo, pwede na ang isang pisaro ng tinapay. Kung medyo maigting na ehersisyo ang gusto mong gawin, pwedeng kumain ng buong almusal o tanghalian, depende sa oras ng iyong eehersisyo.  

Kung aattend ka ng isang cardio session sa gym, ang iyong pagkain ay dapat binubuo ng 2/3 carbs at 1/3 protina. Ang kombinasyong ito ay makakapagbigay sa iyo ng sapat na enerhiya. Mapapanatili rin ng sapat na protina ang kalusugan ng iyong mga kalamnan habang nag-eehersisyo. Pero kung ang ehersisyo mo naman ay kinapapalooban ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay, kailangan mong baliktarin ito sa 1/3 carbs at 2/3 protina. Mas kailangan ng katawan mo ang protina para sa paglaki ng iyong kalamnan.

Ang pagkain pagkatapos mag-ehersisyo ay mahalaga rin. Tuwing nag-eehersisyo ka, nag-aalis ka ng enerhiya sa anyo ng glycogen. Kailangan ng utak at nervous system ng glycogen dahil ito rin ang pinagkukunan nila ng enerhiya. Kung wala silang makuhang glycogen, pwede nilang gawin ito mula sa mga kalamnan. Kaya kung gusto mong magka-muscle, kailangan mong punan ang pangagailangang ito sa pamamagitan ng tamang pagkain.  

Pagtapos ng isang cardio session, kailangan mo ng sapat na carbohydrate at pagkaing na mataas sa fiber. Ang magandang halimbawa nito ay kanin, pasta at oatmal. Pwede rin ang mga prutas na mataas sa fiber. Mga 30 hanggang 50 gramo lamang ang kailangan mo. Pwedeng kumain mga 5 hanggang 10 minuto pagkatapos mag-ehersisyo.

Pero kung ang ehersisyo mo naman ay ang pagbubuhat ng barbel, pwede ka lang kumain pagkatapas ng 30 minuto. Kailangang maghintay ng 30 minuto upang manumbalik ang magandang metabolismo ng katawan. Kailangan mo ring dagdagan ng protina ang iyong pagkain dahil ito ang kailangan ng mga kalamnan mo.

Hindi madaling makuha ang tamang kombinasyong ng mga kinakailangan mong pagkain kung ikaw ay mag-eeksperimento lamang. Ang kailangan mo ay isang gabay sa pagdidiyeta na gawa ng mga eksperto. Isa sa mga gabay na maaring makatulong sa iyo ay ang aming 7 Days Diet Plan. Nakapaloob dito ang iba’t ibang pagkain na maaring mong kainin sa loob ng pitong araw habang ikay ay nag-eehersisyo at nagpapababa ng timbang. Mayroon din kaming 15 Days Diet Plan kung gusto mo ng mas mahabang panahon na igugugol sa iyong pagdidiyeta. Kailangan mo ng gabay ng mga eksperto upang makamit mo ang resultang gusto mo. 

Mayroon pa kaming ibang produkto na maaring makatulong na maging malusog ang iyong katawan at pag-iisip. Puntahan lamang ang aming website na Healthy-PH.com at doon mo makikita ang iba pang pwede mong gamitin upang lumakas ang iyong katawan at makamit ang ninanais mong hubog ng katawan. Marami na ang sumubok ng aming produkto at halos lahat sila ay natuwa sa mga resultang kanilang nakita. 

Mayroon din kaming Facebook page, kung sakaling may katanungan ka tungkol sa aming mga produkto at gusto mong makakuha ng mabilis na kasagutan. Ang aming Facebook page na HealthyPH ay ginawa para lamang sa iyo. I-like ito at magiging una ka sa balita kung sakaling mayroon kaming bagong produktong mas makakatulong sa mga layunin mo. Maliban sa gabay sa pagdidiyeta, mayroon din kaming kagamitan sa pag-eehersisyo at pagpapaganda. 



This post first appeared on How To Lose Weight In The Philippines, please read the originial post: here

Share the post

Stress, Ehersisyo, at Pagkain: Ano ang Kaugnayan ng Mga Ito?

×

Subscribe to How To Lose Weight In The Philippines

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×