Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Mga Paraan Kung Paano Pilitin ang Sarili na Magpababa ng Timbang

Kung sinusubukan Mong magpababa ng timbang, hindi sapat ang maikling panahon ng pagsunod sa isang programa ng pag-eehersisyo o pagdidiyeta. Dapat mo itong ipagpatuloy hanggang makamit mo ang minimithing mong timbang at hubog ng katawan. Magiging mas mahirap para sa iyo ito kung mas gusto mong igugol ang halos lahat ng Iyong oras na nakahumiga lamang. Hindi naman talaga kasiya-siya ang pag-eehersisyo at naiintindihan naming iyan. Marami rin ang nagdadalawang isip kung ang mga paghihirap nila sa pag-eehersisyo ay may mabuting maidudulot.

Ngunit dapat mo ring isipin na ang susi tagumpay, ehersisyo man ito o diyeta, ay ang pagtitiyaga. Nangangahulugan ito na kailangan mong gawin ang pag-eehersisyo ng pangmatagalan. Sa katunayan, dapat mo na nga itong gawin habang buhay. Maaaring mahirap sa mga oras ngunit sadyang kailangan mong gawin ito. Isipin mo na lamang na ang pagsisikap mo ay may magandang kapalit.

Ang pagiging masikap mo ay maaaring magsimula sa pagkakaroon ng isang tiyak na layunin. Halimbawa, kung ikaw ay isang taong hindi talaga aktibo sinimulan mo Ang Iyong programa sa pagsunog ng 500 na kaloriya sa isang linggo. Kung ikaw ay medyo aktibo sa pagsisimula ng ehersisyo, ang iyong layunin ay pwede mong itaas sa 1,000 na kaloriya. Ngunit kailangan mo ring magkaroon ng pangmatagalang layunin. Maaari mong doblehin ang dami ng calories na iyong sinusunog sa loob ng anim na buwan mula sa pagsisimula ng iyong programa sa pag-eehersisyo.

 Subukan ding gumawa ng listahan sa pagsisimula ng iyong ehersisyo. Itatala mo dito kung ano-ano ang mga uri ehersisyong ginagawa sa loob ng isang linggo. Tiyaking isama ang bilang ng ulit na ginagawa mo ang bawat ehersisyo. Sa paraang ito, magkakaroon ka ng listahan ng iyong pag-unlad. Makakita mo kung gaano ka na kahusay ang iyong ginagawa. Maaaring maging inspirasyon mo ito at gugustuhin mong magpatuloy kahit na tila nahihirapan ka na. 

Makakatulong din ang pagsali sa isang grupo ng tao na nagsasagawa rin ng ehersisyo o makakatulong sa layunin mong magpapayat. Halimbawa, maaari kang pumunta sa isang gym para sumali sa Zumba, aerobics, yoga, at iba pa. Kung mahilig ka sa isports, pwede kang sumali sa mga koponan ng basketball, volleyball, at soccer. Pwede ka ring mag hiking or trekking kung mahilig kang mamasyal sa iba’t ibang lugar.

Isa rin sa mga magandang paraan ay maging bahagi ng isang social network na makakatulong sa iyong paigtingin ang iyong kagustuhang pumayat. Inaanyahan ka naming tignan at sundan ang aming Facebook Page na TheHealthyPH kung gusto mong maging parte ng isang grupo na ang layunin ay maghatid sa iyo ng iba’t ibang paaraan upang mas madali mong makamit ang iyong inaasam na timbang.  

Maaari mo ring gamitin ang teknolohiya upang panatilihin kang aktibo. Pwede kang maglagay ng wallpaper sa cell phone at computer mo na magpapaalala sa iyo na kumilos, mag-ehersisyo, at magpapawis. Maaari mo rin itong i-print at ilagay sa iyong ref, alarm clock, at iba pang lugar na lagi mo itong makikita. May mga apps din na pwede mong i-download sa cell phone mo na makakapagpaalala sa iyo sa iyong mga mithiin at layunin. Sa madaling salita, dapat na patuloy kang mapaalalahanan sa halaga ng pagdidiyeta at ehersisyo.  

Pwede ka ring mamuhunan sa mga kagamitan sa pag-ehersisyo na pwede mong gamitin sa bahay tulad ng Revoflex, Slim Abs, at Ultimate Abs Stimulator. Ang halaga ng pera na iyong ginugol ay maaaring maging isang malakas na insentibo para masiguro mo na gagamitin mo ang mga kagamitan na ito ng regular. Dapat mo ring ilagay ang mga kagamitan sa isang lugar na madalas mong dinadaanan. Sa pamamagitan nito, wala kang magiging dahilan para hindi mag-ehersisyo. 

Maaari mo ring isaalang-alang ang pamumuhunan sa isang diet plan para naman sa tamang paraan ng pagdidiyeta. Ang mga ito ay makakatulong sa iyo na gumawa ng mga masusustansyang pagkain sa iyong tahanan. Kung magplaplano ka ng pagkain mo sa loob ng isang linggo, hindi mo na gugustuhing kumain sa labas kung saan mas malaki ang tsansa mong tumaba. Kailangan ng katawan mo ang sariwa at bagong lutong pagkain na halos walang mantika at asin ngunit masarap pa rin. Ang Healthy-Ph.Com ay may dalawang planong pangdiyeta na makakatulong sa iyo. Tignan ang aming 7 Days Diet Plan o an gaming 15 Days Diet Plan at makikita mo na mas madaling kumain ng tama kung may sinusundan kang plano. 

Ang isa pang epektibong paraan ay ilagay ang iyong paburitong gomang sapatos na malapit sa pinto upang maipapaalala sa iyo na mas magandang lumakad sa halip na magmaneho. Maaari ka ring magtingin ng mga bagong programang pang-ehersisyo na pwede mong sundin at pag natapos mo ito, gantimpalaan mo ang iyong sarili. Pwede kang bumili ng tiket papunta sa isang napakagandang lugar para magbakasyon. Pwede rin namang  bumili ka na lamang ng damit na matagal mo nang gusting suotin.

Ang ideya sa likod nito ay upang tiyakin na ang maipagdiriwan mo ang bawat tagumpay sa pag-eehersisyo o pagdidieyeta na sunusundan mo. At habang tayo ay nasa paksa ng pagdiriwang, pwede ka ring manlibre ng mga kaibigan o kamag-anak sa sandaling nakuha mo ang timbang na gusto mo. Hindi naman kailangang sa mamahaling lugar ka manlibre dahil baka mawala lamang ang mga pinaghirapan mo. Sapat na ang isang masustansyang meryenda at inumin. Pwede mo itong gawin pagkatapos mag-gym, pagkatapos ng isang laro, o bago umuwi mula sa paghi-hiking. Ang pagbabahagi ng iyong kagalakan ay makatutulong sa pag-udyok sa iyo na ipagpatuloy ang iyong mga pisikal na gawain. 

Maari nating sabihin na walang iisang tamang paraan sa pag-eehersisyo o pagdidiyeta. Ang mahalaga ay sigurado kang epektibo ang planon sinusundan mo at gagawin mo ito hanggang sa dulo. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pamantayan ng programa ng ehersisyo at diyeta mo, sugurading mararating mo ang iyong minimithi. Ang ehersisyo at pagdi-diyeta ay dalawang seryosong gawain. Hindi libangan ang mga ito na pwede mong gawin kung kailan mo lang gusto. Dapat mo ipagpatuloy ang mga ito sa mahabang panahon. Maari kang makaranas ng problema sa hinaharap, ngunit hindi dahilan ang mga ito na tumigil. Hindi ka dapat huminto. Ipagpatuloy mong abutin ang iyong mga layunin sa pagpapapayat.



This post first appeared on How To Lose Weight In The Philippines, please read the originial post: here

Share the post

Mga Paraan Kung Paano Pilitin ang Sarili na Magpababa ng Timbang

×

Subscribe to How To Lose Weight In The Philippines

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×