Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Shakes at Smoothies: Mga Inuming Pampapayat na Madaling Gawin

Mahilig ka ba sa shake o smoothies? Ito ay isang uri ng inumin na napakasikat ngayon para sa mga taong gustong magpapapayat. Madali lang itong gawin. Kailangan mo lang ng Blender na maaring mabili sa mga tindahan sa hindi kamahalang halaga. Lagi ka bang nauuhaw at pagnagkagayon, softdrink ang lagi mong iniinom? Ito na ang solusyong hinahanap mo. Panahon na upang iwasan Ang Mga softdrinks at uminom na lamang ng shake na gawa sa mga sariwang prutas.

Narito ang ilang paraan na pwede mong sundin upang maging mas madali sa iyo ang paggawa ng mga inuming pwedeng makatulong sa iyong layuning pumayat. At Kung medyo nasasanay na ang tiyan mo, maaring ito maging pamalit sa almusal o hapunan mo.

Kung mayroon kang talento pagluluto, makakatulong ito sa paggawa mo ng mga shake o inuming pampapayat. Siguradong alam mo kung ano ang mga prutas at gulay na pwedeng ihalo. Kung gagawa ng vegetable smoothie, kailangan mo lang hiwain ang lahat ng mga sangkap na kailangan mo. Pagkatapos ay ilagay lamang ang lahat sa blender. Wala ng kailangang lutuin pa at makakatulong ito sa pagpigilng iyong timbang.

Kung wala kang maisip na pwedeng ihalong gulay, magtingin ka ng mga pagkain ng sanggol. Hindi ba’t kumakain sila ng carots, saging, at patatas? Kung kaya mong kumain ng mga pagkaing katulad nito, pwede kang gumawa ng sarili mong bersyon. Siguraduhin lamang na hindi ka magdadagdag ng maraming asin o asukal sa iyong pagkain.

Subukang mag-eksperimento sa iyong blender. Mahilig ka ba sa jam o peanut butter? Pwede kang gumawa ng sarili mong bersyon nito gamit ang iyong blender. Kailangan lamang na makahanap ka ng isang recipe kung saan masusundan mo ang tamang paraan ng paghahalo halo ng mga produkto.

Ang mga blender ay mahusay rin sa paggawa ng mga sauce. Gumawa ka ng soup o sauce na naayaon sa panlasa mo. Mag saliksik tungkol sa mga sangkap na kailangan mo at siguraduhing bilhin mo ang lahat ng mga ito. Ilagay sa blender ayon sa nakasulat sa recipe. Gawin lang ng tama at siguradong masarap ang kalalabasan nito.

Anong Shakes at Smoothies ang Pwede Mong Gawin?

Ang blender ay naimbento noong 1922 at ang layunin nito ay ang lumikha ng inumin. Inimbento ito ni Stephen Poplawski sa pamamagitan ng paglagay ng mga talim sa ilalim ng isang matangkad na lalagyan. Sa paglipas ng panahon, marami ng mga pagbabago sa blender. Ngayon, isa ito sa mga kinakailangang gamit sa kusina upang tumulong sa paggawa ng iba’t ibang lutuin at at gumawa ng inumin.

Hindi mahalaga kung ang panahon ay mainit o malamig. Ang mga smoothies at iba pang mga juices ng prutas na maaaring magawa sa tulong ng iyong blender ay napakasarap inumin. Gawin itong meryeda sa umaga o hapan upang hindi ka masyadong kumain ng kanin sa tanghalian at hapunan habang sigurado na ang enerhiya mo sa maghapon.

Maaari kang magtanong sa mga kakilala, kaibigan, o ibang taong magaling gumawa ng mga shakes at smooties. Maari kang makakilala ng mga ganitong tao kung pupuntahan mo ang aming Facebook page na The Healthy PH. Ang mga taong laging nakatuon sa aming pahina ay mahilig ding maghanap ng mga bagay, paraan, at pagkaing makakatulong sa kanila upang pumayat. Siguradong marami kang matututunan sa pahina namin. Kapag magaling ka na gumawa ng sarili mong smoothies, hindi mo na kailangan pang bumili ng mga katulad nito sa labas na sadyang napakatamis at hindi makakatulong sa iyo.

Ang mga blender ay katulong mo sa paglikha ng mga masasarap na inumin gamit lamang ang mga sangkap na nasa iyong bahay. Lalo na sa panahon ng tag-init, sadyang sasaya ka sa pag-inom ng mga shake na gagawin mo. Ang paglikha ng mga paglamig ay perpekto sa tag-init. Narito ang ilang mga recipe na maaari mong subukan:

Banana Strawberry Drink

Ang napakasarap na inumin na ito ay madali lang gawin sa isang blender. Ang kailangan mo ay isang hinog na saging, yogurt, 1 tasang gatas, 1/2 tasa ng strawberry at 4 na ice cubes. Balatan ang saging at hiwain ito ng maliliit. Ilagay ang mga ito sa blender kasama ang gatas, yogurt, at ice cubes. I-blender ito sa loob ng 30 segundo o hanggang maging makinis ang inumin. Ang recipe na ito ay sapat na para sa dalawang tao. Ilagay sa baso at lagyan ng strawberry sa ibabaw.

Oatmeal & Peaches Shake 

Kung naghahanap ka ng isang inumin na maaaring magsilbing isang kumpletong almusal, pwede ang recipe na ito. Ang kailangan mo para sa inuming ito ay isang lata ng peras na may syrup, 1/2 tasa regular na low-fat yogurt, at isang isang pakete ng instant oatmeal. Kailanga mo rin ng 4 hanggang 5 ice cubes.

Pag kumpleto na ang mga sangkap, ilagay ang peaches, yogurt, at instant oatmeal sa blender. Buksan ang blender at ihalo ang mga ito hanggang wala ng buo-buo. Subukang magdagdag ng mga ice cubes o yelo at patakbuhin muli ang blender. Gawin ito hanggang ang mga cubes o yelo natadtad na.

Coffee Cappuccino

Kung mahilig ka sa kape at naghahanap ka sa isang kakaibang inuming gamit ang iyong paboritong tasa ng kape o tsaa, narito ang isang recipe na maaaring gusto mong subukan. Sa paggawa ng inumin na ito, kakailanganin mo ng 1/2 tasa ng instant coffee ngunit mas mainam kung Green Coffee ang gagamitin mo. Kailangan mo rin ng 1 tasa ng non-fat dry milk powder, 1/2 kutsarita ng pinatuyong orange peel, at 3/4 cup ng asukal. Para sa recipe na ito, siguraduhing pwedeng gamitin ang blender mo ng walang tubig. Siguraduhin mo muna ito dahil hindi lahat ng blender ay may ganitong kakayahan.

Upang gumawang sarili mong Coffee Cappuchino, paghaluin ang asukal at ang kulay kahel na balat ng orange sa blender. Paikutin ito hanggang halos hindi na makita ang balat. Idagdag ang natitirang mga sangkap at itimpla ang lahat ng mga ito hanggang maging pulbos. Ito na ang magsisilbing kape mo sa araw-araw. Sumandok ng dalawang hanggang tatlong kutsara ng kapeng iyong ginawa at ihalo ito sa isang tasang mainit na tubig.

Ang mga ito ay ilan lamang sa maraming pwede mong subukan gamit ang iyong blender. Kung gusto mo pang ibang suhestyon, meron kaming 7 Days Diet Plan at 15 Days Diet Plan na pwede mong pagkuhaan ng inspirasyon. Ang maganda pa dito, ginawa para sa iyo ang mga plano na ito at siguradong makakatulong ang mga recipe na nandito sa pagpapapayat mo. Tignan din ang aming ibang produkto sa aming website na Healthy-PH.com.



This post first appeared on How To Lose Weight In The Philippines, please read the originial post: here

Share the post

Shakes at Smoothies: Mga Inuming Pampapayat na Madaling Gawin

×

Subscribe to How To Lose Weight In The Philippines

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×