Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Solving linear equation in one variable.

Solving linear equation in one variable

Paano nga ba hanapin ang value ng x (Hindi value Ng x mo na iniwan ka) ang tinutukoy ko Po ay ang value ng x sa linear equation.

Halimbawa: 2x + 5 = 7

Ano kaya Ang value Ng x dyan. Pwede nyo gamitin Ang Ang guess and check dyan. Ibigsabihin Po huhulaan Natin Ang value Ng x tapos isolve Po natin.

Unang hula: x= 2

Isubstitute Po Natin Ang value Ng x.

2(2) + 5 =7

4 + 5 = 7

9 = 7

Mali Po Ang na guess Po natin na value sa x.

Pangalawang hula: x=1

Substitute lang Po natin ulit.

2(1) + 5 = 7

2 + 5 = 7

7 = 7

Ngayon Po parehas na Po Sila 7. Ibigsabihin Po Ang value ng x ay 1.

Pag guess and check Ang ginamit natin medyo matatagalan tayo. Gumamit tayo Ng iBang paraan para mahanap Ang value Ng x.

2x + 5 = 7

Una Po ilipat Po natin si 5  sa kabila sa katabi Ng 7. Yung sign Po Ng 5 ay magiging negative na Po.

2x = 7 - 5

Ipagminus Po natin sila. Ito Po magiging sagot.

2x = 2

Tapos idivide Po natin both side by 2. Kung Anu Po Ang value na katabi ni x Yun Po Ang ipang divide Po natin. Ang properties Po natin na ginamit ay multiplicative inverse.

2x/2 = 2/2

Yung sa may x Po. Yung x na lang Po Ang matitira kasi Po nadivide Po natin sya sa 2. 2 divide by 2 is 1. Sa kabila naman Po 1 na lang din Po Ang Ang sagot.

Ganito na Po sya.

x = 1

Ngayon nahanap na Po natin Ang value Ng x Ng Hindi gumagamit Ng guess and check.

Comment lang Po kayo sa baba Ng gusto niyong Gawin blog o tutorial para matulungan ko Po kayo sa math subjects niyo.




This post first appeared on Kamurawayan, please read the originial post: here

Share the post

Solving linear equation in one variable.

×

Subscribe to Kamurawayan

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×