Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Edukasyon sa Pagpapakatao Worksheet with Answer

Tama o Mali na may sagot.

1.       Ang pagiging matapat sa republika ng pilipinas ay tungkulin at pananagutan ng mamamayang Pilipino.

2.       Mali: Hindi kailangan ang demokrasya o Kalayaan ng mga tao.

3.       Mali: ang bata ay walang Karapatan mula sa pagsilang na makilala at maalagaan ng kanyang magulang. Siya ay maaring ihiwalay sa kanyang magulang kahit itoy bagong silang pa lang.

4.       Karapatan ng bawat tao ang ilahad ang kanyang opinion at ideya ng walang takot o pag aalinlangan galling sa pamahalaan, grupo, komunidad o lipunan.

5.       Mali.Walang Karapatan ang bawat tao sa edukasyon.

6.       Ang mga magulang ang may pangunahing Karapatan na pumili ng klase  ng edukasyong ipagkakaloob sa kanilang mga anak.

7.       Mali.Ang mamamayang Pilipino ay hindi kailangan maging matapat at matalino sa pagboto.

8.       Ang bawat mamamayan ng ating bansa ay dapat sumunod sa batas.

9.       Dapat igalang ang Karapatan ng bata sa malayang pag-iisip, budhi at sa pagsali sa anumang relihiyon.

10.   Mali. Ang bata ay walang kasarinlan, walang kakayahan at walang Karapatan na gawin ang nararapat sa kanila.

11.   Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganangekonomiya.

12.   Ang tao ay gumagawa upang matugunan ang kanyang pangunahing pangangailangan pati na ang pangangailangan ng kanyang mga mahal sa buhay.

13.   Mali. Ang kalusugan ng bata ay hindi mahalaga dahil itoy walang kaugnayan sa kaunlaran ng ekonomiya.

14.   May Karapatan ang mga bata sa pahinga at aliwan, sa pagsali sa laro at gawaing nakalilibang at sa malayang paglahok sa buhay pangkulturabat mga sining.

15.   Mali. Ang tao ay hindi gumagawa upang matugunan ang kanyang pangunahing pangangailangan pati na ang pangangailangan ng kanyang mga mahal sa buhay.

16.   Mali. Hindi inaangat ng tao ang sining at moralidad ng lipunan.

17.   Mali. Ang bawat tao ay hindi binigyan ng diyos ng talent at kakayahan.

18.   Ang bata ay may Karapatan sa Kalayaan ng pagpapahayag na sumasaklaw sa Karapatan na maghanap, tumanggap at magbigay ng impormasyon at mga ideya sa lahat ng uri.

19.   Mali. Ang terorismo ay hindi paglabag sa karapatang pantao.

20.   Mali. Ang mga babae ay walang Karapatan na maghanapbuhay.

Multiple choice

1.       Ito ay mga kaloob na Karapatan na dapat igalang at pangalagaan.

Karapatang pantao

2.       Isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pakakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura o mga institusyon.

Lipunan

3.       Isang Karapatan ng tao na matuto bumasa, sumulat, magbilang, magkamit ng kaalaman ng sarili at kapaligiran, makipagtalakayan at maging produktibong mamamayan.

Karapatan sa edukasyon

4.       Isang paglabag sa karapatang pantaona ang Sistema ay ang paggamit ng takot. Madals at marahas. terorismo

5.       Ito ay aktibidad ng tao sa pamamagitan ng pagkilos na naglalayong makatugon sa pangangailangan ng kapwa. Paggawa

6.       Ito ay tumutukoy sa mga manggagawa na higit na gumagamit ng kanilang pisikal na lakas at enerhiya sa pagbibigay serbisyo. blue Collar job

7.       Ito ay tumutukoy sa mga manggagawang gumamit ng mental na kapasidad at kaisipan sa pagbibigay serbisyo. White collar job

8.       Ang konsepto kung saan kailangan siguruhin ang bawat indibidwal o grupo ng tao ay hindi tinatrato ng kakaiba o kinakatigan ayon sa kinabibilangang lahi, kasarian, kapansanan, relihiyon, o paniniwala at edad. Pagkapantay pantay sa harap ng batas.

9.       Isang Karapatan na kung saan nagsasaad na walang sinuman kahit ang pamahalaan ang may karapatang tapusin o kitlin ang buhay mo. Karapatang mamuhay

10.   Ito ay Karapatan ng bawat tao na ilahad ang kanyang opinion at ideya ng walang takot o pag aalinlangan galling sa pamahalaan, grupo, komunidad o lipunan. Kalayaan sa pagsasalita.

11.   Isang uri ng batas na para sa mga nilalang na mababa sa tao tulad ng hayop, halaman, at puno, lupa at hangin, dagat at iba pang element ng kalikasan. Batas ng kalikasan

12.   Isang uri ng batas na nagpapakita ng kanyang mabuting kalooban. Naglalaman ito ng lahat ng batas ng kaayusan para sa sandaigdigan at upang magabayan ang lahat ng tao at nilikha sa kanilang dapat patunguhan. Batas ng diyos

13.   Isang uri ng batas na para sa mga tao na may isip at kilos ng loob. Batas moral

14.   Isa siyang pamosong pilosopo na nagsabi na ang lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan. Sto. Tomas de Aquinas

15.   Isa siyang pamosong pilosopo na nagsabi na ang pag alam sa kabutihan ay hindi lamang sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam. Max Scheler

16.   Ito ay kusang loob na pagtulong sa kapwa, grupo, o kumunidad ng walang kapalit o kondisyon. Bolunterismo

17.   Ito ay kahalagahan at importansya ng tao sa mata ng diyos at tao. Dignidad

18.   Ito ay tatak sa kaibuturan ng isang nilalang na siya ay tao. Pagkatao

19.   Ito ya buhay na tama at umaayon sa pamantayan ng moralidad. Moral

20.   Ito ang pinakamahalagang elemento ng bolunterismo. Kusang loob

21.   Ito ay salungat at kabaliktaran ng buhay na moral. Immoral

22.   Sila ang mga pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. OFW

23.   Isang tanggapan sa pilipinas na nakatutok sa kapakanan at Karapatan ng bata. DSWD

24.   Isang kontrata na ang nilalaman ay hindi pinahihintulutan ang manggagawa na sumalisa anumang sanahan ng mga manggagawa at kung siya ay kasapi kailangan nyang tumiwalag dito. Yellow-dog contract

25.  

Mga tamang gawaing pagkilos para sa mga bata

1.       Pagkilala at pagtanggap sa katangian ng bata.

2.       Pagpansin sa maling mga pagkilos ng bata sa paaralan.

3.       Pagtitiyak na hindi galit o malamig ang ulo bago makipag- usap sa anak kapag Nakagawa ito ng kamalian.

4.       Pagturo sa anak ng paghahanap ng kalutasan sa problema sa halip na pagsisi sa ibang tao.

Mga tungkulin at pananagutan ng mamamayang Pilipino

1.       Pagiging matapat sa republika ng pilipinas.

2.       Ang matapat at matalinong pagboto.

3.       Paggalang sa Karapatan ng tao.

4.       Kailangan ang demokrasya o Kalayaan ng mga tao. Walang Karapatan ang ibang tao na humadlang sa mga ikakabuti nito.

Karapatang pantao

1.       Karapatang mamuhay

2.       Kalayaan sa pagsasalita

3.       Pagkapantay-pantay sa harap ng batas

4.       Karapatan sa pagkain

Paglabag sa karapatang pantao sa bansa at daigdig

1.       Diskriminasyon sa relihiyon

2.       Child soldier

3.       Segregasyon batay sa lahi

4.       Terorismo

5.       Diskriminasyon sa kasarian

Mga batas para sa kabataan

Kalinga ng pamilya

Malayang pagpapahayag

Mabigyan ng sapat na edukasyon.



This post first appeared on Kamurawayan, please read the originial post: here

Share the post

Edukasyon sa Pagpapakatao Worksheet with Answer

×

Subscribe to Kamurawayan

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×