Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Mapanagutang Pagpaplano ng Kursong Akademiko at Teknikal bokasyonal, Sining at isports, Negosyo o Hanapbuhay ppt.

Mapanagutang Pagpaplano Ng Kursong Akademiko At Teknikal Bokasyonal, Sining At Isports, Negosyo O Hanapbuhay Ppt.

 Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kurso


ALITANG TATATAK

1. Kasanayan ay mga kaalaman na natutuhan sa mga praktis, seminar, miting, konbensyon o pag-aaral o eksperyensya.

2.  Hilig ay damdamin ng tao na sundin ang pagnanais ng katawan.



Pagpili ng Kurso Ayon sa Talento, Mithiin, at Kakayahan

    Nagsimula ang ating pagkatao ng tayo ay pinopormang tao sa sinapupunan ng ating ina. Pinorma tayo ng kalikasan. Subalit higit sa lahat ay nagsimula tayong magkaroon ng pisikal na porma, kasama ng ating mga katangian nang tayo ay nilalang ng Diyos.


    Niloob ng Diyos ang tama at mabuti sa lahat ng kanyang nilalang. Niloob Niya na lahat ng tao ay magkaroon ng Angking Talento sa pagkanta, pagsayaw, pagluto, pagtugtog at marami pang iba. Samakatwid, ikaw at ako ay may angking talento at dapat lang nating alamin at pagyamanin.
Sa papaanong paraan natin aalamin? 

    Una, alamin mo ang mga angking talento ng iyong mga magulang. Malaking tyansa ay minana mo sa kanila ang iyong talento. Sa pagpili ng kurso ay mahalaga na alamin muna Ang Angking Talento dahil ang kursong pipiliin ay dapat tugma sa angking talento. Halimbawa, kung ang mga magulang mo ay may talento sa pagluluto, malamang na meron ka rin talento sa pagluluto. 

    Pangalawa, alamin mo kung anong asignatura ka magaling. Kung magaling ka sa matematika ay nararapat ang kursong inhinyero, arkitekto, computer, kemist at mga kursong maraming numero ang pag-aaralan o pipiliin mo.

    
    Pangatlo, ay mga resulta ng mga "diagnostic tests" na binigay ng eskwelahan sa lahat ng estudyante. Ang nasabing tests o pagsusuri ay naglalayong ipaalam ang angking talento ng mga estudyante na magiging basehan sa pagpili ng kurso.

    Ang kakayahan (skills) ay iba sa talento. Ito ay mga hilig o nakahiligang gawin dahil sa impluwensya ng kaibigan, kakilala, kamag-anak o iniidolo. Ang talento ay nakaukit sa ating katauhan.

    Ang kakayahan ay"kaya" o "kakayaning" gawin dahil pinag-aralan at prinaktis araw-araw hanggang mapaghusay ang nasabing gawa o ginagawa. 





The powerpoint presentation can be downloaded below.



This post first appeared on Kamurawayan, please read the originial post: here

Share the post

Mapanagutang Pagpaplano ng Kursong Akademiko at Teknikal bokasyonal, Sining at isports, Negosyo o Hanapbuhay ppt.

×

Subscribe to Kamurawayan

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×