Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Ang Musika ng mga Tunog

 ni: Emilia Y. Basco

"I Have a Dream" (2020) by Jason Ray Zabat


Ang Musika ay wika ng mga tunog. Ang unang katanungan, ang masasaisip ng tao saan nagmula o ano ang pinagbatayan ng pagkakaroon ng wika ng mga tunog? Paanong ang tunog na ito ay naging musika sa atin ngayons Magbalik tayo sa kasaysayan ni Adan sa Paraiso nang likhain siya ng Diyos. Sa kanyang pag-iisa Ang Mga ingay o tinig na kanyang narinig ay naging tunog ng wika. Dahil sa pagkakaroon ng tunog, ang wika may ritmong tono ang siyang naging musika kay Adan. Ang kaalaman ni Adan a musika ay lumawak sa mga bagay, mula sa nuni at awit ng mga ibon, boses ng mga hayop, indayog ng mga sanga, at pagaspas ng dahon ng mga kahoy. Ang mga huni ng maliliit na kulisap at iba pang hayop sa lupa ay nakalikha ng musika lalo na pagsapit ng gabi. Ang pagsasabay-sabay ng mga tinig ng mga ito, o, maging ang tinig nila ay nahina, o malambing ay nakalilikha ng simponik aksent na siyang pandaigdig. Pagkalipas ng panahon, ang mga tao ng kalikasan (World Natural Orchestra). Pag malakas, ma sa kagubatan ay nakalikha rin ng sinaunang tambol (primetive drums). Dito nagmula pagkakaroon ng magaspang na pagsasayaw ang mga lalaki't babae. Nahikayat silang umindak sa tunog ng gong at tambol.

Ang musika ay di nalikha para sa tao lamang, mababang uri man ng hayop ay tumutugon din sa diwang musika. Halimbawa, ang mga ahas na alaga sa India at Arabia ay nagtatayo ng ulo kapag nakarinig ng tunog ng pluta ng fakiir (isang pulubing panrelihiyon na may bandolina). Sa Heolcah, Florida, U.S.A., sa isang pagatasan, ang mga baka sa pook-gatasan habang nakakabit ang mga instrumento o gadget sa mga suso nito ay may radyong nagbibigay ng musika. Ayon sa manedyer ng pagatasan, ang mga ito'y nakatutulong sa pagkuha ng maraming-gatas. Ayon sa manedyer ng pagatasan, ang mga ito'y edukadong baka.

Ang sangkatauhan ay tumanda, dumunong, at lalong nagkaroon ng kamalayan sa musika. Ang mga di-linang na musika at mga sayaw ng mga nakaraang panahon ay pinag-ukulan ngayon ng panahon at nilagyan ng mga pagbabago at bagong interpretasyon. Sa Pilipinas, halimbawa, ang sayaw at musika ng mga Muslim ay nabigyan ng makabagong interpretasyon. Nakilala ang kanilang mga tugtugin at sayaw sa buong bansa at sa ibang bansa man sa pamamagitan ng Tropa Bayanihan (Bayanihan Troupe).

Ang musikang Magindanaw ay kilalang musikang Asyano. May impluwensiya o may kaugnayan ito sa musika ng Malaya, Hindu, at Muslim. Nagbago rin ng tanghalan ang mga katutubong sayaw mula sa bahay ng mga datu tungo sa tiyak na pook na tanghalan. Dati'y itinatanghal lamang kung may pagdiriwang ang mga Muslim, kung may mga panauhin ang datu, o kung may kasalan. Sa ngayon, ang bagong ensembol ay ginagawang pampalipas ng oras o pang-aliw.

Ayon sa isang kritikong si Gerald Frank, isang Amerikano, "magpahayag ka ukol sa musika at ikaw ay magsasabi ng ukol sa walang hanggang hiwaga, ang hiwaga ng mga tunog". Na ang tao ay nakalikha ng iba't ibang instrumento upang ipahayag ang tunog ng wika mula sa tambol, kuwerdas, at sa ngayon ay naging radyopono, esteryo, teyp rekorder, plaka, at telebisyon, ay di naging kataka-taka o kahanga-hanga. Lahat ito'y natuklasan para sa musika.

Isa pang pagpapatunay ng lakas o bisa ng musika ay noong mga panahong si Nero ng Roma ay nag-aaliw samantalang nasusunog ang Roma. Sinasabi ring napababa ni Sta. Cecilia ang mga anghel sa kanyang pagtugtog. Ang pusong may suliranin ay napagagaan ng musika. Kung ang isa'y nakikinig ng musika, mapapansin bumibilis ang tibok ng kanyang puso at isang daliri'y napapakumpas, samantalang ang isipan nama'y nakikipag-unahan sa daloy ng musika. Isang halimbawa pa ng bisa ng musika ay ang paghiling ng isang bilanggong papatayin sa kinabukasan ng musika sa halip na pagkain. Noong ika-17 dantaon, si Amer Farouzi, hari ng Persia ay hindi na mapagaling ng kanilang mga manggagamot, sa biyulin ng isang pulubi'y himalang gumaling, naging mabisang gamot ang wika ng mga tunog.

Makapangyarihan ang musika hindi lamang sa indibidwal kundi sa mga gawain at pagdiriwang. Masasabing masira man ang mga bagay sa daigdig o magunaw man yata ang mundo hindi mawawala sa puso ng mga tao ang musika. Ayon sa isang dalubhasa sa musika, ang musika'y isang sining na nagpapahayag ng isang bukod tanging kakayahan ng makarealistikong indibidwal o grupo.



Copyright © 2021
All Rights Reserved


This post first appeared on Poetika At Literatura, please read the originial post: here

Share the post

Ang Musika ng mga Tunog

×

Subscribe to Poetika At Literatura

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×