Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Minsang Maging Guro

ni: Gertrudes R. Pineda

"Her First Teacher" by Ninoy Lumboy

      Akala ko'y lubusan na akong magpapahinga sa pagtuturo. May kung ilang taong nagturo ako sa mataas na paaralan. At lalong manabang panahon ang iniukol ko sa pagtuturo sa pamantasan na hubugan sa mga magiging guro.
    
    Mga lima-anim na taon na akong nagretiro sa undergraduate. Ipinasiya kong dapat na akong magpahinga. Mag-aalaga na lamang ako ng halaman, o gagawa ng kahit anong magagawa ko sa tahanan.

    Sang-ayon ang aking tao sa pasyang iyon. Dapat, naman, you deserve it, ang sabi niyang nasisiyahan.

      Subalit hindi nangyari nang ganap ang balak ko. Ako'y laging dinadalaw ng pagkainip. Tila tuksong kinakayag ako ng dating takbo ng aking buhay. Gusto kong magpatuloy sa pagtuturo. At heto na nga. Nagtuturo pa rin ngayon, part time, sa paaralang gradwado. Wala na ring nagawa ang aking tao. E, sige na nga, ang sabi niyang may himig ng pagkatalo, kung yan ang gusto mo.

       Mahirap pasubalian ang sambitlain na "sandaling maging titser ay lalaging titser." Ibig kong ulit-ulitin ang gasgas nang pahayag na mayroong unikong kompensasyon ang pagtuturo-hindi pera, kapos nito; manapay sa lbang bagay: ang pagkabatid sa bunga na paghahasik ng dunong at pagkikinis ng pagkatao.

 Hindi matatakal ang kaligayahang sumasapuso ng Isang guro kapag nakakatagpo niya (kahit nangangailangan ng paggunita sa lumipas upang ilugar ang mukhang iyon, ang pangalang iyon!), kapag nababalitaan niya ang kalagayan, ang tagumpay higit na sa larangan ng buhay ng kinatatalagahan ng sinuman sa kanyang naging mga mag-aaral.

 Ang mga gurong matagal na sa lingkuran ay karaniwang nagsasabi na, Naku! Kahit saan ako magpunta'y meron yata akong naging iskwela. Totoo rin ito sa akin. Hindi biro ang bilang ng mga mag-aaral na nagabayan ko. Kaylalaki ng klase, lalo na nang panahong napakatindi ng balani sa kabataan ng kursong pagtuturo. I -multiply ito ng halos apatnapung taon at matutuos kung gaano na karami ang mga Naging Estudyante kong nakakalat ngayon sa lahat halos ng dako ng bansa.

 Minsan ay isinama ako ng aking tao sa kanyang isang speaking engagement sa Unibersidad ng San Agustin sa Lungsod ng loilo. Ako'y binating isa sa mga dumalo sa programa.

 "Aaaaay! Maaam!" Niyakap ako. Hinagkan. "Natatandaan pa ba n'yo ko, ma'am?" At ibinigay ang kanyang pangalan. Si Miss Kuwan daw siya noon.

 "O, saan ka nagtuturo?" 

Binanggit ang isang mataas na paaralang pinagtuturuan niya sa isang bayang malapit sa Lungsod. "Prinsipal ho ako ro'n, maam."

 "Siya nga? Congratulations! Talagang magaling ka. O, kumusta, ilan na ang mga anak mo?

"Apat, maam. Tapos na ang dalawa. Nasa kolehiyo ang pangatlo. Huling taon na sa high school ang bunso. Lahat lalaki."

 "Dapat kang magmalaki! Kumusta naman ang Mister mo?"

 "Department head ho sa provincial government."

Bakas na bakas sa kanya ang tuwa ng tagumpay sa buhay. Di kasi namang tuwang-tuwa rin ako. Ang mga ganitong tagpo'y nauulit sa iba't ibang pagkakataon, sa iba't ibang pook, sa iba't ibang paraan.

 Nang minsang ang aking taoy dumating mula sa isang tationg araw na komperensya sa isang bayan sa llocos Norte, pinasalubungan niya ako ng isang kumot at isang twalyang habing Paoay.

 "Alaala sa iyo ng naging estudyante mo raw. De Guzman. Vicky de Guzman. Dating Miss Ramos daw siya. Naging estudyante mo rin daw ang kanyang napangasawa. Eliseo, Eliseo de Guzman. Nag-aaral daw ng business management habang nagtuturo.

 "Ngayon", ang pagbabalita pa niya, "branch manager ng isang bangko sa kanilang bayan."

 "Ay, ang galing naman ng naging kalagayan nina Vicky at Eliseo", ang sabi ko habang inilalarawan ko sa gunita ang dalawang mukha.

 Aling pusong guro ang hindi pipitlag sa galak na epekto ng ganoong balita? Oo nga, kahit ang pinagtatamuhan ng tagumpay sa kasalukuyan ay iba kaysa sa pinagsanayang propesyon.

 Hindi ulilang pangyayari ito. Itoy duplikado sa di mabilang na mga eksena ng buhay. Sa ganitong sitwasyon ay nakatitighaw ng damdaming isipin ang naging guro ng nagwagi. Ang kasiyahan ay nasa katotohanang naging matatag sa saligan niya sa pag-ibang landas ang pinag-aralan at pinagsanayang pagguguro sana.

 Isang araw, may isang buwan pa lamang ang nakakaraan mula nang buksan at pinasinayaan ang isang pamilihang-bayan sa di kalayuan sa village na pinaninirahanan ng aking pamilya, ay sinadya naming ng tao ko na tumingin-tingin, at nagbaka-sakaling makakita ng mabibiling maaaring kakailanganin sa pamamahay.

 Huminto kami sa harap ng pwesto ng magbibigas at minasdan ang klase at presyo ng mga butil. Di kaginsa-ginsa'y lumabas ang isang lalaking may hawak na sako.

 Kilala ko ito, naisip ko. Tila siya ay nagulat,at, "Ma'am! Kumusta kayo?" Pamilyar ang kanyang anyo. "Ako ho si...""A,oo. Malimit kang mahuli. "Parang di ko inisip ang magiging epekto ng sinabi ko. Tinapangan ko na lang ho ang hiya ko. Kasi ho, nasabi ko naman sa inyo na kargador ako no'n sa isang tindahan ng bigas sa Quiapo."

 "Siguro, iyo na ang tindahang ito, ano?"

 "Konti ho. Munting puhunan. Swerte lang ho, Ma'am. Awa ng Diyos, Mahirap nga lang ho. Mabigat ang trabaho. Hindi ho ako nakapagturo. Wala kasi akong malapitan. Wala akong isponsor. Kaya kung ano na lang ang naharap Kong trabaho. At may pamilya na ho ako. Kaya heto, nagbibigas na lang."

 Aba, magaling na hanapbuhay ito. Baka malaki pa ang kita mo kaysa karaniwang guro. Magandang negosyo ito. Marami ka ring napaglilingkuran. Sige, pagbutihin mo."

 Minsan bakas ng pagkaunsyami sa kanyang tinig. Hindi rin Siya nag iisa sa kanyang kalagayan, o, kapalaran ba? Ang totoo, may mga di nakatapos ng kursong kauna-unahan sa kanilang mga hinirang na pagsasandigan ng kanilang kinabukasan. Ang di pagkatupad ay bunga ng iba't ibang kadahilanan. Halimbawa'y tunay na kakapusan sa kabuhayan pagkakasakit, pagkakaroon ng pamilya nang wala sa panahon, at iba pa.

 Minsan ay mayroon akong nilalakad na papeles sa tanggapan ng patalaang-lupa. Mayroon kung ilang oras na akong nakaupong kasama ng maraming parokyanong katulad kong naghihintay mapagsil bihan nang isang patpating kagalang-galang ang ayos ang huminto sa harap ko at ako'y pinagmasdan. Minasdan ko rin siya, parang may kalabuan ng larawan ang ang gumuhit sa gunita ko. Siya ang nagsalita.

 "Hindi ho ba kayo si Miss del Rosario?"

"Ako nga, ang tugon ko, "Mrs. Pineda na ngayon."

"Ma'am, Kasi matagal na ang panahong yon, sa UE pa.

"Umalis ako roon at nag-concentrate na lamang ako sa MLO.

Dalawang taon lang akong nagturo, Ma'am. Nalipat ako rito. Matagal na. Nagtiyaga ako .. Bakit ho, ano ang sadya ninyo?"

 Sinabi ko. At niyaya niya ako sa loob. Pumasok kami sa kanyang kwarto na kinaroroonan ng ilang mga kawani.

 "Dito na ho kayo maghintay at patitingnan natin."

"Chief ka?

"Konti ho.

At siya na ang nagpakilos sa kanyang mga tauhan. Wala pang isang oras at natapos ang transaksyon. Nakahinga ako nang maluwag. Ang totoo, pangatlong araw nang nilalakad ko ang papeles na iyon.

 "Pasensya na ho, kayo, Ma'am. Totoong marami ho kaming gawain. Kulang na kulang kami sa mga tao."

 "Huwag kang mag-alala. Maiintindihan din naman ng mga pinaglilingkuran ninyo ang problema. O, sige," ang sabi ko, sabay tindig. "Hindi na kita aabalahin. Alam kong matrabaho ka. Hindi panapos ang pasasalamat ko sa iyo, ha?

 "Naku,maliit na bagay ho, yan, Ma am. Wala hong anuman. Basta ho't may kailangan kayo rito'y pumarito kayo sa akin." Sabay tayo.

 "A, oo. Sige, harinawang tumaas pa ang katungkulan mo"

"Salamat ho.

 Ganyan. Sa mga di inaasahang pangyayariy dumarating sila. Inaalalayan ka. Parang hulog ng langit. Ito'y pakinabang, hindi ba? Bahagi ng ani sa punlang halaman.

 May isang lalong nakatutuwa. At ito'y ang pangyayaring ang isang naging estudyante ko'y nasa harap ng madlang kinabibilangan ko. Nagbibigay- kabatiran. Naglilinang ng kalusugang ispirituwal.

 Kamakailan lamang, sa isang seminar na idinaos sa formation hall ng kumbento ng aming parokya ay naganap ang ipinalalagay ko (personal ito) na isang makulay na tagpo. Ang maghapong seminar na binubuo ng serye ng mga paksa ay kaugnay ng debosyon sa Mahal na Birhen Maria.

 Bago pa man nagsimula ang mga sesyon ay nagkakumustahan at nagkakwentuhan na kami ng isa sa mga magpapanayam na naging estudyante ko. Guro siya sa isang Mataas na Paaralan sa isang lungsod sa Kamaynilaan.

 "May limang taon nang involved ako sa gawaing ito, Ma'am. Paglabas ng iskul, dito naman ako."

 "Paano, hindi ka na ba mag-aasawa?"

 "Hindi na ho siguro. Maligaya na naman ako sa trabaho ko."

 Sa mga nagpanayam ay siya ang nangibabaw sa kanusayan. Hindi lamang sa ganang akin kundi ayon na rin sa narinig ko sa mga kasamakong kalahok sa seminar. Maliwanag. Kapani-paniwala. Nakapagpapalago ng pananampalataya. Talagang guro!

 Hindi ko na isinawalat ang kagalakang pumapagaspas sa kaibuturan ng puso ko. Sa introduksyon pa lamang ng panayam, ang naging mag-aaral ko (at di nga kasiy naging guro ko na rin) ay nag-ukol ng ilang pangungusap para sa akin na para bang ako ang dapat ipakilala sa halip na siya. Para sa akin, sapat nang kapakinabangan ng isang guro angganitong episodyong nakapag- bibigay-inspirasyon.

 Magpahinga, huminto sa pagtuturo?

 Ngunit ako'y isang guro!

 

 

 

Copyright © 2020
All Rights Reserved

 

 



This post first appeared on Poetika At Literatura, please read the originial post: here

Share the post

Minsang Maging Guro

×

Subscribe to Poetika At Literatura

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×