Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Impeng Negro

Tags: siya ogor ang mga

        

ni: Rogelio R. Sicat

Anti-Bullying Art Exhibition Online

        "BAKA makipag-away ka na naman, Impen." Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. At mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay.

         "Hindi ho," halos paungol niyang tugon.

       "Hindi ho.." ginagad Siya ng ina. "Bayaan mo nga sila. Kung pagpapapansinin mo'y lagi ka ngang mababasag-ulo.

       May iba pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan Alam na niya Ang Mga iyon. Paulit-ulit na niyang naririnig. Nakukulili na ang kanyang taynga.  

     Isinaboy niya ang tubig na nasa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak "Dumaan ka kay Taba mam'yang pag-uwi mo," narinig nilyang bilin ng ina.

        "Wala nang gatas si Boy. Etong pambili"

        Tumindig na siya at nanghihinamad na itinaas ang mga kamay. Nag- nikab. Inaantok pa siya. Gusto pa niyang magbalik sa sulok na kanyang higaan. Ngunit kailangang lumakad na siya. Tatanghalin na naman bago siya makasahod. At naroroon naman marahil si Ogor. Kahit siya ang nauna ay lagi siyang inuunahan ni Ogor sa pagsahod. 

          Umiingit ang sahig ng kanilang barumbarong nang siya'y pumasok.

        "Nariyan sa kahon ang kamiseta mo."

        Sa sulok ng kanyang kaliwang mata'y nasulyapan niya ang kanyang ina. Nakaupo ito, taas ang kaliwang paa sa dulo ng halos dumapa nang bangko at nakasandig ang ulo sa tagpiang dingding. Nakalugay ang buhok. Bukas ang kupasing damit na gris, nakahantad ang laylay at tuyot na dibdib. Kalong nito ang kanyang kapatid na bunso. Pinasususo.

        "Mamaya, baka umuwi ka na namang... basag ang mukha."

        Bahagya na niyang naulinigan ang ina. Nakatitig siya sa tatlo pa niyang kapatid. Sunud-sunod na nakatalungko ang mga ito sa isa pang bangkong nasa tagiliran ng nanggigimalmal na mesang kainan. Nagsisikain pa.

        Matagal na napako ang kanyang tingin kay Kano, ang sumunod sa kanya. Maputi si Kano kayat ganito ang tawag dito sa kanilang pook. kakutis ni Kano ang iba pa niyang kapatid. Marurusing ngunit mapuputi. May pitong taon na si Kano. Siya nama'y maglalabing-anim na.

        Hinalungkat na niya ang kahong karton na itinuro ng ina. Magkakasama ang damit nila nina Kano, Boyet at Diding. Sa may ilalim niya nakuha ang kulay-lumot niyang kamiseta. Hinawakan niya iyon sa magkabilang tirante. Itinaas. Sinipat.

        "Yan nang isuot mo." Parang nahulaan ng kanyang ina ang kanyang naiisip.

        Isinuot niya ang kamiseta. Lapat na lapat sa kanya ang kamisetang iyon noong bagong bili ngunit ngayo'y maluwag na. Nagmumukha siyang Intsik na beho kapag suot iyon... ngunit wala naman siyang maraming kamisetang maisusuot. Mahina ang kita ng kanyang ina sa paglalabada, mahina rin ang kanyang kita sa pag-aagwador.

        Nagbalik siya sa batalan. At nang siya'y lumabas, pasan na niya ang kargahan. Tuluy-tuloy na niyang tinungo ang hagdan.

        "Si Ogor, Impen," pahabol na bilin ng kanyang ina. "Huwag mo nang papansinin.."

        Naulinigan niya ang biling iyon at aywan kung dahil sa inaantok pa siya, muntik na siyang madapa nang matalisod sa nakausling bato sa may paanan ng kanilang hagdan.

        Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag daw niyang pagpapansinin Si Ogor. Talaga raw gayon ito: basagulero.

        Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito. Ngunit sadya yatang hindi siya makapagtitimpi kapag nariinig nilya ang masasakit na pagkulya sa kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor.

        Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit magsimula ng panunukso.

        "Ang itim mo, Impen," itutukso nito. "Kapatid mo ba si Kano? isasabad naman ng isa sa mga nasa gripo.

        Sino bang talaga ang tatay mo? "Sino pa? isisingit ni Ogor, "di si Dikyam!"

        Sasambulat na ang nakabibinging tawanan. Pinakamatunog ang tawa ni Ogor. Si Ogor ang kinikilalang hari ng gripo. Si Ogor ang pinakamalakas na agwador na pinanganganinuhan sa kanilang pook.

        Noong una, sinasagot niya ang panunuksong ito.

        "E, ano kung maitim?" isasagot niya.

        Nanunuri ang mga matang iikutan siya ni Ogor. Nakangisi. Pagkuwa'y bigla na lamang kakayurin ng hintuturo ang balat sa kanyang likod.

        "Negrong-negro ka nga, Negro!" tila nandidiring sasabihin ni Ogor. At magsusunuran nang manukso ang iba pang agwador. Pati na ang mga batang naroroon.

        "Tingnan mo'ng buhok, kulot na kulot. Tingnan mo'ng ilong, sarat na sarat. At naku, ang nguso namamalirong."

        Sa katagalan, natanggap niya ang panunuksong ito. lyon ang katotohanan, ang nasasabi niya sa sarili. Negro nga siya, ngunit ano kung Negro? Napapikit Siya. Anak siya ng isang sundalong negro na sumipot, at nang maging anak na siya'y biglang nawala sa Pilipinas.

        Ang pagkutyang hindi niya natanggap at siya ngang pinagmulan ng nakaraang babag nila ni Ogor, ay ang sinabi nito sa kanyang ina. "Gayon nga kaya kasama ang kanyang ina?"

        "Sarisari ang magiging kapatid ni Negro, Sinabi ni Ogor." Baka makatatlo pa ang kanyang nanay ngayon!

        Noong dinadala ng kanyang ina ang kapatid niyang bunso ay iniwan ito ng kanyang asawa. Hindi malaman kung saan nagsuot. At noon, higit kailanman, naging hamak sila sa pagtingin ng lahat. Matagal-tagal ding hindi naglabada ang kanyang ina, nahihiyang lumabas sa kanilang barumbarong ...Siya ang napagtuunan ng sarisaring pagkutya.

        Ang pagkutyang iyo'y natiim sa kanyang puso at sa kanyang isip. At mula nga noon, nagsimula nang umalimpuyo sa kanyang dibdib ang dati'y binhi lamang ng isang paghihimagsik..nagsusumigaw na paghihimagsik sa kanilang pook-pook na iyong ayaw magbigay sa kanila ng pagkakataong makagitaw at mabuhay nang payapa.

        Sariwa ang nangyaring pakikipagbabag niya kay Ogor, naiisip ni Impen habang tinatalunton ang mabatong daang patungo sa gripo. Mula sa bintana, nakikita niyang nagsusulyapan ang ulo ng mga bata. Itinuturo siya ng mga ito. Sa kanya rin napapatingin ang mga matatanda.

        Walang sinasabi ang mga ito ngunit sa mga mata, sa galaw ng mga labi, nababasa niya ang isinisigaw ng mga paslit: "Negro!

        Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Sa malamig ngunit maliwanag nang sikat ng araw, nakikita na niya ang langkay ng mga agwador, nagkakatipun-tipon. Nagkakatuwaan. Masasaya at matitining ang mga halaknak. Sa langkay ng mga iyon ay kilalang-kilala ang anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan si Ogor? Sa mula't mula pa, itinuring na siya nitong isang kaaway, di kailan man binigyan ng pakakataong maging kaibigan.

        Halos kasinggulang niya si Ogor, ngunit higit na matipuno ang katawan nito. Mataas. Tuwid ang tindig at halos hindi yumuyuko kahit may dalang balde ng tubig. Sagsag ang lakad. Tila sino mang makasalubong sa daan ay kayang-kayang sagasaan.

        Nang marating niya ang gripo ay tungo ang ulong tinungo niya ang hulihan ng pila. Marahang inalis sa pagkakawit ang mga balde. Sa sarili, nausal niyang sana'y huwag siyang maging paksa ng pagkakatuwaang iyon.

        Nakaanim na karga na si Impen. May sisenta sentimos nang kumakalansing sa kanyang bulsa. At may isa pang nagpapaigib sa kanya diyes sentimos na naman. Kapag tag-araw ay malaki-laki rin naman ang kinikita ng mga agwador. Mahina ang tulo ng tubig sa kanilang pook at bihira ang may poso artesyano.

        "Tanghali na akong makauuwi nito", nausal niya habang binibilang ng mata ang mga balde. Maluwang ang parisukat ng sementong kinatitirikan ng gripo, ngunit ang dulo ng pila'y nasa labas pa niyon.

        Di kalayuan sa gripo ay may isang tindahan. Sa kalawanging yerong medya-agwa niyon ay nakasilong ang iba pang agwador, may naghuhubad na ng damit, at isinasampay na lamang sa balikat. May nagpapaypay. May kumakain ng halu-halo. 

        Sa langkay na iyon ay kay Ogor agad natutok ang kanyang tingin. At pinilit niyang supiln ang hangaring makasilong. Naroon sa tindahan Si Ogor. Hubad-baro. Ngumingisi. Mauupo na lamang siya sa kanyang balde. Mabutipa roon. Kahit nakabilad sa init. Pasasaan ba't ikli din ang pila, naiisip niya. Makasasahod din ako. Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may maulinigan siyang tinig mula sa tindahan.

      "Hoy, Negro! Sumilong ka. Baka sakaling pumuti ka!" tinig iyon ni Ogor. At kahit hindi siya lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi na naman. Nangungutya.

        "Hoy, Negro!" muli niyang narinig.

        "Sumilong ka! Baka ka masunog!

      Malakas ang narinig niyang halakhakan. Ngunit hindi pa rin siya lumingon. Tila wala siyang naririnig. Nakatingin siya sa nakasahod na balde, ngunit ang naiisip niya'y ang bilin ng ina, na huwag na niyang papansinin si Ogor.

        Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupang balde. At habang umiisod ang pila, nararamdaman niyang lalong umiinit ang sikat ng araw. Waring nasusunog ang balat ng kanyang batok, likod at balikat. Namumuo ang pawis sa kanyang leeg.

        Itinaas niya ang tirante ng kamiseta. Hinipan-hipan ang dibdib. Dinatagalan, isinawak niya ang kamay sa nalabing tubig sa kanyang balde. Unang binasa ang buhok. Pagkaraa'y ang ulo, ang balikat. Ang mga bisig. May nadama siyang ginhawa ngunit pansamantala lamang iyon. Nang malaon, muli niyang naramdamang tila nangangalirang na naman ang kanyang balat.

        "Hoy, Negro!" napatuwid siya sa pagkakaupo nang marinig niya lyon. Nasa likuran lamang niya ang nagsasalita, si Ogor. "Huwag ka nang magbibilad."

        Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At habang itinatapat nito ang balde sa gripo, muli niyang nakita ang pagngisi nito.

        Napakatagal sa kanya ang pagkapuno ng mga balde ni Ogor. Napabuntunghininga na lamang siya nang makitang kinakawitan na ni Ogor ang mga balde. Aalis na si Ogor, naiisip niya. Huwag na sanang babalik.

        May galak na sumusuno sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang pagkapuno ng sinusundang balde. Susunod na siya. Sa wakas, makasasahod na siya. Pagkaraan ng kargang iyon ay uuwi na siya. At daraan pa nga siya kay Taba. Bibili ng gatas.

          Malakas ang narinig niyang halakhakan. Ngunit hindi pa rin siya lumingon. Tila wala siyang naririnig. Nakatingin siya sa nakasahod na balde, ngunit ang naiisip niya'y ang bilin ng Ina, na huwag na niyang papansinin si Ogor.

        Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupang balde. At habang umiisod ang pila, nararamdaman niyang lalong umiinit ang sikat ng araw. Waring nasusunog ang balat ng kanyang batok, likod at balikat. Namumuo ang pawis sa kanyang leeg.

        Itinaas niya ang tirante ng kamiseta. Hinipan-hipan ang dibdib. Di natagalan, isinawak niya ang kamay sa nalabing tubig sa kanyang balde. Unang binasa ang buhok. Pagkaraa'y ang ulo, ang balikat. Ang mga bisig. May nadama siyang ginhawa ngunit pansamantala lamang iyon. Nang malaon, muli niyang naramdamang tila nangangalirang na naman ang kanyang balat.

        "Hoy, Negro!" napatuwid siya sa pagkakaupo nang marinig niya iyon. Nasa likuran lamang niya ang nagsasalita, si Ogor. "Huwag ka nang magbibilad."

        Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At habang itinatapat nito ang balde sa gripo, muli niyang nakita ang pagngisi nito.

        Napakatagal sa kanya ang pagkapuno ng mga balde ni Ogor. Napabuntunghininga na lamang siya nang makitang kinakawitan na ni Ogor ang mga balde. Aalis na si Ogor, naiisip niya. Huwag na sanang babalik.

      May galak na sumusuno sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang pagkapuno ng sinusundang balde. Susunod na siya. Sa wakas, makasasahod na siya. Pagkaraan ng kargang iyon ay uuwi na siya. At daraan pa nga siya kay Taba. Bibili ng gatas.

        Datapwa, pagkaalis ng hinihintay niyang mapunong balde ay isang mabigat at makapangyarihang kamay ang biglang pumatong sa kanyang balikat. Si Ogor ang kanyang natingala malapit lang pala ang pinaghatdan nito ng tubig.

        "Gutom na ako, Negro," narinig niya. "Ako muna."

        Pautos iyon. Saglit siyang hindi nakakibo. Iginitgit ni Ogor ang bitbit na balde. Iginitgit din niya ang sa kanya, bahagya nga lamang at waring takot na paggitgit. Kadarating mo lamang Ogor, nais niyang itutol.

        "Ako muna sabi, e," patuloy ni Ogor.

        Bantulot niyang dinampot ang balde. Itinaob ang kaunting laman. Uuwi na ako, bulong niya sa sarili. Uuwi na ako. Mamaya na ako iigib uli...

        Humakbang siya upang kunin ang pingga ngunit sa paghakbang na iyon, bigla siyang pinatid ni Ogor.

        "Ano pa ba'ng ibinubulong mo?"

        Halos hindi na niya narinig iyon. Nabuwal siya. Tumama ang kanyang pisngi sa nabitiwang balde. Napasigaw siya. Malakas. Kagyat na bumaha ang nakalililyong dilim sa kanyang utak. Dalawang kamay niyang natutop ang pisngi. Takot, nanginginig ang mga daliri. Dahan-dahan niyang iniangat iyon. Basa, mapula-dugo! Mangiyak-ngiyak siya. Kumikinig ang ulo. Nagngangalit ang ngipin.

        Nanghilakbot siya. Sa loob ng isang saglit, hindi niya maulit na salatin ang biyak na pisngi. 

        "O-ogor...O-ogor.." Natingala niya si Ogor. Mahigpit na kinukuyom.

        "Ogor!" sa wakas ay naisigaw niya.

        Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagsigaw. Sinipa siya nito. Gumulong siya. Buwal ang lahat ng baldeng nalalabi sa pila. Nagkalugkugan. Nakarinig siya ng tawanan at samantalang nakadapa, unti-unting nabuo sa kawalang malamang sulingan niyang mga mata ang mga paang alikabukin. Paparami ang mga paang iyon. Paparami... Pumapaligid sa kanya.

        Bigla siyang napabaligtad. At natambad sa kanyang paningin ang naghuhumindig na anyo ni Ogor. Nakaakma ang mga bisig.

        "O-ogor," nasnaw sa kumakatal niyang labi.

        Tumawang malakas si Ogor. Nakabibingi. Napapikit siya. Mariin. Pumulas ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Nasa ganito siyang kalagayan ng bigla niyang maramdaman ang isang ubos-lakas na sipa sa kanyang pigi. Napasigaw siya. Umiiyak na gumulong sa basang semento. Namimilipit. Tangan ang sinipang pigi, ang buong anyo ng nakaangat niyang mukha'y larawan ng gadaigdig na sakit,

        Matagal din bago napawi ang kirot ng kanyang pigi. Humihingal siya. Malikot ang mata nang bumangon at itinukod ang mga kamay sa semento.

Si Ogor. . Sa mula't mula pa'y itinuring na siya nitong kaaway. Bakit siya ginaganoon ni Ogor. Bakit? Bakit? Bakit?

        Kumikinig ang kanyang katawan sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang makita niyang muling aangat ang kanang paa ni Ogor upang sipain siyang muli, ay tila naulol na asong sinunggaban niya iyon. Niyakap. Kinagat. Mariin...

        Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor. Nagyakap sila. Pagulung-gulong. Hindi siya bumibitiw. Nang siya'y mapaibabaw, sinunud-sunod niya dagok, dagok, dagok, dagok. Pahalipaw. Papaluka. Papatay.

        Sa pook na iyon, nakaririmarim na pook na iyon, aba ang pagtingin sa kanila. Maruming babae ang kanyang ina. Sarisari ang anak. At siya, isang maitim, hamak na negro. Lahat ay kaaway. Papatayin niya si Ogor. Papatayin. Papatayin.

       Dagok, Dagok. .. Nag-uumigting ang kanyang mga ugat. Tila asong nagpipilit akapaibabaw si Ogor. Tila bakal na kumakapit ang mga kamay. At sa isang iglap siya naman ang napailalim. Nagsusumikad Siya. Tatagilid. Umiiri. Muling matitihaya.

   Hindi niya nailagan ang dagok ni Ogor. Nasisilaw siya sa araw. Napapikit siya. Nangungudngod siya, nahahalik sa lupa. Ngunit wala siyang naramdamang sakit. Wala siyang naramdamang sakit.

        Nakatatlo ng asawa si Inay, si Kano, si Boyet, si Diding at siya Negro! Negro! Negro!

     Sa mga dagok ni Ogor, anaki'y nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla, ubos-lakas siyang umigtad. Napailalim si Ogor. Nahantad ang mukha ni

Ogor. Dagok, bayo, bayo, bayo. Kahit saan, sa mukha, sa dibdib, dagok, dagok, dagok.

         Mahina na si Ogor. Lupaypay. Nalalaglag ang isinasanggang kamay. Humihingal na rin siya. Humahagok ngunit nagliliyab pa rin ang poot sa kanyang mga mata. Dagok. Papaluka. Gumagalaw-galaw ang sabog na labi ni Ogor. Bumuka. Muli niyang itinayo ang mga kamay.

         "I-impen!..."Halos hindi niya marinig ang halinghing ni Ogor. "I-impen, suko na... ako... suko na a - ako!"

     Naibaba niya ang kamay. Napasuko niya si Ogor! Napatingala siya. Abut-abot ang paghingal. Makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan siyang tumindig na nakatuon ang mga mata kay Ogor.

        Maraming sandaling walang mangahas pumunit sa katahimikang namayani. Paikpik na paikpik. Hindi makapaniwala ang lahat, sa kanya nakatingin.

        Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga mata ng mga ito. Ang nabakas niya'y di-paniniwala. Ang nakita niya'y pangingimi.

        Pinangingimian siya.

        May galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod niya ang mga kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas na iyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang minalas ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa'y nag-angat siya ng mukha.

        Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan.

 

Copyright © 2020 
All Rights Reserved


This post first appeared on Poetika At Literatura, please read the originial post: here

Share the post

Impeng Negro

×

Subscribe to Poetika At Literatura

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×