ni Marqz Verone Olivar
Bayang magiliw
Perlas mo'y nilapastangan
Banyagang walang puso
Dibdib mo'y ninakawan ng buhay
Lupang Hinirang
Ika'y sadyang piniring
Tahasang nilulupig
ng dayuhang mapaniil
Tila alikabok
Related Articles
si Juan sa sarili niyang bayan
Mapait ang luha
Taghoy ang paglayang minamahal
Kislap ng watawat mo'y
Pagtangis na umiigting
Maging bituin at Araw niya'y
Kinamkam at pinagbili
Lupa ng araw sa Pilipinong maralita
Di na langit sa piling mo
Yaman at laya, dinudusta't inaapi,
Ngunit mamamatay pa rin -- para sa'yo
Copyright © 2020
All Rights Reserved