Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

8 Ways to Improve Your Sari-Sari Store Business

Hindi mawawala ang mga sari-sari Store sa bawat barangay. Nasa probinsya ka man or living your city life dreams, lagi kang makakahanap ng maaasahan na sari-sari store malapit sa iyong bahay. Pero, kung marami nang sari-sari store at convenience shops, paano mo nga ba maaaring gawing stand out ang iyong sari-sari store negosyo?

Isa ka bang owner ng sari-sari store business or naghahanap ka ng sari sari store ideas to kickstart your newest business from home? Ito ang mga maaari mong gawin para mag-improve at mas palaguin pa ang iyong sari-sari store business!

1.     Cater to your customers

The best way to boost your business is to know your market. Maaaring sari-sari at iba’t-iba ang iyong produkto, pero make sure na patok sa iyong customers ang iyong mga paninda.

Kung ang location ng iyong sari-sari store ay malapit sa isang basketball o iba pang sports courts, siguraduhin na laging may stock ng energy drinks, bottled water, o ice tubig. Patok rin ang mga merienda items at school supplies kung ikaw ay malapit sa school zone.

2.     Make a good first impression

Sabi nga nila, first impression lasts! Kaya naman dapat na presentable at attractive ang iyong store front. Maganda rin kung maglalabas ng puhunan para sa magandang store signature or name card. Kung may budget, maglagay rin ng lights, decoration, at iba pang palamuti para makuha ang attention ng iyong mga customer.

3.     Prioritize the comfort of your customers

Dito sa Pilipinas, ang mga sari-sari at convenience store ay more than its products. Karamihan ng mga sari-sari store na may loyal customers ay may upuan – nasa tapat man ito ng tindahan o simpleng bangko lang sa bangketa. Tandaan, maaari ring dumami ang binibili ng isang customers kung magtatagal siya sa sari-sari store.

 4.     Make your products visible

Isa sa mga maaaring maging turn-off sa iyong mga potential buyer ay kung hindi nila makita ang produktong gusto nilang bilihin. Siguraduhin na madaling makita ng mga customers ang iba’t ibang paninda, kahit nasa malayo.

Makakatulong ang mga transparent at glass-window na lalagyan, o iba pang see-through jars at boxes. Pwede ring makaapekto sa visibility ng produkto ang poor lighting, kaya’t iwasan na maging madilim ang iyong sari-sari store.

Many different raw veggies and tasty fruits in a food market – photo from pixabay

5.     Remember the “sari” in Sari-sari

Sari means variety, kaya you need to make sure to have different products and brands on display. Tandaan na ibat iba ang mga items na patok sa bawat customer. Iba ang mga snacks at drinks na gusto ng mga bata, at iba rin sa matatanda. Hindi rin iisang brand ng shampoo ang gamit ng lahat ng iyong buyer, kaya it’s better to have wider options to cater to more customers.

6.     Your environment should be pleasant

Do not turn away potential customers with an unpleasant environment. Iwasan ang mga naka-open na trash bins, kanal or waterway na may foul odor, at iba pang maaaring magdulot ng di kaaya-ayang experience.

Laging linisin ang surroundings ng iyong sari-sari store. Remember, a little effort will go a long way para sa iyong small business.

7.     Find ways to innovate and improve

Magandang first step ang sari-sari store sa iyong stay at home business, at marami pang ways to expand your business!

Ilan sa mga bagong negosyo ideas na pwede mong idagdag sa iyong sari-sari store ay Pisonet business, e-load at game credits, o mga special gift items na maaring dayuhin ng mga customer!

8.     Technology is your friend

Isa sa ways para mag-improve ang iyong sari-sari store business ay gumamit ng technology! Maraming mga ways to improve your sari-sari store negosyo, tulad ng ordering your products online para sa less hassle, o gamitin ang mga apps tulad ng SmartSari para mag offer ng bagong services!

Huwag rin kakalimutan ang power of social media marketing para sa iyong small business.



This post first appeared on Mom's Shout Out, please read the originial post: here

Share the post

8 Ways to Improve Your Sari-Sari Store Business

×

Subscribe to Mom's Shout Out

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×