Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Ron Henley - Iladnasanwakan (Official Music Video) feat. Al James

Ron Henley - Iladnasanwakan (Official Music Video) feat. Al James

Director & Editor - Lowee Nagal (@chase.files)
D.O.P/Cinematography: Lowee Nagal & Miles Sanchez
Executive Producer - Miles Sanchez (@iamwicked_)

Music Produced by Jim P
Mastered at MFORE Studios by AliQ of AKJ Mastering
Additional vocals by Chen Pangan of Unit 406 (@chenpangan)
Artwork by TheNutcasePK (@thenutcasepk)







All video here is embedded only from  www.youtube.com


"Iladnasanwakan" lyrics:


I.
Bakit ba ayaw nila sayo? 'di ko alam
Mas gusto nila si Gumamela o 'di kaya si Santan
Tutol si tatay, si nanay, si ate, si kuya, pati mga kapitbahay
Madaming nagsasabi sa akin sa aming 'di raw tayo nababagay
Kahit kailan, 'di nila tayo maintindihan
Nagkikita tayo kaso palihim nalang
Sa ilalim ng maliwanag na buwan
Lagi nalang nilang tinitingnan ang kwarto ko
Baka may nakatago pang mga litrato mo
Kasi kung meron pa, lagot!
Tadhana'y tuluyan kang ipagdadamot
'Pag nagkataon,
Mapapalayo na naman ako sayo ng mga buwan, taon
Ayoko na non, masaya nako sa kung anong, anuman ang meron tayo ngayon
'Pag wala ng tao direcho sa kwarto, sa banyo, pinto'y isarado
Ibaba ang kurtina ng bintana baka may
Makakita, makahalata at lalong maghinala, ugh
Pakiramdaman kung sino'ng mauuna
Ang lapit lang ng langit tila maaabot ko na
Kumurot ng lupa, pagkatapos sa apoy pabagain
Sa tubig padaanin, bumuo ng ulap, palutangin sa hangin
Mahirap na, mahirap na
Pagmamahalang walang halong kemikal
Kelan ba tayo magiging ligal
II.
Ano nga bang nakita ko sayo? Um... 'di ko alam
Ano bang klaseng pabango yan, bakit parang di kita malayuan
Wala pang ibang nadadampian ang aking daliri, tanging sayo lang
Kahit na minsan nababalitaan ka na namang may mga kasamang tatuan
Nag-umpisa ang lahat nung pinakilala ka saken
Unang sipat ko sayo, biglang hampas ng hangin
Bigla rin akong ginanahan kumain
Ang dating dalawa naging limang takal ng bigas ang nasaing
At 'pag nababagabag at natataranta
Ikaw lamang ang nalalapitan para lang makalma
Tumatatag ang paniniwalang may kapangyarihang mas nakahihigit
Sa twing maglalakbay, mag-iisip, nakaupo habang mga mata'y nakapikit
Ako may tangkay sa iyong bulaklak
Kahit medyo buto-buto ay wala tong palpak
Puti daw ang buhangin sa nasabing lambak
Tumalon tayo ng langit, pahiga ang bagsak
May mga bagay sa mundo na hindi madaling takasan
Sigurado ng walang labasan
'Pag pinagkasundo ng Amang Kalawakan at ng Inang Kalikasan
Hanggang sa may inabot sakin ang pilandok
Lumutang sa sabaw sakay ng higanteng sandok
Ang init kumakalmot sa dibdib
Napaupo sa may sahig, lupa'y napakalambot
At tuluyan nakong inantok ugh
Pakiramdaman kung sino'ng mauuna
Ang lapit lang ng langit tila maaabot ko na
Kumurot ng lupa, pagkatapos sa apoy pabagain
Sa tubig padaanin, bumuo ng ulap, palutangin sa hangin
Mahirap na, mahirap na
Pagmamahalang walang halong kemikal
Kelan ba tayo magiging ligal
III.
Ang lakas na ng tama ko sa'yo, kung alam mo lang
Sana kasama kita araw-araw at lalong-lalo na 'pag umuulan
Wala pa ring sinabi kahit
Paghalu-haluin mo ang iba't-ibang klaseng droga don
Walang panama kahit ipagsabay ang
Ecstacy, bato, ekis, damo, acid, coca, at mogadon
Sa gitna ng makakapal na usok, tayo'y maglalaro
Habang pinaplano natin ang titirhang kastilyo
Tinitingnan kung pa'no itatayo
Tuyo na ang dahong dati'y malagkit
Palayo ka ulit at yun ang masakit
'Pag tumawag ako sana ganun pa rin ang numero mo at 'di ka nagpalit
Basta 'wag kang maingay
Dadaanan ang eskinita't looban para lang makasilay
Pagmamahalang pabulong, lakad ko'y pasulong
Wala ng panahon pa para umurong
Ika'y itinabi, ang tanging nag-iisang natitira, tinitipid ko pa
Kaso isang gabi, sa isang kisapmata, palihim kang nahithit ng iba
Tangina
Maging ligal man o hindi, palihim pa rin kitang 'sasama pag-uwi
Maging ligal man o hindi, palihim pa rin kitang 'sasama pag-uwi
Amoy ko na sa tuwing unti-unting naglalaho ang iyong bango
Kung pwede sanang habambuhay nalang tayo dito sa bakuran ko
Gusto ko yung mga katulad mo, yung may sari-saring lahi
Kaso nakalimutan ko, pagdating sayo, madami pala akong kahati
Mahirap na, mahirap na, mahirap na
(Walang aminan)
Mahirap na, mahirap na
Pagmamahalang walang halong kemikal
Kelan ba tayo magiging ligal

Latest Youtubes | Pinoy Music | Pinoy Video | Trending Video


This post first appeared on Latest Youtubes | PINOY TRENDING STUFFS, please read the originial post: here

Share the post

Ron Henley - Iladnasanwakan (Official Music Video) feat. Al James

×

Subscribe to Latest Youtubes | Pinoy Trending Stuffs

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×