Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Paint TechTalk with Lettie: Paano Magtanggal ng Boysen Plexibond sa Tiles?

Hi, Lettie.

Just want to ask how I can remove Boysen Plexibond sa tiles. Hirap kasing alisin. Natalsikan kasi.

Thank you.

From,
Boysen User J

Hello, Boysen User J.

Para hindi ma-damage ang tiles, puwede ka gumamit ng sandpaper at dahan-dahang lihain ang areas na may Boysen Plexibond. Puwede ka rin mag light manual scraping gamit ang paleta o painter’s spatula.

Unfortunately, mas madali talaga na mag-apply kesa magtanggal lalo na kung Plexibond ang gamit. Kaya mainam na kasama sa painting prep ang paglagay ng tapal. Mas mapapadali di hamak ang cleanup!

I-cover lahat ng surfaces na ayaw mong matalsikan o malagyan ng pintura bago magsimulang magtrabaho. Kasama na dito ang lapag na pagpapatungan ng Plexibond container at paint tray. Mag-ready din ng basahan pamunas ng mga patak, talsik, at spills bago ito matuyo at maging mas mahirap na alisin.

Ang Boysen Plexibond ay ginagamit sa “bare concrete surfaces” o sa mga bagong palitada. Hindi siya maaring gamitin sa mga pader na may pintura na o sa tiles.

Ito ay dahil mabigat ang nagiging resultang halo ng acrylic polymer (kung saan gawa ang Plexibond) at semento. Dahil dito, kailangan niya ng matibay na surface na kakapitan.

Ang Boysen Plexibond ay isang water-based cementitious waterproofing system. Ito ay hinahalo sa Portland na semento para makagawa ng isang mixture na puwedeng gamitin pang-waterproofing. Ito ay nakakatulong laban sa pagtagas ng tubig sa pader at mga concrete gutter.

Good luck at thank you sa pagpili sa Boysen!

Your painting partner,

Lettie

Need advice? Paint TechTalk with Lettie is here for you. Comment your painting question below or send an email to [email protected].

The post Paint TechTalk with Lettie: Paano Magtanggal ng Boysen Plexibond sa Tiles? appeared first on MyBoysen.



This post first appeared on Let It B, please read the originial post: here

Share the post

Paint TechTalk with Lettie: Paano Magtanggal ng Boysen Plexibond sa Tiles?

×

Subscribe to Let It B

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×