Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Edwin Hurry Jr. - Kasama Mo Ako Lyrics

Verse I:
Marami mang problemang dumating
Ito'y magkasama nating haharapin
Biruin ma't sirain ng tadhana
Pag-ibig ko sayo'y walang hangganan

Refrain:
At kahit na mahirap
Basta't kasama ka ay kakayanin ko
'Di ka iiwan at ito'y asahan mo

Chorus:
Kasama mo ako
Hindi ka iiwanan
Ikaw ay sasamahan hanggang sa walang hanggan
Kasama mo
Sa tuwing iyong kailangan
'Di mawawala sa piling mo
Pangako kong hindi magbabago
Mahal ko

Verse II:
Pangarap mo'y pangarap ko na rin
Ito'y magkasama nating aabutin
Maraming pagsubok man ang pagdaraanan
Ako'y narito at kasama mong lalaban

Refrain:
Sa mundong mahirap
Puno ng luha at pag-ibig na 'di totoo
Ako ang magsisilbing
Pahinga ng puso mo


Chorus:
Kasama mo ako
Hindi ka iiwanan
Ikaw ay sasamahan hanggang sa walang hanggan
Kasama mo
Sa tuwing iyong kailangan
'Di mawawala sa piling mo
Pangako kong hindi magbabago

Bridge/Rap:
Ilang beses ka nang lumaban sa mundo na magulo
Ilang beses ka ring lumaban para sa sarili mo
Hayaan mong ika'y samahan at ikaw ay gabayan
Sa dahan-dahan mong hakbang ika'y aking sasabayan

Kitang-kita ko ang pagod at luha sa'yong mata
Na 'di kayang itago kahit ang ngiti mo'y sagad na
Halika rito at sabihin ang nadarama
Ako'y makikinig kahit ang salita mo'y iyak lang

Dahil sa hirap at sakit na nangyari sa iyong buhay
Ako'y yayakap sa iyo't 'di magsasawang umalalay
Narito ako at isa sa magpapatunay
Na kahit anong dilim ay kaya nating bigyan ng kulay

Dahil meron tayong DIOS
At kasama mo ako, PALAGI
'Di mawawala sa piling mo
Paulit-ulit na sasabihin sa'yong

Chorus:
Kasama mo ako
Hindi ka iiwanan
Ikaw ay sasamahan hanggang sa walang hanggan
Kasama mo
Sa tuwing iyong kailangan
'Di mawawala sa piling mo
Pangako kong hindi magbabago

Chorus:
Kasama mo ako
Hindi ka iiwanan
Ikaw ay sasamahan hanggang sa walang hanggan
Kasama mo
Sa tuwing iyong kailangan
'Di mawawala sa piling mo
Pangako kong hindi magbabago

Outro:
At kahit ayaw sa'tin ng mundo
Ikaw pa rin ang pipiliin ko
Kasama mo ako



This post first appeared on Original Pinoy Lyrics, please read the originial post: here

Share the post

Edwin Hurry Jr. - Kasama Mo Ako Lyrics

×

Subscribe to Original Pinoy Lyrics

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×