Miss miss marikit
Pahingi ng saglit
Pansinin mo ako
‘Di na kayang dalhin
Tibok ng damdamin
Ako’y nabihag sa’yo
Kay tagal tagal ko nang
Nais na ipaalam kaya
Wag ka na umalis
At makinig ka na please
Sa sasabihin sayo
At tanging ikaw lang ang
Pinapangarap ko
‘Di man makita sa’king pagtingin
Ang damdamin ko sa iyo
Pinapangarap lang
Mapagbigyan ako
Tanging hiling ko sana’y mapansin
At makilala ka ngayon
Ikaw ang aking hiling
Liwanag ko sa dilim
Ngiti sa bawat yugto
Ba’t hindi mo dinggin
‘Wag ibato sa bangin
Itong pagtawag sa’yo
Matagal ko nang ramdam
Ikaw ang inaasam kaya
Eto na’t parating
Bugso ng damdamin
At ang pag-ibig sa’yo
At tanging ikaw lang ang
Pinapangarap ko
‘Di man makita sa’king pagtingin
Ang damdamin ko sa iyo
Pinapangarap lang
Mapagbigyan ako
Tanging hiling ko sana’y mapansin
At makilala ka ngayon
At tanging ikaw lang ang
Pinapangarap ko
‘Di man makita sa’king pagtingin
Ang damdamin kong ito
Pinapangarap lang
Mapagbigyan ako
Tanging hiling ko sana’y mapansin
At makilala ka ngayon
Tanging ikaw
Pinapangarap