Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Pagbubuntis sa Ika-20 Linggo

Pagbubuntis sa Ika-20 Linggo: Welcome Sa Ika-Limang Buwan ng Iyong Pagbubuntis!

Maligayang pagbubuntis! Ang artikulong ito ay magtuturo sa iyo ng iba’t ibang mahahalagang impormasyon tungkol sa Pagbubuntis sa ika 20 linggo.

Ang mga kaalamang matutuklasan mo sa pagbabasa ng artikulong ito ay makakatulong saiyo habang naghihintay sa nalalapit na pagsilang ng baby mo. Nasasabik ka ng malaman ang mga ito? Magpatuloy lang sa pagbabasa mo!

Mga sintomas ng pagbubuntis sa ika 20 linggo

Dahil nasa ika 20 linggo kana ng pagbubuntis, panibagong pagsubok na naman ang maaari mong harapin. Kabilang sa mga pagsubok na ito ang mga bagong sintomas ng pagbubuntis sa linggong ito. Kaya naman para makatulong saiyo, narito ang mga sintomas na dapat mong paghandaan at labanan.

  • Pamamanas ng mga kamay at paa – Normal ang sintomas na ito sa taong nagbubuntis, lalo na kapag sumapit kana sa ika 20 linggo hanggang sa panahon ng panganganak. Ang pamamanas o pamamaga ng kamay at paa ay sanhi ng pag dagdag ng blood flow at pagbigat ng timbang mo.
  • Paglabas ng likido mula sa puwerta (Vaginal discharge)  – Pansin mo ba ang paglabas ng malapot na likido galing saiyong puwerta? Kung minsan ay kulay dilaw ito ngunit kadalasan ay puti na may mabahong amoy? Normal ba ito? Opo! Wala itong kaso ayon sa mga doktor at parte ito ng sintomas sa ika 20 linggo. Ipinapayo ang pagamit ng pantiliners sa mga buntis kapag nakaranas ng ganitong sintomas.
  • Panunumbalik ng lakas – Alam mo bang pagsapit ng ika 20 linggo ng iyong pagbubuntis ay manunumbalik na ang lakas mo. Bukod rito, may karagdagan pa ito. Gawin mong advantage ang lakas ng katawan na ito. Mag hanap sa internet ng mga wastong ehersisyo para sa buntis at isagawa ito araw-araw. Makakatulong ang ehersisyo sa buntis para sa panganganak mo.
  • Pangangapos ng paghinga – Bakit kaya? Ano ang sanhi nito? Marahil ay yan ang tanong mo. Alam mo bang dahil sa patuloy ng paglaki ng baby sa katawan mo ay nahihirapan rin sa pag expand ang lungs o baga mo? Iyan ang paliwanag ng mga doktor kung bakit kung minsan ay kakaposin ka ng paghinga sa simula ng pagbubuntis sa ika 20 linggo.
  • Hirap sa pagtunaw ng pagkain ang tiyan – Ang sintomas na ito ay normal ayon sa mga doktor. Dahil sa patuloy na paglaki ng sanggol sa loob ng tiyan, nababalutan rin nito ang digestive system ng katawan mo. Dahilan ito para mahirapan sa pagtunaw ng pagkain ang tiyan mo.

Pakatandaan lamang ang mga sintomas na ito. Maging alerto rin na kapag nakaranas ng hindi pangkaraniwang sakit dulot ng sintomas ay huwag mag atubiling magpatingin sa doktor. Ngayong malinaw na saiyo ang mga sintomas na ito. Pagusapan naman natin ang kalagayan ng baby sa ika 20 linggo ng pagbubuntis mo.

Pagbubuntis sa ika 20 linggo: Kumusta na ang sanggol?

Dahil maglilimang buwan na ang pagbubuntis mo, alam kong nasasabik kana ng husto sa magiging anak mo. Kaya naman para makadagdag sa pananabik mo, at mas mas lalo ka pang ma-inspire, tatalakayin natin ang tunay na kalagayan ng baby mo sa linggong ito.

Mahilig ka bang kumain ng saging? Alam mo bang kasing laki na nito ang baby mo? Opo! Ang sanggol mo ay kaunting panahon na lamang bago maging ganap na tao. Sa linggo rin na ito mag sisimulang tumubo ang mga pinong buhok sa kanyang maliit na ulo. Ganun na rin ang kanyang pilik mata.

Mapapansin mo rin na mapapadalas na ang pagalaw ng sanggol simula sa linggong ito. Isang magandang indikasyon na patuloy na lumalaki ang batang malusog.

Napasaya ba kita sa mga nabasa mo? Kung ganun, pagusapan naman natin ang checklist ng pagbubuntis sa ika 20 linggo. Gusto mo ng malaman? Ipagpatuloy lamang ang pagbabasa mo!

Checklist sa ika 20 linggo ng pagbubuntis

Ngayong nasa ika 20 linggo kana ng pagbubuntis, pagusapan naman natin ang checklist para sa linggong ito. Sabay nating alamin ito!

  • Magtakda ng schedule para sa iyong 24-week prenatal check up
  • Alamin sa linggong ito kung ano ang kasarian ni baby
  • Gumawa ng masusing pagdesisyon para sa baby registry

Katulad ng linggohang paalala para sa mga buntis na tulad mo, isagawa ang checklist para sa linggong ito. Makakatulong ito para sa nalalapit na paglabas ng baby mo.



This post first appeared on Pagbubuntis.com, please read the originial post: here

Share the post

Pagbubuntis sa Ika-20 Linggo

×

Subscribe to Pagbubuntis.com

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×